Zone Two

45.7K 297 7
                                    

Maxene's POV


Pagdating ko sa opisina, agad kong ibinaba yung bag ko sa working station ko at agad nag-log-in sa computer ko. Ganito ako ka-excited mag-file ng leave. Sinimulan ko ng mga-type "Va...ca...tion..leave" Sabi ko habang tina-type iyon. Napatigilo ako nung tinatanong na ang reason. Ano ba ang dapat ilagay? Na napagod ako sa dalawang linggo kong pagta-trabaho? Yan na nga lang. YAn naman kasi yung dahilan ko. Kahit hindi masyadong valid, ipapaliwanag ko na lang ng mabuti. Nagpatuloy ako sa pag-ta-type hanggang matapos ako. Pinindot ko na yung "Send for Approval" sa baba para ma-receive ni ma'am. Sana i-approve na agad. Kung hindi mapapasabak ako sa dramahan at pagpapaliwanag. Nung na-send ko na, ginawa ko na yung trabaho ko.


Dumating ang lunch nang wala pa rin akong nari-receive na approval. Impossible naman kasing di nya pa yun nababasa dahil ilang oras na din simula nung dumating sya. Kahit naman busy sya malalaman nya pa rin yun. Hinanda ko na lang yung wallet ko dahil kakain na ako. Papunta na ako sa elevator nang biglang may sumabay sa akin sa paglalakad.


"Kakain ka na, Max?" Sabi nang babaeng tumabi sa akin. Si Mariel ka-office mate ko at medyo ka-close ko. Isa din sya sa mga tamad dito. Minsan lang pumasok kaya natatambak ang trabaho ko.


"Pumasok ka na pala ulit" Maikling sagot ko sa kanya. Pumasok na kami sa elevator at pinindot nya ang "1"


"Sinipag ako ngayon eh" Sabi nya nang nasa loob na kami ng elevator. Umi-stop sa second floor yung elevator at pumasok si Ma'am Baby. Sa kanya ko si-nend yung leave ko. Binati namin sya at binati nya din kami pabalik.


"Kakain kayo ng lunch?" Tanong nya. Tumango naman kami. "Pagkatapos mong kumain ng lunch, Maxene, puntahan mo ako sa station ko. We need to talk about your leave.Bye" Sabi nya at nauna nang umalius sa amin. Mukha namang nagtaka si Mariel kaya di napigilang di magtanong.


"Magli-leave ka?" Maikling tanong nya habang naglalakad kami palabas ng elevator. Tumango ako. Di ko trip magsalita ngayon. Kailangan munang ma-approve yung vacation leave ko.


"Bakit?" Ang daldal naman nito ngayon. "Kasi kailangan ko ng pahinga. Masyado akong na i-stress. Masyado akong mapagod" Tuloy-tuloy na sagot ko sa tanong nya. Siguro naman titigil na sya diba?


"Napagod saan?" Napa-face palm naman ako sa tanong nya. Sya ang isa sa dahilan tapos hindi nya alam? "Napagod lang naman ako sa mga trabahong binigay sa akin dahil sa mga taong laging wala. Buti hindi sila pinapa-alis dito" Talagang in-emphasize ko yun sa mukha nya. HUwag syang manhid.


"Hahaha!" Tumawa naman sya pagkatapos kong magsalita. Buti naman at na-gets na nya agad. "Sorry naman. Nakakatamad eh" Napa-roll eyes na lang ako sa sagot nya. Napakagandang rason.


"Oo na lang" sabi ko at naunang um-order para matapos na agad at mapuntahan ko na si ma'am. Sana talaga i-approve nya yun.


Habang kumakain kami, daldal pa rin ng daldal si Mariel kahit hindi naman ako nakikinig.Pagta-tawa sya tatawa na lang din ako. Minsan naman tuma-tango-tango na lang ako. Buti naman at hindi sya nagtatanong kundi wala akong maisasagot.


Ibinagsak ko ang kubyertos at tiningna yung wrist watch ko. Thirty minutes na simula nung nagsimula ang break. "Tapos ka na?" Tumango ako at nag-paalam na mauuna na ako. Wala na naman syang nagawa kasi umalis na ako agad.


Dumiretso ako sa station ni ma'am na ngayon ay nakatitig sa screen ng computer nya na nasa harapan nya. Akala ko hindi nya ako napapansin na papalapit na ako sa kanya pero nagkamali ako. Pina-upo nya ako agad sa upuan na nasa harap ng table nya. Hindi manlang kasi lumihis yung tingin nya sa akin kahit isang segundo eh.


"About your leave, Ms. Rodriguez. Tell a valid reason please..." Pagsisimula nya sa topic na "Leave ko". Hindi pa rin nya ina-alis yung mata nya sa screen ng computer nya kaya medyo naiinis ako.


"That's a valid reason ma'am" Maikling pagsisimula ko. Eto na ipapaliwanag ko na "Nitong nakaraang dalawang linggo ay dumami ang ating mga cliyente. Tama ako diba? At sa dalawang linggo na 'yon, dumami rin ang ating trabaho. Humihingi ako ng vacation leave dahil sa sobrang daming trabaho na ibinigay sa akin dahil sa katamaran ng aking mga ka-team. Ako na po ang humihingi ng pasensya. Sana po ay huwag nyo silang sesantihin. Kaya sana pagbigyan nyo ang aking kahilingan na isang linggong vacation leave. Kailangan na kailangan ko po kasi yun. Nakikita nyo ba yung eye bags ko. Napakalaki at napaka-itim na. Maawa naman kayo sa akin. Halos alas-dos na ako nakakauwi para lang maasikaso ko ang mga cliyente at maayos ang mga papeles. Dalawang linggo akong naghirap tapos isang linggo lang ang hinihingi ko, hindi pa mapagbigyan. Please i-approve nyo na yung leave ko. Pumayag na po kayo please..." Shit! Feeling ko ni-report ko sa buong board members yung dalawang linggong paghihirap ko.


Halos mapanganga naman si ma'am sa haba ng sinabi ko kaya oo na lang sya. OMG! THank you, Lord! Sana ma-enjoy ko ang bakasyon kong ito.



* * *



Bumaba ako ng bus. Nasa harap na ako sa ng "Heaven Resort and Hotel" na plano kong puntahan. Bilis no?. Excited kasi talaga ako. Sino ba naman kasing hindi ma-e-excite kung ito ang pupuntahan mo. Napakaganda kasi talaga ng resort na 'to. Katulad nga ng pangalan nito na "Heaven" parang ganun din ang makikita at mararamdaman mo. Para kang umakyat sa "Heaven" kahit hindi ka pa patay.


Kumuha ako ng room sa hotel at ang room number ko ay 214. Umakyat ako sa second floor gamiot ang elevator. Madami akong nakasabay dahil maraming tao ang dumadayo. Pero nung lalabas na ako ay puro maiingay na lalaki ang nakasabay ko sa paglabas. Pumasok sila sa room 215. Kapit-bahay ko lang pala sila. Hindi ko na lang pinansin dahil nae-excite na ako mag-beach.


Ang plano ko ay hindi na papansinin yung mga lalaki sa kabila. Pero hindi ko mapigilan kasi habang ina-ayos ko yung mga gamit ko at yung sarili ko rinig ko yung sigawan nila. Mahina lang pero nakaka-irita. Mabilis ko na lang inayos ang mga dapat ayusin para hindi ako ma-bad trip. Pumunta ako dito para magsaya at para hindi saluhin ang lahat ng sigawan nila.



-----


A/N: Hindi na po naka-private ang Zone Three. No need to follow me.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon