"Magi-stay ka po ba dito?" Tanong sa akin ni Louisa habang kumakain ng tanghalian. Dito na nya ako pinakain dahil wala daw syang kasama. "Aalis po kasi ako mamaya."
"Baka ipasyal ko na lang si Liam." Sagot ko. At nung bumalik sa pagkain ay nag-isip ng ako ng pwedeng puntahan. Yung malilim para hindi kami mainitan.
Pero E-Star ang tanging naiisip ko. Kaya sa huli ay dun na kami pumunta. Hinatid nga kami ni Louisa para hindi na kami mag-commute.
"Salamat. Ingat." Paalam ko. Tinanguan na lang nya ako at umalis na ang kotse. Pumasok na kami ng E-Star. Dumiretso na ako sa loob at agad naman akong winelcome ni Tita Grace.
"Gumaganda ka ata, hija." Sabi nya. Napansin ko na walang Jamie sa paligid kaya nagtanong ako.
"Hindi naman po." Sabi ko. "Asan nga po pala si Jamie?"
"Ay ewan ko ba sa batang 'yon. Nag-text kanina na hindi daw papasok." Sagot ni Tita. "Ite-text ko na lang ulit at sasabihin kong nandito ka."
"Huwag na po. Baka nakakaistorbo ako eh." Sabi ko.
"Ang alam ko kasi gusto ka rin nun maka-usap. Eh tutal nandito ka na kaya sya na lang yung papupuntahin ko dito." Wala na akong nagawa kaya pumayag na ako. Na-curios din kasi ako sa sibabi ni Tita na may sasabihin sa akin si Jamie.
"Papunta na daw sya, Max. Upo ka na sa labas, may pinareserve ako." Sabi ni Tita na may ngiti. Ngumiti na lang din ako at umupo na sa table na may karatulang reserved. Pagka-upo ko may lumapit na na staff at kinuha yong sign.
Nilalarolaro ko lang si Liam habang hinihintay si Jamie. Hindi ko nga maiwasan na isipin na magiging katulad ni Luke si Liam. Sure ako na mamamana ni Liam ang kagwapuhan ng tatay nya. Sana lang huwag maging katulad ni Luke na mahilig mag-exercise tuwing gabi. Well, boys are boys. At hindi maiiwasan ang mga issue-ng ganyan. Huwag lang sana syang maka-buntis ng maaga.
Natigil lang ako sa pag-iisip ng may umupo na sa harap ko. Nginitian ko ang mukhang depressed na si Jamie.
"Anong nangyare sa makulit na Jamie?" Tanong ko agad. Hindi nya ako sinagot. Kaya inabot ko yung kamay nya.
"May problema ka ba?" Tanong ko ulit. Hindi nya pinansin ang tanong ko. Meron nga.
"Pahiram naman kay Liam." Pag-iiba nya ng topic. Binigay ko naman si Liam. Ngumiti sya pero halatang pilit.
"Ang cute talaga ng anak mo." Sabi nya habang nakapaskil sa mukha nya yung pekeng ngiti.
"Hindi lang tayo mag-pinsan. Mag-bestfriend din tayo. Kaya pwede mo naman siguro akong kwentuhan." Sabi ko at humalukipkip para matakot naman sya kahit konti.
"Mahirap kasi, Max. Sangkot ka dito." Nabigla ako sa sinabi nya. Pero mukhang may idudugtong pa sya kaya hindi muna ako nag-react. "Tsaka alam kong may problema kayo ni Luke ngayon. Ayoko na munang dagdagan." Umiiwas sya sa mga tingin ko habang sinasabi nya yan.
"Tapos na ang problema namin kay Kathy. Mawawala na sya sa gitna namin. Kaya pwede na, Jam." Sabi ko at hindi na makapaghitay sa kung anong sasabihin nya.
Umiwas ulit sya ng tingin nang magumpisa na syang magsalita. "Wala ako sa lugar para sabihin 'to sayo pero I think kailangan mo nang malaman. Mukha naman kasing 'di sya kikilos."
Nakinig lang ako sa sasabihin nya kaya hindi pa rin ako nag-react kahit gulong gulo na ako.
"Si Andrew. Nakilala mo dun sa resort. At nagkita din kayo sa labas. Magkaibigan kayo diba? Pero iba ang nararamdaman nya para sayo. Hindi ko alam kung manhid ka o nagbubulag-bulagan ka lang pero mahal ka nung tao." Pahina nang pahina ang boses nya habang sinasabi ang mga huling salita.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...