Kabanata 48 "Ang Pagpapatuloy ng Tunggalian"
Amador : Hiningi namin na magkaroon muna ng preliminary investigation sa kaso ninyo,Madam President,ngunit napakalakas ng katibayang ikaw ang nasa video scandal....
Tamara : Ano?!
Sister Inocencia : Paano naging matibay ang ebidensya? Halos maghapon ang pangulo ditto! Wala siyang panahong ilatag ang kanyang sarili sa isang bar at doon magkalat!
Fernando : Patawad,Madam President..
Amador : At kung ang petisyong ito ay maaaprubahan,baka sa susunod na linggo ay gumulong na ang imbestigasyon at maisalang nap o kayo sa inyong unang paglilitis..
Drew : Ate...
Carlota : Wag kang matakot,Anna...
Anna : Natatakot ako,Inay,hindi ko mapigilan..
Sister Inocencia : walang dahilan para matakot ka,Anna,biktima ka! Mas may dahilan ka para ipaglaban ang iyong karapatan,at ang katotohanan!
Tamara : Napakawalang-hiya talaga ng mga gumawa nito...
(Agad na umalis si Tamara,at kinuha ang telepono..)
Fernando : Ano po ang inyong gagawin,Lady tamara?
Tamara : Hindi ako papayag na magpaagrabyado lamang kami... (Dum-ial sa telepono)
(At ang nasa kabilang linya naman...)
Donata : Hello?
Tamara : (Sumigaw sa Telepono) Mga walang hiya kayo!
Donata : (Nailayo ang cellphone sa tenga sa gulat) ANo problema nito?
Tamara : Hoy,Sumagot ka!
Donata : Anon a naman ba ang problema mo?!
Tamara : Ikaw at ang asawa mo ang problema namin! Akala mo siguro hindi ko alam na kayo ang may kagagawan ng kasiraan sa anak ko?!
Donata : Kasiraan ng Anak mo?!
Tamara : Alam ko,na kayo ang salarin sa sex video scandal ng anak ko!
Donata : Tamang bintang ka noh? Sige nga anong pruweba mong makakapagpatunay na kami ang may kagagawan ng nangyari! Magsalita ka!
Tamara : (Saglit na napatahimik) Basta,ramdam ko! Kutob ko na kayo lamang ang mayroong ganoong kapasidad na gumawa ng kasamaan!
Donata : (Ngumiwi) Echuserang Palaka ka pala eh! Bintang ka ng bintang wala ka naman palang kongkretong patunay! Wish mo na lang na mayroong korteng tumanggap ng testimonya mo,pero mas maiging ikwento mo sa pagong! Leche! Panira ka ng araw!
(Pinatay ni Donata ang kanyang Cellphone...)
Donata : Tamara,Tamara,isa lang ang payo ko sa iyo,Ikwento mo sa pagong,with feelings! At syempre kasunod ang kinaiinisang Evil Laugh by Donata,HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
(Biglang dumating si Eleuterio...)
Eleuterio : Sino na naman ba ang kausap mo,Kaaga-aga ay bunganga mo ang naririnig ko?
Donata : Nag-level up na talaga sa pagiging desperada itong si Tamara,sukat ba naman akong tawagan at sisihin sa mga nangyayari sa anak nya. Kaloka! Sabi ko nga,ikwento nya na lang sa pagong with feelings! Wagas!
Eleuterio : Gumagana na ang mga plano.
Donata : Ano'ng ibig mong sabihin?
Eleuterio : GUmugulong na sa korte ang petisyong masailalim sa Impeachment si Anna...
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...