Kabanata 5 "Ang Simula ng Bagong Buhay ni Anna"
Carlota : Ayos ka lang ba? Balita ko ay nasunog na daw ang Hospicio de Santa Isabel? Pumasok muna kayo ng bata bago ka magpaliwanag sa akin..
(Pumasok sina Sister Inocencia at Anna sa bahay ni Carlota..)
Carlota : Maupo muna kayo,alam ko na pagod at gutom kayo sa biyahe ninyo,magtitimpla lang ako ng juice at kukuha ng biskwit sa kusina.. lalo na ang bata,kawawa naman..
(Saglit na ginawa na Carlota ang kanyang mga sinabi..)
Carlota : Hija,heto,kumain ka na..
Anna : Marami pong salamat..
Carlota : Ngayon ka magpaliwanag sa akin,Inocencia,sino ang batang iyan? Bakit kayo biglang napasugod ditto sa akin?
Sister Inocencia : Alam ko kasing matagal ka ng nag-aasam na magkaanak,at lalo kang nasabik nung malaman mong baog ka,at hiniwalayan ng iyong asawa dahilan para magpa -Annul kayo,isa pa ay sadyang napakahilig mo sa bata kaya ka naging Elementary Teacher,kaya ikaw agad ang nilapitan namin ni Anna..
Carlota : Sigurado ka bang iyon lamang ang dahilan kaya ka nagpunta ditto? Bakit hindi maipinta ang mukha mo?
(Tahimik si Sister Inocencia..)
Carlota : Inocencia?
Sister Inocencia ; Wag kang mabibigla sa mga susunod kong sasabihin,Carlota..
Carlota : Teka,linawin mo ang mga sinasabi mo,Pinsan..
Sister Inocencia : Kaya ka namin pinuntahan ditto sa San Pascual,ay dahil nagtatago kami ng batang ito..
Carlota : (Gulat) Ha? Bakit? ANo ba ang ginawa mo? Kinidnap mo ba ang batang iyan?
Sister Inocencia : (Dinala si Anna sa Kuwarto) Anna,Anak,doon ka muna sa kwarto,ha? May pag-uusapan lamang kami ng Tita Carlota mo..
Anna : (aalis) Opo,Sister Inocencia..
(Pumasok na sa kuwarto si Anna,habang ang magpinsan ay..)
Sister Inocencia : Magtatago kami ditto sa iyo,dahil ang batang dala ko ay nais ipapatay ng sponsor namin sa ampunan..
Carlota : (Gulat) Ha? Bakit?
Sister Inocencia : Ang batang iyon ay anak ng kalaban sa pulitika ng sponsor namin,hindi ko alam ang iba pang detalye ng galit ni Ma'am Donata sa pamilya ni Anna,si Ma'am Donata ang nagpadukot kay Anna at nagdala sa ampunan,at siya rin ang nagpasunog ng Hospicio de Santa Isabel..
Carlota : Panginoong mahabagin..
Sister Inocencia : Kaya nakikiusap ako sa iyo,Carlota,Dito na kami muna sa iyo..
Carlota : Wala namang problema,pero,bakit hindi na lang kaya isauli mo ang batang iyan sa kanyang mga tunay na magulang?
Sister Inocencia : Minsan na rin iyang pumasok sa isip ko,ngunit napakamura pa ng kanyang pang-unawa upang piloting intindihin ang komplikadong sitwasyong kanyang kinalalagyan..
Carlota : Kung sabagay,tama ka,Inocencia.. O siya bukas,tutal ay pupunta ako ng munisipyo,aayusin ko na ang papeles ng batang iyon at aampunin ko na siya.. ewan ko ba,magaan na agad ang loob ko sa batang iyon.. hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naisip na ampunin agad siya.
Sister Inocencia : wag kang mag-alala,Carlota,hindi mo pagsisisihang ampunin ang batang iyan,napakabait niya..
Carlota : Oo nga eh..
(Kinabukasan,umalis na nga sina Sister Inocencia,Carlota at Anna,inayos na ang kanilang mga papeles sa opisyal na pag-ampon kay Anna,makalipas lamang ang isang buwan ng proseso..)
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...