Zone Twenty Seven

15.2K 204 6
                                    

Ngayon lang ako nagsisi ng ganito sa buong buhay ko. Sobrang pinagsisihan ko na iniwan ko si Luke kay Kathy. Pero kung hindi ko yun ginawa baka mas lalong gumulo at hindi na matapos ang problemang ito.

Mahal na mahal ko sila ni Liam. At sobrang saya ko siguro kahapon nang isigaw ni Luke na mahal nya ako. Kaso hindi eh. Buntis din si Kathy at si Luke ang ama. Ang sakit kasi ako yung kailangang lumayo para matapos na ito.

Immature man pero nasaktan din kasi ako. Natutunan ko na kasi syang mahalin tapos malalaman ko na magkakaanak na din sila ni Kathy. Okay na sakin na may nakaraan sila ni Kathy eh. Wala na nga sa akin kung ilan beses na nilang nagawa yun eh. Basta ang mahalaga mahal ko si Luke.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang nangyari pagkatapos kong umalis. Nagpahatid ako sa bahay ng mga magulang ko para doon muna.

Biglang nag-ring yung phone ko. At nakita ang number ni Louisa. Sinagot ko ito.

"Hello, ate max." Bati nito pero halatang apektado sa mga nangyari. "On the way na ako sa bahay nyo. Pinapasundo ka kasi nila mommy. May kailangan daw kayong pag-usapan…"

"Ah… sige…" Yun lang ang sinabi ko at pinatay na ang tawag. Medyo kinabahan naman ako sa sinabi ni Louisa na kailangan pag-usapan. Ayoko pa munang harapin yon. Sariwa pa kaya naduduwag ako.

Pero minsan dapat hinaharap ang takot. Walang mangyayari kung magtatago ka lang sa lungga mo. Kaya pumunta na ako sa banyo para ayusin ang sarili ko. Pagkababa ko sa sala ay nandoon na si Louisa na naghihintay sa akin. Napatayo sya nang makita ako. Dumating na din si mama galing kusina at dala si Liam.

"Aalis na kayo?" Tanong ni mama. Sabay kaming tumango ni Louisa. Pero bago lumabas ay humalik muna ako kay mama atsaka kay Luke. Sa kanila ako humugot ng lakas para harapin itong problema na ito.

Sumakay kami sa van at nag-drive na ang driver papunta sa bahay nila. Walang nagsasalita pero nagsalita din si Louisa kahit wala akong tinatanong.

"Inuwi nila si kuya kahapon para mabantayan at hindi ka hanapin. Alam kasi nila mama na syempre… galit ka. Pero alam mo ba pagkabalik ko kahapon, hindi nya ako tinantanan kung saan kita hinatid. Nagpapatulong din syang tumakas para makita ka pero hindi ako pumayag. Alam ko kasi na nahihirapan ka din…" Wala na syang naidugtong dahil naiyak na si Louisa. Nagulat naman ako doon. Kasi kahit nagsusungitan sila ay alam kong mahal nila ang isa't isa bilang magkapatid kaya alam kong nahihirapan din si Louisa. Lumapit ako sa kanya at niyakap. May tumulo ding luha sa akin pero isa lang. Hindi na nasundan. Naubos na kagabi.

Nang dumating kami ay nakaramdam ako ng konting kaba. Parang na-excite din ako na makita si Luke. Pero pag naaalala ko na possibleng nandito si Kathy ay nawawala ang nararamdaman ko at napapalitan ng galit.

Hinawakan ni Louisa ang kamay ko habang papasok kami. Medyo nakayuko sya dahil sa mugto at mamula mula nyang mata dahil sa pag-iyak kanina.

Naabutan ko ang mag-asawa na mukhang problemado. Napaangat sila ng tingin sa amin ni Louisa. Nakita ko naman ang pag ngiti ng mama nila pero may nakatagong lungkot sa likod nun. Ngumiti na lang din ako.

