Kabanata 30 "Madugong Pagtutuos"
(Agad na nilapitan nina Anna ang duguang si Jomar...)
Anna : (Hinaplos si Jomar) Jomar...
Jomar : madam Anna...
Anna : Lumaban ka,kailangan ka ng bansa,ikaw ang isa sa dahilan ng labang ito...
JOmar : Madam Anna...
Anna : Wag ka ng magsalita,lumaban ka,dadalhin ka na namin sa ospital! Tulong! Tulong!
(Hinawakan ni Jomar ang kamay ni Anna...)
JOmar : Madam Anna.....itul...oy mo ang mmm...Miting dddd.....e Avance,kahit wala na...
Anna : Jomar,hindi ka mawawala,lumaban ka!
JOmar : Mas magiging masaya ako.... Kung.. la..laban..ka...pa rin..
Anna : Jomar wag kang magsalita ng ganyan,lumaban ka!
JOmar : Pagkaalis.... Na pagka... alis.... Ko.... Wag...kk kang mmag... aalinlangang.... Itu....loy ang...miting...
(At tuluyan ng nalagutan ng hininga si JOmar...)
Anna : JOmar!
Tamara : Anak... (Hinaplos sa likuran si Anna..)
Sister Inocencia : Diyos ko. Hindi na sila kailanman tatablan ng kanilang konsensya,kung mayroon nga sila nun talaga..
Carlota : Anna,anak,dalhin na natin siya sa ospital kung masasagip pa siya..
Anna : Dalian nyo na,Ka Terong,Ka Ed..
Ka Ed : tayo na,Ka Terong,baka masagip pa natin si JOmar..
Ka terong : Opo!
(Agad na binitbit nina Ka Ed si Jomar patungong Ospital...samantala sa Malacanang naman..)
Donata : Ano?! (Naibagsak ang telepono) Diyos ko,hindi ito maaari!
(napaupo si Donata...)
Eleuterio : Nabalitaan mo na ba? Tagumpay ang pagpapabomba natin sa Miting de Avance ng Bagong pilipinas! Ngayon nila matitikman ang kasamaan...
(Sinampal ni Donata si Eleuterio...)
Eleuterio : Ano bang problema mo?!
Donata : Ano'ng sabi mo? Nagtagumpay ka sa pagpapabomba mo sa Miting de Avance ni Anna? Alam mob a kung sino ang namatay sa bombahang naganap?
Eleuterio : Ikatutuwa ko kung si Anna...
Donata : Ang anak natin ang napuruhan! S JOmar,si Jomar ang namatay!
(Nanlaki ang mata ni Eleuterio...)
Eleuterio : Anong sinabi mo?! (hinawakan sa magkabilang balikat si Donata at iniyugyog) Ulitin mo ang sinabi mo! Nagsisinungaling ka lang!
Donata : OK ka lang? Maglulupasay ba ako ng ganito kung hindi ang anak natin ang napuruhan?! Hindi ka kasi nagiingat!
(Dumating si Temyong..)
Temyong : Boss,Successful po ang...
Eleuterio : (Pinagsasapak si Temyong) Anong Successful?! Walang hiya ka tatanga-tanga ka talaga!
Donata : (Sinampal si temyong) Alam mob a kung sino ang napuruhan sa pagtatanim mo ng bomba?!
Temyong : Boss,hindi kop o kayo maintindihan?
Donata : Paano mo kami maiintindihan eh bobo ka nga?! Ilang beses ng sumesemplang ang mga ginagawa mo pero ang isang ito hindi ko mapapalampas,dahil anak ko na ang napatay mo! Anak ko ang pinatay mo! Pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo.. Pinatay moooo!!!!!
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...