"HㅡHa?" Yun ang huling narinig ko na sinabi ni Luke. Hindi ko na nasundan kasi nabitawan ko na yung phone ko at bumagsak yun sa inuupuan ko.
Tinakip ko yung dalawang kamay ko sa mukha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan hahanapin ang baby ko. Napakawalang kwenta ko naman.
Nag-iiyak lang ako doon hanggang sa dumating si Luke.
"Anong..." Hindi na sya nakapagsalita nang makita nyang wala baby sa stroller. Agad ko syang niyakap.
"IㅡI'm sorry... Hindi kㅡko mahanap si LㅡLiam..." Paulit ulit kong sabi. "HㅡHindi ko alam... HㅡHindi ko alam..."
"AㅡAno bang nangyari?" Tanong nya gamit ang pinakamahina nyang boses. Biglang bigla pa rin sya sa nangyari. "Asan si Liam?!" Halos isigaw na nya yun.
Naintindihan ko naman na galit si Luke eh. Galit nga din ako sa sarili ko. Ang tanga tanga ko! Hindi ko man lang naramdaman na kinuha sya sa stroller. Paano kung ibenta sya? O kaya kukunin yung laman loob nya tapos ibabalik sa amin na puro pera ang laman ng katawan nya? Makikita ko pa ba yung anak ko?
Napabitaw ako sa yakap kay Luke. Sana ako na lang yung kinuha. Mas marami silang mapapakinabangan sa akin. Kung gusto pa nga nila akong i-rape eh magpapa-rape ako basta huwag lang nilang idamay ang anak ko.
Nanginginig na kinuha ni Luke ang phone nya at may tinawagan. Kita ko sa mukha nya ang pag-aalala. Medyo lumayo sya kaya nang lapitan ko sya ay naglakad pa ako. Pero hindi kinaya ng tuhod ko. Kaya napaluhod ako. Pero hindi lang pala tuhod ko ang bumigay, pati na din ako. Hinayaan ko na lang na malunod ako sa dilim.
Nagising ako nang may marinig akong umiiyak. Kahit hindi pa ako nakapagsuklay at toothbrush ay pumunta na ako agad sa kwarto ni Liam. Umiiyak ang baby ko kaya kinarga ko sya. Isinayaw ko sya para matigil sya sa pag-iyak. Hinalikan ko sya sa noo nang tumigil sya. Ilang sandali ko pa syang inilagi sa mga braso ko bago ko sya ibinaba pero nagulat ako nang itaas nya ang kamay nya at tinuro yung bintana. Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng maliliit nyang kamay.
Napaatras ako nang makakita ako ng babae na naka-itim at may hawak na kutsilyo. Gulat man pero um-aksyon ako agad, lumabas ako ng kwarto pero hinabol nya ako. Pinilit ko pang hindi madapa sa hagdan.
"LUKE!" Sigaw ko gamit ang pinakamalakas na boses ko. "LUKㅡ!" Napatid ako kaya napatigil ako sa pagsigaw. Tiningnan ko ang bagay kung saan ako napatid.
Ang hinihingan ko pala ng tulong ang nagpatid sa akin. Ang katawan nya na naliligo sa sarili nyang dugo. May ilang kutsilyo pang nakabaon pero hindi na hinugot. Tatayo na sana ulit ako pero hinagis ng babae ang kutsilyo at dumiretso yun sa tyan ko. Nabitawan ko si Liam pero bago pa sya malaglag sa floor ay nasalo na sya ng babae.
"Walang magiging masaya! Mamatay tayong lahat!" At umalingawngaw ang tawa nya na nakakakilabot. Hirap man huminga, alam ko kung sino sya.
"Ate Max!"
Napabangon ako at pilit hinabol ang hininga ko. Umagos na rin ang mga luha ko. Pati ba naman sa panaginip ko, maagaw sa akin ang anak ko?
"Ate Max..." Rinig kong tawag sa akin ni Louisa. Agad ko syang niyakap. Natatakot ako.
Kahit may pumasok sa loob ng kwarto, hindi ako kumalas sa yakap ni Louisa. Mas hinigpitan ko pa nga yung yakap.
"Kuya..." Sabi ni Louisa kaya nalaman ko na si Luke ang pumasok. Hindi ko pa rin sya nilingon. Hiyang hiya pa rin ako sa kanya. Winala ko yung anak nya. Ako ang may kasalanan!
"Iwan mo muna kami, Louisa..." Halatang sa boses nya ang bigat na dala dala nya. At ako ang dahilan ng bigat na yon.
Ako na mismo ang bumitaw kay Louisa. Umalis na din sya agad kaya kami na lang ni Luke ang naiwan. Humiga ako sa kama at isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Ramdam ko na umupo si Luke sa kama.
"Ano bang nangyari, Maxene? Paano mo... nawala si Liam?" Boses nya pa lang alam ko na. Alam ko na na ako ang sinisisi nya sa pagkawala ni Liam.
Mas lalo akong napaiyak.
Umiling lang ako kahit nakasubsob ang mukha ko. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
Tumayo sya mula sa pagkakaupo at padabog na isinara ang pinto. Iniwan ako ni Luke. Ni Luke.
Buong araw akong umiiyak. At wala ako masyadong makuhang balita kasi hindi ako lumalabas. Ni ayaw ko ngang makakita nang tao. Ayoko din silang kausapin. Nahihiya ako.
Nakakarinig lang ako minsan sa pinto. At halos mag-iisang linggo na pero wala pa ring balita pero may hinala na rin sila.
Si Kathy.
Sya din yung nakita ko sa panaginip ko. Yung tinuro ni Liam sa kwarto nya. Yung humabol sa akin. Yung sumaksak kay Luke. Yung naghagis ng kutsilyo sa tyan ko. Yung kumuha sa anak ko. Yung babaeng naka-itim at may hawak na kutsilyo.
Lalong tumindi ang hinala nang magtago-tago ang mga Lopez. Pumunta daw ng ibang bansa tapos nasa iba naman sa susunod. Nililigaw nila ang mga pulis. Nililigaw nila ang mga Gonzales.
Gabing gabi na pero gising na gising pa rin ako. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Dahan dahan bawat hakbang hanggang sa makapunta ako sa kusina. Kumuha ako ng kutsilyo at itinago yun sa bulsa ko. May case naman sya kaya hindi ako masasaksak.
Lumabas ako ng bahay. Kahit pagod ay nilakad ko ang bahay nila Kathy. May kalayuan pero para sa anak ko, kakayanin ko.
Halatang walang tao sa loob ng bahay pero nagbabakasakali ako. Pumasok ako at hinalughog ang buong bahay. Lahat ng kwarto. Lahat ng palapag. Pati ang kwarto nang baliw na si Kathy.
Ginulo ko ang kwarto nya. Lahat ng babasagin ay hinagis ko. Lahat ng pwedeng itapon, tinapon ko. Pinunit ko lahat ng papel. Sinaksak saksak ko ang kama at unan nya. Lahat ng bintana nya binasag ko. At umiiyak ako habang ginagawa ko yun.
Hinagis ko ang drawer nya kaya nagkalat lahat ng alahas nya. Gamit ang kutsilyo ay pinagputol putol ko lahat. May dugo na rin sa kamay ko. Minsan kasi nasusugatan ako.
Pero sa pinakailalim ay may nakita ako. Passport. Baliw talaga ang babaeng yun. Ilagay ba naman ang passport sa ilalim ng mga alahas nya? Pero kung iisipin, magandang ideya din. Hindi agad ito mahahanap. Pero naisip ko, kung nandito ang passport nya, ibig sabihin... nandito lang sila sa bansa.
Tinago ko yun sa bulsa ko.
Doon ako tumira ng ilang araw. Walang kinakain at nakaupo lang sa gitna ng kwarto ni Kathy. Hinihintay ko ang pagdating nila para kunin ang passport ng babaeng kumuha sa anak ko.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...