Kabanata 45 "Ang Paglaya ni Eleuterio"
Anna : Malaking sugal para sa akin ang pirmahan ang Pardon na igagawad sa inyo ni Donata Torres.
Eleuterio : I am aware of that,Madam President.
Anna : Kung ako ang masusunod,hindi ka dapat na makalaya. Ngunit nanaig sa akin ang pagiging isang mabuting mamamayan at pinuno n gating bayan at hindi ko sinamantalang nasa pamahalaan ako upang idiin ka kahit napakalaki ng kasalanan mo sa akin,lalo sa ating bansa. Nakita ko ang iyong mga pagsusumikap habang nasa loob ka ng bahay kung saan ka nakapiit,kaya kahit inuusig ako ng aking konsensya na hindi kita siningil ng sagad-sagaran sa pagkakasala mo,sa ngalan ng patas na pamahalaan at hustisya sa ating bansa,ibinigay ko ang kung anong nararapat na iyong makamit.
Eleuterio : At iyon ang aking ipinagpapasalamat sa inyo,Madam President. Tama po kayo,Hindi ninyo hinayaang manaig ang kasamaan,katulad ng aking ginawa. Pinalaya nyo pa rin ako kahit na ako ang dahilan ng pagkawalay mo sa iyong magulang.
Anna : Inaasahan ko,na sa iyong paglaya,ay tuluyan ng magwawakas ang hidwaan sa pagitan n gating mga angkan at taga-suporta
Eleuterio : Hindi lamang iyon ang aking maipapangako sa mga huling taon ng inyong panunungkulan,President Anna Braganza. Magiging kakampi nyo ako tungo sa mas maunlad na Pilipinas.
(Nagkamayan muli sina Anna at Eleuterio...)
Eleuterio : Nawa'y maging matagumpay an gating pagtutulungan.
Anna : Kahit naman saang aspeto,magtatagumpay ang mga taong nagtutulungan.
(Hindi nagtagal ay binasa na rin ang sakdal na magpapatunay na si Eleuterio ay binigyan nan g Executive Clemency ni Anna...)
Anna : (Kinamayan muli si Eleuterio) Muli,President Eleuterio Torres,Congratulations. Malaya ka na....
Eleuterio : Salamat Madam President...
(naghiyawan ang mga tao sa loob ng korte,dahil sa pagkakasundo nina Anna at Eleuterio. Samantala,sa CR naman...)
Sarah : Donata?
Donata : Parang nakakita ka yata ng multo?
Sarah : Malaya na kayong dalawa ni Eleuterio.
Donata : At hindi sana kami nakulong ng halos anim na taon kung hindi mo ako tinraydor!
Sarah : Wag ako ang sisihin mo. Humarap ka sa salamin at ng maalala mo ang lahat ng ginawa mo!
Donata : Tanda,wag kang magmamalinis,kasama kita sa lahat ng katarantaduhan ko sa buhay!
Sarah : Wala akong choice,kumapit ako sa patalim
Donata : (Hinablot si Sarah) Napakawalang-hiya mong matanda ka! Wala kang pakundangan sa pagsasalita samantalang kasama kita sa lahat ng kasamaang ginawa ko!
Sarah : Bitawan mo ako hayop ka!
Donata : (Winawagwag si Sarah) Excuse me,Hindi ako basta hayop,Ako ang pinakamagandang Hayop sa balat ng Lupa! Mapapanis si Princess Punzalan at Cherie Gil sa kasamaan ko,at mas marami na akong napatay kumpara sa record nina Max Alvarado at Paquito Diaz,kaya Hindi ako basta-bastang hayop!
(Sa hindi inaasahang pagkakataon ay...)
Sister Inocencia : (Sinabunutan si Donata) Napakawalang-hiya mong babae ka,hindi ka na nagtanda! (Winagwag si Donata)
Donata : Ano ba,bitawan mo ako!
Sister Inocencia : Hindi kita bibitawan,dahil sa pagkakataong ito,hindi na ako papayag na nsa isang tabi lamang ako at hindi kikilos laban sa iyo!
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...