Katulad nung uang pagkikita namin ni Andrew, maganda ang naging takbo ng usapan. Hindi na namin namalayan ang oras. Hanggang sa nag-gabi na at kailangan ko nang umuwi.
"Hatid na kita." Sabi ni Andrew nang magpaalam na ako.
"Hindi na. Baka may iba ka pang pupuntahan eh." Sabi ko at tumayo na. Sumunod sya sa akin at sinundan ako hanggang makalabas sa E-Star.
"Wala naman akong pupuntahin na iba. Please, hayaan mo na akong ihatid ka." Pagkasabi nya nun, hinila na nya ako papunta sa kotse nya. Nagpahila na lang din ako. Ayoko na mag-commute, lalo na at gabi na.
Sinabi ko sa kanya kung saan ako nakatira. Agad naman syang nag-drive papunta doon. Tahimik lang kaming dalawa pero nang maabutan kami ng red light dun na sya nagsalita.
"Paano kayo nagkakilala nang Luke na 'yan?" Pagbasag nya sa katahimikan.
Sa hotel room ko dun sa resort.
"Sa opisina." Simple kong sagot. Napatango sya sa sinagot ko at natahimik.
Wala namang traffic kaya mabilis ang naging byahe namin. Kilala ako nung guard tsaka sinabi namin na kaibigan ni Luke si Andrew kaya pinapasok kami sa loob ng village. Pero bago pa huminto 'yung kotse sa harap ng bahay ay nagsalita na ulit sya.
"Mahal na mahal nyo siguro ang isa't isa 'no? Magkaka-baby na kayo eh." Napatingin ako sa sinabi nya. Napatingin din sya. Tumawa ako ng pilit.
"Sige. Salamat sa paghatid. Ingat ka sa pag-uwi." Paalam ko at lumabas na ng kotse. Papasok na sana ako nang tinawag ako ni Andrew.
"Maxene! Busy ka ba this coming saturday?" Tanong nya. Nag-isip ako kung meron ba akong dapat gawin pero wala akong maalala na gagawin ko sa nabanggit na araw.
"Free ako. Bakit?"
"Pwede ba tayong… uhm… lumabas?" Sabi nya. Mabait naman si Andrew kaya alam kong walang mangyayaring masama sa akin. Tumango ako at ngumiti.
"Pwedeng mahingi ang number mo? Ite-text ko na lang sana yung mga details." Lumapit ako sa kanya habang kinukuha ang phone ko. Binigay ko iyon sa kanya at nagpaalam na. Hinintay kong mawala sa paningin ko yung kotse nya bago pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kwarto para makapagpalit na ako ng damit.
Pagkapasok, nakita ko si Luke na nasa bintana. Lumingon sya sa akin na parang galit.
"Anong pinagusapan nyo? Bakit nya hiningi yung number mo? Bakit mo naman binigay? Bakit sya yung naghatid sa iyo? Saan ka ba galing?" Napakunot ang noo ko sa dami ng tanong nya.
"Ha?" Mas lalong nagalit ang mukha nya.
"Sino ba ang lalaking 'yun?" Hindi ko alam kung bakit sya nagagalit. Baka nabadtrip sa training nya sa opisina.
"Si Andrew? Kaibigan ko sya." Sabi ko na medyo natatakot na baka sa akin nya mailabas ang galit nya.
"Bakit nya hiningi yung number mo?"
"Paano mo nalaman?" Bakit ang daming tanong ni Luke?
"Halata naman eh." Umiwas sya ng tingin pero agad ding binalik sa akin. "Bakit mo naman binigay?"
"Nag-aya kasi syang lumabas sa sabado. Pumayag ako kasㅡ" Natigil ako sa pagsasalita dahil sumabat na sya.
"Hindi pwede. Naka-schedule na tayo sa OB." Sabi nya at lumabas na ng kwarto.
Hindi ko na pinansin ang pag-iinit ng ulo nya. Naligo na lang ako tapos nagpalit ng damit. Para makakain na ng hapunan. Nadatnan ko si Luke na kumakain na ng mag-isa. Nararamdaman ko yung masasamang mga titig nya. Hindi ko na lang ulit pinansin.
Bago matulog, kinuha ko yung cellphone ko at nag-text kay Andrew at Jamie.
To : Andrew
Sorry, Drew. Hindi pala ako pwede sa saturday. Punta akong OB eh. Re-schedule na lang natin.
To : Jamie
Sorry 'di na ako nakapag-paalam sa inyo ni tita. Pakilala na lang kita kay Andrew para hindi lang name nya ang alam mo.
Maya-maya, naka-receive ako ng mga reply.
From : Andrew
Sayang :( Sige sa susunod na sabado na lang. Busy na ako sa mga susunod na araw eh. Goodluck na lang sa pagpunta mo sa OB :)
Me :
Sorry.
From : Andrew
Okay lang. I understand.
In-open ko naman yung message ni Jamie.
From : Jamie
Sige! Saan mo ba nakilala yung poging nilalang na iyon?
Me :
Later na lang, Jam. Inaantok na ako eh.
From : Jamie.
Punta ka na lang ulit dito sa E-Star. Goodnight, Max.
Me :
Sige. Goodnight din.
"Matulog ka na." Napalingon ako sa taong nakatalikod sa akin.
"Eto na nga oh." Sabi ko at nilagay na ang phone ko sa side table. Tapos inayos ko yung kumot.
"Goodnight." Bati ko sa kanya. Hanggang sa nakatulog ako, wala akong narinig galing sa kanya.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...