Kabanata 4 "Ang Tunay na Pakay ni Donata"
Sister Inocencia : Ama namin,Sumasalangit ka,sambahin ang ngalan mo,Mapasaamin ang kaharian mo,ditto sa lupa para lang sa langit..
Anna : (umuubo) Sister Inocencia..
Sister Inocencia : Magtiwala ka lang sa diyos,makakaligtas tayo ditto!
(hinila ni Anna Si Sister Inocencia..)
Sister Inocencia : Anna! Anna! Delikado!
Anna : Tumakas na tayo ditto,bago pa tayo tuluyang makulong rito sa nasusunog na ampunan!
(Walang nagawa si Sister Inocencia kundi ang tumakbo kasama ni Anna,hindi rin nagtagal ay nakalabas sila sa nasusunog na bahay-ampunan..)
Sister Inocencia : Ano ba ang nangyari,Lilet? Hindi ninyo yata inayos ang mga kalan o ang mga kuryente sa loob ng Hospicio!
Lilet : Paano pong mangyayaring hindi namin inayos ang mga LPG? Kayo po ang huling tao sa kusina kanina?
Mora : Hindi kaya sinadyang ipasunog ang Hospicio de Santa Isabel?
Sister Inocencia : Mora! Magdahan-dahan ka nga sa mga pinagsasasabi mo! Sino naman ang walang pusong magpapasunog ng ampunang itong tahanan ng mga kaawa-awang mga batang iniwan ng kanilang mga magulang?! Hindi na ba sila nakonsensya kung gagawin man nila iyon!
Anna : Ate Mora,Si Mother Superior po?
Mora : dinala sa ospital si Mother Superior! Inatake ng hika,hindi nakahinga sa usok,muntik ng masuffocate sa loob ng kanyang kuwarto!
(Lalong napaiyak si Sister Inocencia sa kanyang nalaman sa nangyari sa kanilang Madre Superiora..)
Sister Inocencia : Diyos ko... (Humagulgol) Sino ang gagawa nito? Sino?
Lilet : Kumpleto naman po ang lahat ng mga bata..
Sister Inocencia : salamat na lang diyos ko,walang batang nasaktan..
(Niyakap ni Sister Inocencia si Anna.. Kinabukasan..)
Sister Inocencia : Anna,samahan mo muna ang Ate Mora at Ate Lilet mo na bantayan ang mga bata ditto sa ating pansamantalang evacuation center,pupuntahan ko lang sa ospital si Mother Superior,kakausapin kasi namin si ma'am Donata Torres tungkol sa pagpapatayo ng bagong bahay-ampunan,magpapakabait kayo ditto ha?
Anna : Opo,Sister Inocencia.
Sister Inocencia : Sige,Hija,aalis na ako..
(Tumungo na nga sa Ospital si Sister Inocencia...Pagdating doon..)
Sister Inocencia : Mother Superior..
Mother Superior : Sister Inocencia,kumusta ang mga bata sa evacuation center?
Sister Inocencia : Ayos lamang po sila doon. Kayo po?
Mother Superior : Eto,mukhang kinaawaan ako ng diyos,dinugtungan pa ang aking buhay upang pagsilbihan ang mga batang nangangailangan..
Sister Inocencia : Siya nga pala,Nasaan si Senora Donata? Akala ko po ba ay ipinatawag ninyo ako ditto sa ospital para pag-usapan ang pagpapa-renovate sa Hospicio de Santa Isabel?
Mother Superior : Sandali lamang daw at darating na siya,tumawag siya sa telepono ng ospital..
Sister Inocencia : Ganoon po ba? Sige pupunta po muna ako sa CR..
Mother Superior : Sige..
(Lumabas si Sister Inocencia,nadaan siya sa isang kuwartong walang laman ng may marinig siyang sumisigaw na babae..)
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...