Umupo kami at di ko maiwasang mapayuko. Nahiya ako dahil sa ginawang kong pang-iiwan sa anak nila sa gitna ng problema.

"Hija, unang palang kitang nakita ay alam ko nang may magbabago sa anak ko. At hindi nga ako nagkamali doon. Ayaw na ayaw nya kasing kunin ang posisyon bilang CEO pero simula nang manganak ka ay naramdaman ko ang pagbabago. Tinanggap nya. Hindi na rin sya masyadong lumalabas at dumidiretso na sa bahay pag-uwi pagkatapos ng training nya. Alam ko din na tumigil na sya sa pambababae nun pero hindi ko alam na nakabuntis sya. Kakilala namin ang pamilya ni Kathy kaya magkakilala ang dalawa, college pa lang alam na namin iyon. Pero nagulat ako nang minsan akong sadyain ni Kathy sa opisina. Tinatanong nya kung bakit hindi nya ma-contact si Luke. Hindi na rin daw sya pinapapasok sa village. Dun ko nalaman na nagseseryoso na sya sa iyo, Maxene. At natuwa ako doon. You changed my son from being irresponsible to a responsible man. Natuto na syang tumayo sa sarili nyang paa. Pero hindi kita masisi kung galit ka sa anak ko. Kahit sino sigurong babae pag nalaman na may anak sa iba ang asawa nila ay talagang magagalit. Maxeneㅡ" Nakarinig kami ng kalabog sa itaas kaya napatingin kami doon. At doon ko nakita si Luke. Magulo ang buhok pati ang damit. Mukha syang walang tulog at halatang galing sa… iyak.

Napatayo ako nang bigla nya ako nilapitan para yakapin. Halos manlambot ang tuhod ko nang maramdaman ko ang init ng yakap nya. Isang araw ko pa lang syang hindi nakikita pero parang ilang taon na. Ramdam ko ang titig nila sa amin ni Luke. Napansin ko pa nga ang pag-ngisi ni Louisa kahit mapula ang mata. Kung hindi mo siguro sya kilala ay aakalain mong nada-drugs sya.

"MㅡMax…" Nagpipigil na sabi ni Luke. Nagpipigil syang umiyak. Hinaplos ko ang likod nya kaya hindi na nya napigilan ang luha nya.

Sinisilip ko ang mukha nya na nasa leeg ko. "HㅡHindi ka ba natulog?" Hindi ko napigilan ang tanong ko.

Hindi sya gumalaw kaya kumawala ako sa yakap nya. Nagulat sya pero bago pa sya mag-isip na iiwan ko ulit sya ay hinila ko na sya paakyat sa kwarto nya. Nagpahila sya na parang papel dahil sa tamlay nya. Pagkapasok namin sa kwaryo nya ay agad mya ulit akong niyakap. Niyakap ko na din sya pabalik habang hinihiga ko na ang mga katawan naming magkayakap sa kama nya. Naamoy ko kaagad ang bango ni Luke sa kama nya.

Humiga sya sa leeg ko at wala nang imik. Hinahaplos haplos ko lang yung buhok nya na sobrang gulo.

"Kumain… ka na ba?" Tanong ko ulit. Umiling sya kahit nasa leeg ko ang mukha nya. "Kumain kaㅡ"

"Ayoko…" Sabi nya gamit ang basag nyang boses. Mas lalo pa syang sumiksik sa akin kaya napayakap na lang din ako. "Don't leave…"

Napapikit ako sa bulong nyang yon. Ramdam ko kasi pagmamakaawa doon na hindi ata nagawa ni Luke sa buong buhay nya.

Ganun kami ng ilang minuto at alam kong tulog na sya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nagmakaawa si Luke na huwag ko syang iwan.

"Sorry kung iniwan kita kahapon. I promise hindi ko na uulitin yon." Bulong ko kay Luke na mahimbing ang tulog sa mga braso ko. "Mahal na mahal kita, Luke."

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon