Kabanata 23 " Ang Pagpapatuloy ng laban"
Bagong Tauhan:
Spanky Manikan bilang General Eduardo "Ka Ed" Martillanos
Anna : Hindi po ninyo pagsisisihang tinanggap ninyo ang aking alok na pakikipagtulungan..
Ka Terong : Ngunit bakit ganun na lamang ang layon mong labanan si Eleuterio Torres?
Anna : SInabi na naman namin sa inyo iyon,napakalaki ng kasalanan niya,hindi lamang sa bayan kundi maging sa akin, sa aking magulang. Dalawampung taon akong inosente sa aking pinagmulan,dalawampung taon kong pinagdusahan ang mga bagay na hindi ko naman dapat na danasin,sa loob ng dalawang dekadang iyon,namuhay ako sa isang kasinungalingan,ang pagkakaalam ko ay inabandona ako ng aking ina,iyon pala ay iniwan ako sa ampunan,kinidnap ako at itinapon,ng malamang buhay pa ako ay muntik-muntikanan na akong mamatay ng ipasunog ni First Lady Donata Torres ang ampunan kung saan niya ako dinala,mabuti na lamang at itinakas ako ni Sister Inocencia,at lumaki kina Inay Carlota...
Ka Terong : Ngunit nagdadalwang isip pa rin ako...
Sister Inocencia : Naintindihan po namin,bilang paggalang na rin sa inyong prinsipyo bilang mga Komunista..
Ka terong : Pero kailangan ko pang pag-isipang maigi kung anong tulong ang aking magagawa ng hindi masyadong nasasagasaan an gaming prinsipyo..
Pisyong : Nakikita at nadarama namin kung gaano kalaki ang galit ninyo sa mga Torres at sa kanyang administrasyon.
Anna : Hindi nga lang tayo nagkakasundo sa ating mga pananaw pagdating sa pulitika.
(Humahangos si Luding..)
Luding : Ka Terong! Ka terong!
Ka Terong : (tumayo) ANo iyon?
Luding : Basahin po ninyo ang diyaryo na nabili ko sa bayan.
(Nang kunin ni Ka Terong ang pahayagan..)
Ka Terong : (Iniharap kay Anna ang diyaryo) Basahin mo..
Anna : (napatakip ng bibig) Diyos ko..
Carlota : May 5 taon pa lang tayong nagtatago ay ganyan na ang nangyayari sa Maynila?
Ka Terong : Ikinukulong ang mga mamamahayag na nagsusulat ng laban sa pamahalaan,ang iba sa kanila,ay pinapatay pa..
Tamara : Sobrang ganid niya sa kapangyarihan.. Wag na wag ninyong paniniwalaan ang mga sinasabi niyang kaya siya nagdeklara ng batas-militar ay upang hanapin ang salarin sa pagkamatay ng aking asawa at para pangalagaan ang bansa,dahil lahat iyon ay kabaligtaran ng kanyang nais at ginagawa..
Anna : Kailangang mas mapalakas natin ang ating pwersa laban kay Eleuterio Torres..
(samantala,si Eleuterio..)
Eleuterio : Ano ito? (Initsa ang mga papel)
Donata : (Pinulot ang mga papel) Report on.. hala ka!
Eleuterio : Bakit naman bumaba ng ganyan ang trust rate ko?!
Donata : Wag ako ang tanungin mo,you better ask yourself why.
Eleuterio : Dumarami talaga ang walanghiyang tumatampalasan sa aking panunungkulan,kailangan magligpit ng mga kalat..
Donata : Panong hindi bababa ang trust rate mo,panay ka linis ng kalat,sa sobrang linis mo,hindi moa lam kung ang nililigpit mo ay may pakinabang pa!
Eleuterio : You better keep your mouth shut,wala kanga lam sa pulitika..
Donata : Totoo naman eh!
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...