Hinigpitan ko yung kapit sa kumot, ang lamig kasi. Pero kahit anong gawin kong pagyakap sa sarili ko, nakakaramdam pa rin ako ng lamig. Kaya bumangon ako para kunin yung jacket ko. Kaso pagtayo ko naramdaman ko ang sakit ng ulo ko at sakit ng... pagkababae ko?
"Ohhh! Faster!"
Shit! Biglang nadagdagan ng sakit yung ulo ko. Parang binibiyak ang uloko sa dalawa.Tumayo pa rin ako kahit sobrang sakit ng ulo ko at nung pagkababae ko. Natatandaan ko na kasi ang lahat ng nangyari kagabi. At tama nga ako, nagkalat yung mga damitkosa sahig. Tumingin ako sa kabilang side nang kama pero wala akong nakita. Walang tao...
Kinabahan na ako, kung anu-ano nakasi ang pumapasok sa isip ko. Nagtungo ako sa banyo para maligo. Pero kahit anong pagsasabon at pagbabanlaw ko sa katawan ko, hindi namabubura ang nangyari kagabi. Lumabas ako ng umiiyak. At mas naiyak pa ako nang makita ko ang dugo sa kama ko na may puting bedsheet. Dugo na nagpapatunay na may nawalasa akin.
Pinulot ko yung mga damit ko na nagkalat sa sahig at hindi ko mapigilang maiyak. Pagkatapos nun, nagbihis na ako ng pang-alis. Uuwi na ako. Nawalan na ako ng gana magbakasyon at magpahinga. Wala pa nga akong isang araw dito pero nagkaroon na ako agad ng problema.
Tinanggal ko yung bedsheet ng kama ko. At dun ako naka-amoy ng pabango ng isang lalaki. Katulad ng naamoy ko kagabi. Muli akong napatigil ng may ma-sipa ako sa ilalim ng kama. Pinulot ko iyon at nakakuha ako ng Silver Wrist Watch. Halatang panlalaki ang may may-ari, mukha din mamahalin. At alam kong ang lalaki kagabi ang nagma-may-ari nun.
Tiningnan ko muna yung relo bago itinago sa bag ko. 10:18 na ang oras doon. Kaya ko lang naman itatago yung relo para pag may nangyaring di inaasahan. Pwedeko syang hanapin gamit 'to. Hindi ko na kasi masyadong matandaan yung mukha nya. Tanging ang singkit nyang mata na lang. Pero paano kung ma-bunーHindi! Hindi mangyayari 'yon. Isang beses lang naman nangyari eh.
Umalis ako sa room ko ng masama at mabigat ang loob ko. Di ako mapakali. Feeling ko tuwing hahakbang ako at may mapapalingon sa akin, malalaman nila na hindi na ako virgin. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko. Naiiyak na naman kasi ako.
"SーSorry" Matamlay kong sabi sa nabangga ko. Di ko na kasi sya napansin dahil nagpupunas ako ng luha.
"It's oーIkaw pala! Ay, teka!" Nagulat naman ako sa nagsalita. Tiningnan ko yung mukha nya habang may kinukuha sya sa bag na dala nya. Possible kayang sya?
"Bakit?" Tanong nya nang mapansin nyang nakatitig ako sa kanya. Umiling lang ako at tiningnan ang hawak nyang mga damit. "Sayo 'to. Yung hinubad mo sa bar kagabi. Di ko na naibalik kasi nung nakita ko 'to at ibabalik na sayo, naka-lock na yung pintuan mo kagabi" Inabot nya sa akin yung damit, inabot ko naman agad at tinago sa bag ko. Pagkasabi nya nung "kagabi" kinabahan ako. So, hindi sya yung naka-"ano" ko kagabi? Kasi sabi nya naka-lock na. Pero malay mo, nagkukunwari lang yang walang alam para hindi nya ako mapanagutan. Napa-buntong hininga ako sa naisip ko. Para akong tanga.
"Anong oras na ba?" Biglang sabi ni... Andrew? at tiningnan nya yung cellphone nya.Kinuha ko yung relo sa bag at ini-snob ang kabang unti-unting nabubuo sa dibdib ko.
"SーSayo ba 'to?" Nauutal kong tanong. Tiningnan nya naman ito ng mabuti na parang sinisigurado nya kung kanya nga o hindi.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...