Chapter 27 "Ang Desisyon"

3.2K 27 1
                                    

Kabanata 27 "Ang Desisyon"

Anna : Madam Sarah..

Sarah : Anna...

Tamara : Alam ko na nahihirapan kang magpasya sa ngayon..

Anna : Pero tama kasi ang...

Carlota : Pinakamaigi anak na wag ka munang gagawa ng kahit na anong hakbang..

Anna : (Dinampot ang telepono) Hello,Senator Alcantara..

Fernando : (nasa kabilang linya) Hello Ms. Braganza,nagbago nap o ba ang inyong pasya..

Anna : No,Not totally,pero may kinalaman doon ang dahilan kaya ako napatawag..

Fernando : Anong ibig nyong sabihin?

Anna : Deretsahan na,Papayag ako na tumakbo,Isang milyong pirma ang kailangan ko.

(Nagimbal ang lahat ng kasama sa bahay ni Anna..)

Tamara : Anak ko...

Fernando : Sige po madam Anna Braganza,ngayon din ay sasabihin ko na iyon..

Anna : SIge po. (ibinaba ang telepono)

Sister Inocencia : Anna... (hinawakan ang kamay ni Anna..)

(At mabilis ngang naipahayag sa media ang sinabing iyon ni Anna,na lalo namang ikinagalit ni Eleuterio..)

Eleuterio : (Ibinato ang Remote ng TV) She's Insane! Naglakas loob pa siyang manghingi ng isang milyong pirma mula sa mamamayang Pilipino..

Donata : Dehins ka threatened? Aba nung nag FB at nag Tweet ako puro name nya ang nakikita ko,kaloka ang sakit sa mata!

Eleuterio : You have the nerve para mag facebook at twitter sa kabila ng mga nangyayari sa akin?

Donata : Kung hindi ko gawin yun hindi naman natin malalaman na malakas na ang puwersa ni Anna laban sa atin,ipanalangin na lang nating ireject ni Anna ang tumakbo sa sinasabi nilang Snap Elections! Imagine,ang buong mundo ikaw ang trending topic,ilang beses ka ng tinawagan ng pangulo ng Amerika na magbitiw ka na!

Eleuterio : No! Hindi ako magbibitiw sa aking puwesto! Hindi pa nahahanap ang pumatay kay Arnaldo Braganza!

Donata : Nagsasalita ka habang sinasabi mo ang sagot,dear!

Eleuterio : Mahal ako ng sambayanan..

Donata : Naririnig mob a ang sarili mo?

 (Samantala,sa bahay naman ni Sarah..)

Tamara : Anak,hindi k aba nabibigla sa mga pasya mo?

Anna : Mama,sa tingin koi to ang mas tama,mas nararapat,kailangan ko munang hingin ang suporta ng mga mamamayan,at mapapatunayan koi to rito.

Sister Inocencia : Ako na ang kakausap kay Anna,kailangan mo ng ispiritwal na payo,pumunta na tayo sa Simbahan,hanapin natin si Father Lozano..

Tamara : Sasama ako... pero ang alam ko ay wala na siya sa Santa Catalina..

Sister Inocencia : Nandiyan siya ngayon sa Santo Rosario nakadestino..

(Ganun nga ang nangyari kinabukasan,nagtungo nga sina Anna sa Santo Rosario Parish kung saan naroon si Father Lozano,ang kura paroko na siya ring confidante ni Arnaldo noong siya ay nabubuhay pa...)

Tamara : mano po,Father...

Father Lozano : Kaawaan ka ng diyos,Tamara..

Anna : mano po,Father..

Father Lozano : O,sino itong batang kasama mo?

Tamara : father,siya po ang nawala naming anak,salamat sa diyos,at sa mga babaeng kasama ko...

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon