Chapter 7 "Ang Hindi Inaasahang mga Tagpo"

4.2K 30 5
                                    

Kabanata 7 "Ang Hindi Inaasahang mga Tagpo"

(Habang naglalakad ang grupo ng Mag-asawang Tamara at Congressman Arnaldo,at sina Sister Inocencia,Carlota at Anna ng may mapansin ang huli..)

Anna : (Kinapa ang leeg) Inay..?

Carlota : Oh,bakit?

Anna : Ang Kuwintas ko..

Sister Inocencia : Oh,Ano ang nangyari sa kuwintas mo?

Anna : naiwan ko sa bahay..

Carlota : Ha? Purong Ginto pa naman yata iyon,galling sa iyong tunay na magulang..

Sister Inocencia ; Naka-kandado naman ang bahaya kaya siguradong hindi iyon mawawala..

(Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad,habang ang mag-asawa namang Braganza..)

Arnaldo : Kanina ka pa tulala?

Tamara : Arnaldo?

Arnaldo : tamara,ano ba ang prblema?

Tamara : Wala ka bang napansing kakaiba sa batang kasalubong natin,na may kasamang madre at isa pang babae?

Arnaldo ; Oh ano?

Tamara : Iba ang nararamdaman ko sa titig niya..

Arnaldo : Lukso ng dugo? Alam kong..

Tamara : Hindi ko alam,Arnaldo,maging ako rin ay naguguluhan,hindi ko pa rin makalimutan ang batang nakasagi sa atin na may kasama ring..

(Bumalik sa gunita ni Tamara ang mag panahong nasagi siya ng anak niyang si Anna,na hindi niya alma na anak pala niya ito..)

Tamara : Madre ang kasama ng bata noon,Madre rin ang kasama ng dalagita ngayon..

Arnaldo : Namukhaan mob a ang madre na nakasalubong natin dati?

Tamara : Hindi,iyon ang problema..

Arnaldo : Hayaan mo,mailibing lang si Ninang Socorro ay mag-aampon na agad tayo ng bata sa mas lalong madaling panahon,upang maibsan na ang pangungulila natin sa ating Unica Hija..

(Samantala,sa loob naman ng Ampunan kung saan nakaburol ang Madre Superiora ng Hospicio de Santa Isabel..)

Sister Elena : Sister Inocencia?

Sister Inocencia ; Ikaw ba iyan,Sister elena?

(Nagyakapan ang 2 madre..)

Sister Elena : Alam mo bang nag-alala kami nung araw na bigla kang umalis kasama si..

Anna : Sister Elena..

Sister Elena : Anna?

Anna : Ako nga po..

(Hinawakan ni Sister Elena ang kamay ni Anna..)

Sister Elena : Ano ba talaga ang dahilan ng pag-aalis ninyo?

Sister Inocencia : Ah.. kasi.. mahabang kwento,saka ko na lang..

(Biglang dumating si..)

Donata : Sisters?

Sister Elena : Mrs. Torres?

(Nanlaki ang mga mata at nagulat sina Carlota at Sister Inocencia..)

Donata : (Lumalapit kay Sister elena) Condolence sa inyo ditto sa Hospicio de Santa Isabel,isang malaking kawalan si Mother Superior,na isa nag haligi ng ampunang ito..

Sister Elena : Oo nga po,Mrs. Torres..

(Matapos ngitian si Sister Elena ay napatingin siya kay Sister Inocencia,na nagtatago at tila nagpapatay malisya na wag siyang mapansin,ngunit pinuna pa rin ni Donata..)

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon