Hindi ko alam na nakatulog din pala ako. Masyado ko atang na-miss si Luke. Dumilat ako at nakitang hindi nagbago ang posisyon namin. Magkayakap pa rin kami.
Nilibot ko na lang ang mata ko. At doon ko lang napansin na may mga bote ng alak don. Magulo din ang mga gamit nya sa table nya. May basag na picture frame, mga librong nakabuklat at ang cellphone ni Luke na nahati sa tatlo. Basag ang screen, tanggal ang back cover pati na din ang battery. May nakita din ako maliit ma metal at feeling ko ay yun yung nagsusuporta sa SD Card. Halatang nagwala si Luke kagabi.
Napatingin ako sa kamay nya na nasa baywang ko. Hinila ko pa ito ng dahan-dahan dahil hindi ko masyadong makita. May nakita akong mga gasgas kaya medyo nagalala ako. Pero hindi ko na din mapigilan ang pag-ngiti. Para ako ng baliw na ngumingiti ngiti kahit alam kong nasaktan si Luke.
"Mahal mo talaga ako no? Ayaw mo kong mawala sa buhay mo." Sabi ko kahit alam kong tulog sya.
"Sobra…" Nahigit ko ang hininga ko nang bumulong ulit sya. Bumangon sya at hinarap ako. "Don't you ever leave me again or else…"
"Or else?" Mapanghamon kong tanong habang may ngiti.
Hindi na ako nagulat nang halikan nya ko. Naramdaman ko na din sya sa tyan ko. Mas lumaki ang ngisi ko. Junjun missed me too. Haha!
Bumaba ang halik nya sa leeg ko kaya nagkaroon na ako ng pagkakataon para umungol.
"LㅡLuke~" Naipit ko pa lalo ang boses ko nang bumaba ang kamay nya sa dibdib ko. Gumapang pababa ang isa nyang kamay papunta sa laylayan ng blouse ko pero pinigilan ko sya.
"Maligo ka na muna." Sabi ko na medyo nang-aasar. Napasimangot si Luke sa pambibitin ko.
"Nangangamoy na ba ako?"
"Hindi. Pero gusto ko kasing maligo nang kasama ka." Sabi ko at dinilaan ang labi ko.
Napangiti agad sya sa sinabi ko. "Bumabawi ka ah?"
"Ayaw mo ba?"
"Gusto." Sabi nya at hinubad na ang damit nya. Binuhat nya ako papunta sa banyo habang hinahalikan sa labi.
Sabay kaming naligo non at pagkatapos ay bumaba na para kumain ng dinner. Malaki ang ngisi nila pagbaba namin.
"Halatang okay na kayo." Sabi ni Louisa na nakangiti. Hindi na ganon kahalata ang pamumugto ng mata nya. Ngumiti na lang din ako.
Tahimik kaming kumain ng dinner. Si Luke ay sobra sobra ang pagaalaga sa akin. Konting bawas sa plato ko ay dadagdagan nya agad.
"Ang dami na kuya." Sabi ni Louisa.
"Ayaw ko kasing nagugutom ang asawa ko." Sabi nya na may ngiti sa labi.
Pagkatapos naming kumain ng dinner ay napagpasyahan nilang dun sa sala mag-usap. Bumalik ang kaba pero hindi ko na masyadong pinansin. Andyan naman si Luke at hawak ang kamay ko.
"May mga pinagusapan na kami kahapon kasama si Kathy. And… syempre kailangan din namin pakinggan ang side mo, Maxene." Pagsisimula ni Mrs. Gonzales. "Gusto sana ni Kathy na magpakasal sila ni Luke pero hindi kami pumayag. Alam namin na mahal nyo ang isa't isa. Kaya kahit labag ang kalooban ni Kathy ay wala syang nagawa nang kami ang magdesisyon na mahahati lang ang oras ni Luke sa inyo ni Liam. Kailangan din kasi ng kaagapay ni Kathy lalo na at malapit na syang manganak. Okay ba tayo dun?"
Tumango ako at nagulat ako sa naging reaksyon ni Luke. "Ayoko." Matigas na pag-angal nya.
"Kailangan, Luke. Pananagutan mo din yun." Sabi ko kahit parang gusto kong sumang-ayon sa kanya.
"Pero…"
"May naiisip ka pa bang magandang paraan para hindi kayo mag-away ni Kathy?" Sa tingin ko ay pwede na din yon. Hindi ko pwedeng ipagdamot si Luke dun sa magiging anak nila ni Kathy. Pero may kailangan akong kumpirmahin kay Luke.
"Okay na po yon." Sabi ko at pinisil ang kamay ni Luke na hawak ko. Ang sarap sa feeling na maramdaman ko ang kamay nya na mahigpit ang hawak sa akin na parang ayaw nya akong pakawalan.
"Pero habang hindi pa nanganganak si Kathy ay baka mas dapat ay kay Kathy sya." Sabi ni Mr. Gonzales. "Pero ang isa pang problema ay ang mga magulang nya. Hindi ata sasang-ayon doon. At baka kunin nila ang sharesㅡ"
"Edi kunin nila. Pag ginawa nila yun ay huwag nating ibigay ang time ni kuya." Sabat ni Louisa.
Bakit pa kasi nabuntis si Kathy? Edi sana wala nang problema. Pero naisip ko din kung hindi kaya ako umalis kahapon ay hindi sasabihin ni Luke na mahal nya ko?
"Huwag na muna natin yang problemahin ngayon. May bukas pa." Sabi ni Mrs. Gonzales at hinila si Mr. Gonzales. "Magpahinga na din kayo." Tukoy nila sa aming tatlo nina Louisa at Luke.
Nagsitayuan na kami at kanya kanyang pumasok sa kwarto. Magkatapat lang ang kwarto nina Louisa at Luke kaya nakindatan pa ako ni Louisa bago sya pumasok sa kwarto nya.
Nangiti ako habang hinihila ako ni Luke papasok sa kwarto nya. Pagod syang humiga sa kama nya at pumikit.
"Luke?" Tawag ko sa kanya.
"Mmm?" Ungol nya at dumilat. Mukha na syang inaantok.
"Huwag kang mahuhulog kay Kathy ah?" Yun ang gusto kong kumpirmahin kay Luke. Baka kasi pride lang kaya sya umiyak sa akin.
"Iiyakan ba kita kung hindi kita mahal? Mahal na mahal kita, Maxene." Sabi nya at bumangon para makipagtitigan sa akin. "Huwag mo na ulit akong iiwan ah?" Parang gusto kong humalakhak sa tono nya. Para syang bata na iiwan ng magulang nya. Pero medyo naluha ako. Mahal na mahal ako ni Luke at sobrang nakakatuwa yon.
"Hinding hindi. Mahal na mahal din kita." Sabi ko at akmang yayakapin sya pero labi ko ang inatake nya.
Napahawak ako sa batok nya dahil don. Ang sarap ng halik nya. Mainit at may flavor na 'pagmamahal'. Sinuklian ko din ang mga halik nya na may kaparehas na flavor.
Tumigil kami dahil hinubad nya ang puting t-shirt nya. Napakagat ako sa labi ko dahil sa pag-flex ng mga muscles nya. Hindi ko napigilan ang yakapin sya at amuyin ang natural na amoy ng katawan nya. Halos dilaan ko iyon dagdag mo pa na sobra ko syang na-miss.
Tinulak ako ni Luke pahiga at aatakihin na sana ulit ako ng mga halik nya pero pinigilan ko sya. "Pagod ka kahapon. Matulog ka na."
Sumimangot sya. "Hindi mo ba ako na-miss?"
"Na-miss pero Luke kailangan mong magpahinga ganun din ako, hindi rin ako masyadong nakatulog." Sabi ko.
"Pasalamat ka pagod ka." Sabi nya at hinila na ako pahiga. Niyakap nya ako kaya niyakap ko din sya pabalik.
Pero nang may naalala ako ay hinampas ko ang matigas na dibdib ni Luke. "Bakit ka nga pala nagwala? Nagasgasan tuloy yung kamay mo." Sigaw ko kahit medyo kinilig ako nang hawakan ko ang dibdib nya.
"Sino bang hindi magwawala kapag iniwan ng mahal nya? Ang sakit kaya nun. Ang talikuran ng mahal mo ay parang kamatayan ko na din. Kasi hindi ko kakayaning mabuhay kapag wala ka." Makahulugang sabi nya. Napangiti na lang ako.
Hindi ko akalain na kaya nyang magsalita ng ganon.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...