Chapter 39 "Ang Pasyang Magdudulot ng Pagbabago"

2.5K 17 2
                                    

Kabanata 39 "Ang Pasyang Magdudulot ng Pagbabago"

Anna : Secretary Modesto...

Hazel ; Ang inay ko... (Humagulgol)

Amador : Maililigtas natin si Henrietta,Madam President..

Anna : (Nagulat) Talaga? Diyos ko.. salamat.. (Pinulot ang Rosaryo sa sahig)

Amador : Ngunit Madam President...

Anna : ANo ang problema? Maililigtas naman natin si Henrietta?

Amador : May hinihingi silang kapalit..

Anna : Ano iyon? Sabihin mo,dalian na natin,at ng mapaghandaan!

Amador : Blood Money..

Anna : Blood Money? Anong Blood Money? Anong ibig mong sabihin?

Amador : Kailangan nating magbayad sa kanilang Kaharian upang matubos natin si Henrietta...

Anna : Huh?

Hazel : (Lumuhod sa Harap ni Anna) Madam President,kakapalan ko na po ang aking mukha,nagmamakaawa ako iligtas nyo po si Nanay Etang,kung kinakailangan ako ang magsilbi sa inyo habambuhay,mabayaran ko lamang po ang sinasabing blood money na iyon.. Iligtas nyo po si Inay!

Anna : magkano ang kanilang hinihinging Halaga?

Amador : madam president... mahirap pong sabihin..

Anna : (Sumigaw) magkano?!

Amador : Katumbas ng Limang Milyong Piso....

(Natulala si Anna...)

Anna : (Sa Isip) Diyos ko,saan ko naman huhugutin ang ganoon kalaking halaga? Ang Pera ng Gobyerno ay sapat lamang para sa mga proyekto..

(at ng mahimasmasan si Anna ay..)

Anna : Ipacheck ang lahat ng ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa pananalapi,ora mismo ay ililigtas natin si Henrietta,Madali kayo!

Amador : Pero hindi pa po naisasaayos ang 2013 National Budget,Madam President..

Anna : Napapalitan ang pera,madaling kitain,ngunit ang buhay ay hinding hindi maibabalik,Bilisan na ninyo ang pagkilos!

Amador : Opo.

(Umalis na si Amador...)

Anna : wag kang mag-alala,Hazel,kumikilos na ang aking mga tauhan upang gawin ang lahat ng paraan na mailigtas ang iyong ina..

(Umiiyak lamang si Hazel..)

Rigo : Ate... tama na... wag ka na iyak...

Anna : Umuwi muna kayo,ako na ang bahalang umayos sa problema ninyo..

Hazel : marami pong salamat,Madam President..

Anna : Sige na,Manalangin lamang muna tayo sa ngayon,na makahanap ako ng paraan..

(Umalis na sina Hazel at Rigo.. Umalis na rin si Anna at tumungo sa....)

Father Lozano : Madam president..

Anna : Cardinal Lozano..

Father Lozano : Alam ko kung bakit ka naparito..

Anna : Father..

Father Lozano : Nahihirapan ka na ba?

Anna : Sa totoo lamang Cardinal Lozano,Hirap na hirap na ako..

Father Lozano : Paano mo naman nasabi iyon? Dahil ba unang pagkakataon mong nakaranas ng mag-deal sa kalagayan ni Henrietta?

Anna : Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng perang ipambabayad..

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon