Zone Thirty Three

13.3K 144 0
                                    

Ilang minuto din akong nakatunganga hanggang sa dumating si Luke. Halata ang pag-aalala nya nang harapin nya ako sa loob ng kotse.

"Bakit ka umalis? May nangyari ba?" Tanong nya. "Pagkabasa ko kasi ng text mo, nagpunta na ako dito agad."

"Nag-uusap pa kayo ni Mr. at Mrs. Lopez diba?" Tanong ko din.

"Tapos na." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. "Ano bang nangyari? Bakit ka umalis?" Halata pa rin sa mukha nya ang pag-aalala.

"Ah, wala. Nagkasagutan lang kami ni Kathy." Sabi ko at nag-iwas ng tingin. Pinisil ni Luke ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Gusto mo nang umuwi?" Tanong nya.

"Pwede na ba?" Baka kasi kailangan pa sya sa loob at magalit na naman ang mga demonyong Lopez.

"Kung ganyan ang itatrato nila sayo, hindi ako magdadalawang isip na ilayo la dito." Sabi nya at binuhay na ang makina.

Nag-drive kaming pauwi at hindi pinapansin ang phone nya na kanina pa nagri-ring. Gusto ko sana syang pilitin na sagutin pero sa tuwing magri-ring iyon ay sumisimangot sya. Baka pati sya magalit sa 'kin.

Pag-uwi namin ay agad kinuha ni Luke si Liam kay Louisa. Sa kanya kasi namin pinaalaga si Liam. Okay lang naman sa kanya dahil wala naman syang ginagawa.

"Aga nyo atang dumating?" Tanong nya. Umiling lang ako habang si Luke ay hindi pinansin si Louisa. Nakipaglaro na sya sa maliliit na kamay ni Liam.

Umalis na si Louisa at pumunta sa kusina. Nilapitan ko si Luke. Tumingin lang sya saglit sa akin. Tapos binalik na din kay Liam agad. Tuwang tuwa na naman sya kasi hawak na naman ni Liam ang isang daliri nya.

"Hawak na naman nya ako oh." Proud na sabi nya habang ngiting ngiti. Napangiti na lang din ako. Ang sarap talaga nyang tingnan pag ganyan. Nakakatuwa na isang hawak lang ni Liam sa daliri nya ay nawala na ang pagka-bad trip nya.

Lumipas ang araw na dumadalas ang pagtawag nila kay Luke para papuntahin sa ospital. Halos buong araw na nila pagbantayin si Luke kay Kathy. Feeling ko ganti nila sa 'kin 'yon dahil sa inasal ko nung isang araw. 'Pag ako talaga nakahanap ng butas dyan sa pamilya de puta na yan ay gagantihan ko sila.

Nasa swing ako ngayon, karga karga ko si Liam nang makita kong umilaw ang phone ko sa table na nasa pool side.

Lumapit ako at tiningnan kung sino ang tumatawag. Number lang sya at hindi naka-register sa phone ko pero sinagot ko. May na pi-feel ako eh.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Maxene Gonzales?" Tanong naman ng tumawag sa akin. Lalaki ang boses at hindi ko kilala. Hindi naman si Andrew.

"Yes?" Hindi ko alam kung anong tono ang ibibigay ko sa kanya.

"Magkita tayo please..." Napataas ang isang kilay ko. Sino ba 'to?

"Ha? Sino ka ba?" Wala na akong pakialam kung medyo tumaas ang tono ko.

"Uh... Ako 'yung kumausap sayo sa tindahan." Mahinang sabi nya. Nabigla naman ako sa sinabi nya. Paano nya nalaman ang number ko? Stalker ba 'to? "Magkita tayo. May sasabihin ako sa 'yo importante. Kung maaari sa malayo."

Nagdalawang-isip na ako sa sinabi nya. Ayokong mag-duda pero kung ganyan ang mga sinasabi nya ay baka matakot ako sa kanya. Para syang stalker! Alam nya na asawa ko si Luke. Alam nya din ang number ko at gusto pang makipagkita. At 'pag pumayag ako ilalayo nya ako kay Luke at Liam dahil baliw na baliw sya sa 'kin?

Ang OA ko.

"Magpapasalamat ka sa 'kin 'pag nalaman mo ang sasabihin ko." Sabi nya. "Sa MOA tayo. Ako na bahala sa lahat ng gagastusin mo papunta. Hindi kasi kita masusundo."

"Ano bang pag-uusapan?" Medyo kinakabahan na tanong ko.

"Kay Kathy." Agad na sagot nya.

Pagkarinig ng pangalan nya ay kinabahan na talaga ako. Mas lumakas ang 'feel' ko na mahalaga nga ito. Lumunok muna ako bago sumagot.

"Sige. Anong oras ba?" Tanong ko.

"Lunch sana." Tumango ako kahit hindi nya nakikita.

Tinapos ko na ang tawag at nag-ready na. Malapit na ang oras tsaka bababyahe pa ako. Kumatok ako sa kwarto ni Louisa pagkatapos kong maghanda.

"Pasok." Sigaw nya. Pumasok ako at nakita ko na karga nya si Liam at nilalaro-laro ang kamay. Sa kanya ko kasi ipababantay si Liam.

"Ang cute talaga ng pamangkin ko." Tumingin lang sa akin saglit si Louisa tapos kay Liam na.

"Louisa, pwedeng isa pang favor?" Tanong ko. Ganun ulit si Louisa. Tumingin lang saglit.

"Sure. Ano po ba 'yan?" Tanong nya habang dinudutdut ang pisngi ni Liam.

"Busy ba 'yong driver nyo?" Tanong ko. Plano ko sana ay magpahatid na lang. Para hindi na ako mag-commute.

"Pahatid ka?" Tumango ako. "Wait tatawagan ko." Sabi nya at kinuha ang phone nya. Nag-dial sya at nilagay na nya sa tenga nya.

Sandali lang silang nag-usap pagkatapos ay natapos na.

"Pinapunta ko na po. Gagabihin ka po ba?" Sabi nya at agad naman akong umiling.

"Lunch lang." Sabi ko. "Sige. Salamat."

"You're welcome, ate." Matamis na ngiti ang huli kong nakita bago ko tuluyang sinarado ang pinto.

Naghintay muna ako sa sofa at hinintay ang pagdating ng sasakyan. Nang may narinig akong bumusina kaya tumayo na ako.

Mahaba ang byahe kaya hindi ako masyado mapakali. Maraming pumapasok sa isip ko. May cancer si Kathy kaya dapat pagbigyan? Matutuwa ako kung totoo nga. Sana kasi kasama ko si Luke para hindi ako masyadong kabahan. Nasa bahay nila Kathy si Luke. Oo, nakalabas na ang bruha sa ospital.

Pero paano kung kasabwat pala nila Kathy ang tumawag sa akin? Mas lalo tuloy nadagdagan ang kaba ko.

Pagkarating ko sa MOA ay may na-receive ako na text. Number lang pero alam kong kay Kuyang tumawag sa akin kanina 'yon. Pangalan ng isang restaurant ang tinext nya kaya doon ako pumunta.

Pagkapasok agad may sumalubong sa akin na babaeng staff ng restaurant.

"Maxene Gonzales?" Tanong sa akin nung babae. Tumango ako. "This way, ma'am." Tapos ay hinatid nya ako sa isang private room.

May nakita akong isang lalaki na maayos ang damit at gwapo ang mukha. Oo nga, sya yung kumausap sa akin non.

Umupo ako sa harap nya. At napansin ko na kami na lang dalawa. Ginapang ako ng konting kaba. Konti lang.

"Thank god nakarating ka na walang nangyari." Sabi nya na ikinapagtaka ko.

Magtatanong na sana ako kung bakit pero dumati na 'yung pagkain kaya tumahimik na lang muna ako.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang mag-open na sya ng topic.

"Magkano ba ang nagastos mo?" Tanong nya. Agad akong umiling.

"Hinatid ako nung driver namin." Medyo nahiya ako nang sabihin ko yung 'namin'.

"May napansin ba sya na sumusunod sa inyo tapos sinabi nya sayo?" Tanong nya ulit.

Umiling ako at sumagot. "Wala."

"Okay..." Huminga sya ng malalim at binuka na ulit ang bibig nya para magsalita.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon