Zone Fourty Eight

11.3K 152 0
                                    

Luke Gonzales

Napasabunot na naman ako sa buhok ko. Ang bigat na ng pakiramdam ko. Hindi ko na kaya.

Nandito kami sa ospital at hanggang ngayon ay wala pa ring balita kay Maxene. Ilang oras na simula nang ipasok sya sa loob at operahan pero hanggang ngayon ay hindi pa tapos.

"Papunta na daw sila mama." Mahinang sabi ni Louisa sa tabi ko. Kami lang ang nandito dahil pinauna na kami nila daddy. Inasikaso pa nila kasi yung putang inang pamilyang yon. Pero sa totoo lang wala na akong pakialam kung anong mangyari sa pamilya ni Kathy. Papatawarin ko pa sila basta maging okay si Maxene.

Hindi ko namalayan na may umagos na naman na luha sa pisngi ko. Ang dami kong maling ginawa at ngayon ay pinagsisisihan ko lahat ng yon.

Nagising ako sa pagsigaw sigaw ni Louisa sa labas ng kwartong tinulugan ko. Bumangon ako kahit antok na antok pa ako. Hindi kasi ako nakatulog kagabi.

"Ano ba yun?" Mahinang tanong ko pero may halong galit sa boses. Naiinis ako.

"Si Ate Maxene... wala sa kwarto nya." Sagot ni Louisa. Nagulat ako. Pero sa sobrang galit na nararamdaman ko hindi nagtaggal yon.

"Bayaan mo sya..." Sabi ko na lang at pumasok na ulit sa loob ng kwarto. Humiga na ulit ako at hindi na pinansin si Louisa na hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasarado ang pinto.

"Kuya... nawawala sya tapos ganyan ang reaksyon mo?" Tanong nya na halatang naaapektuhan sa mga nangyayari.

"Bakit di ka pa bumalik sa states? Nag-aaral ka don diba?" Tanong ko pabalik. Nakita ko ang pagka-irita sa mukha nya. "Iwan mo na nga ako."

Pagkasabi ko nun ay ibinagsak nya ang pintuan nang malakas. Huminga ako ng malalim dahil sa tanong na pumasok sa isipan ko.

Saan pumunta si Maxene?

Ilang araw nasa isipan namin yan. Halos hindi na umuwi ang pamilya nya para pag nagkaroon ng balita ay alam nila agad. Dito na rin sila pinatulog dahil naawa na sila mama.

At sa mga araw na yon ay halos mabaliw ako. Oo galit ako kay Maxene pero mas galit ako sa sarili ko. Galit ako kasi sinigawan ko sya. Galit ako kasi hanggang ngayon wala kaming balita sa kanya. Galit ako kasi kahit galit ako sa kanya nagaalala pa rin ako sa kanya.

Nawalan ako ng anak. Tapos ngayon hindi ko alam kung nasaan ang asawa ko. Ginagawa na namin ang lahat para mahanap ang pamilya nila Kathy pero mukhang pinaglalaruan nila kami.

Pero isang umaga. Halos wala na akong tulog at palagi pang akong nakatulala kaya ako ang unang nakaalam. Dumating kasi ang isa sa mga pulis na kakilala ni daddy.

"May nakakita sa kotse ng mga Lopez. Bumalik sila sa village nila. Hindi pa namin alam kung bakit pero dapat maabutan na natin sila."

Ginising nya ang lahat habang ako ay tulala pa rin. Kasama ba nila si Maxene? Okay lang ba sya?

Habang nasa byahe kami ay parang sobrang bagal ng oras. Bawat segundo na lumilipas ay nadadagdagan ang kaba ko.

Nang marating na namin ang lugar ay agad kaming nakarinig ng mga putok ng baril. Marami ng tao sa labas ng village. Nagsitabihan sila sa gilid ng marinig nila ang sasakyan ng mga pulis na nauna sa aming makadating.

Hindi ako natakot sa mga putok ng baril. Sumunod pa ako sa mga pulis para makapasok sa loob.

May nakita akong naglalakad na babae sa di kalayuan kaya kahit bawal ay inunahan ko pa ang mga pulis at ako ang nanguna.

At halos mapaluhod ako ng makita ko kung sino ang babaeng pinipilit pa ring maglakad kahit pagod na sya. Ang babaeng naglalkad pa rin kahit pinapaulanan sya ng mga bala ng baril.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang sya ay karga karga ang anak namin na pilit nyang pinoprotektahan.

"LㅡLuke..." Hindi ko narinig ang boses nya pero nabasa ko yun sa labi nya na may dugo na sa gilid. Ngumiti pa sya bago napaluhod.

Tinakbo ko ang pagitan namin at agad syang niyakap.

"MㅡMax..."

Sinabunutan ko ang sarili ko. Gusto kong saktan ang sarili ko. Gusto ko nang magpakamatay.

"Luke, Louisa ano nang balita?" Tanong ni mama pagkadating nila. Nakita ko sa likod nya ang pamilya ni Maxene. Sumama kasi sila para makasuhan ang mga Lopez.

"Wala pa..." Sagot ni Louisa habang karga si Liam. Pina-check sya ni Louisa kanina. Buti at walang kahit na anong natamo si Liam. Sinalo kasi lahat ni Maxene eh.

Hindi ko talaga mapapatawad ang mga Lopez pati na din ang sarili ko kapag may nangyari masama kay Maxene.

Tahimik at konting iyakan lang ang maririnig mo sa amin habang hinihintay na matapos ang operasyon. Halos maga-apat na oras nang lumabas ang doktor at dineklarang tapos na.

Nagtayuan kami at dinumog ang doktor. Pero bago ako tumayo ay...

Sana okay lang si Maxene.

Huminga ako ng malalim bago nakinig sa sinabi ng doktor.

"She's safe now. Pero maraming napinsala sa kanya kaya baka matagalan pa bago sya magising o matuloy sya sa coma." Yan lang ang pinakanaintindihan ko. Yun lang naman ang gusto kong marinig. Safe.

Maghihintay ako kay Maxene. Hihintayin ko sya kahit abutin man ng ilang taon ang paggising nya. Magtitiwala ako sa kanya na hindi nya ako iiwan. Kahit na magalit sya sa akin pagkagising nya dahil sa inasal ko ng malaman kong nawala ang anak namin ay okay lang basta magising lang sya.

Nang mailipat na sya sa maayos na room ay ako na ang pinauna nila. Kami lang dalawa sa room kaya makakapag-drama ako.

Walang gana kong hinila ang isang upuan at umupo sa tabi nya. Inabot ko yung kamay nya at nilagay yon sa pisngi ko.

"I'm sorry, baby." Pagsisimula ko.

At nagdagsaan na ang mga luha ko.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon