Kabanata 32 "Bagong Pilipinas"
(Sa Headquarters ng Bagong Pilipinas...)
Sherwin : Good News po,Lolo..
Fernando : Ano yon,Sherwin?
Sherwin : Proklamasyon na lamang ang hinihintay,nanalo po si Madam Anna Braganza!
(Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao sa loob ng headquarters...)
Amador : Madali kayo,tumawag na tayo sa bahay nina Madam tamara Braganza upang maiparating ang magandang balita..
(at sa simbahan naman,Lalapitan na sana ni Anna ang kanyang ama ng biglang..)
Anna : Papa...
(nawalang bigla si Arnaldo..)
Anna : Papa...
(Pumatak ang luha mula sa mga mata ni Anna at napapikit siya... ng dumating si...)
Sister Inocencia : Anna...
Anna : (Tumingala at humarap) Sister Inocencia?
Sister Inocencia : Anna anak..
Anna : Bakit po?
Father Lozano : Ikagugulat mo ang naging resulta ng eleksyon..
Anna : Bakit po Father?
Sister Inocencia : Anna.. (Hinawakan ang kamay ni Anna) Tuluyan mong nabago ang kasaysayan ng bansa,ikaw ang nanalo sa Snap election!
(Napatakip ng bibig si Anna sa kanyang narinig..)
Anna : Diyos ko....
(Muling dumaloy ang masaganang luha ng tuwa sa kanyang mga mata...)
Father Lozano : Minsan pa'y pinatunayan muli ng Panginoong Hesukristo ang kanyang kapangyarihan..
Sister Inocencia : Kaya bilisan mo na at tumungo ka na sa Headquarters ng Bagong Pilipinas..
(Agad na tumayo si Anna...)
Anna : (Hinaplos ang isang bead ng rosaryo) Diyos ko,salamat po...
(Samantala sa Malacanang...)
Donata : Ang tagal naman ng resulta ng Snap Election! Kaloka ha! As in super slow motion,to think na Automated yan,as in capital A!
Eleuterio : Matagal na para sa iyo ang tatlong araw?
Donata : Honey naman,remember the saying,Time is Gold,not Silver,not Bronze!
(Biglang umalingawngaw sa telebisyon ang isang balita. Nanalo si Anna...)
Eleuterio : What the hell...
Donata : Gulay! Na-Bronze tayo! Mukhang bumaliktad na si Temyong sa atin!
(Mas lalong nagulat sina Eleuterio at Temyong sa sumunod na inanunsyo sa balita..)
Donata : Tinorture si Temyong kaya umamin!
Eleuterio : Paano nakatunog ang mga tauhan ni Anna sa mga gagawin natin?!
Donata : Malamang nga ay naBronze tayo sa tinatawag mong loyal na tauhan!
Eleuterio : Paano mangyayari ang sinasabi mo? Hayan at nakaVideo pa ang pagtorture kay temyong,ikaw kaya ang saktan ko ng ganyan kalala,hindi k aba mapapaamin?!
Donata : kung ganoon ay sino ang nakapagtimbre ng ipinagawa mo sa bata mo?!
Eleuterio : This is not the time for asking questions,nor blaming at each other!
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...