Chapter 40 "Ang dahilan ng pagkakaligtas ni Henrietta"

2.7K 16 2
                                    

Kabanata 40 "Ang dahilan ng pagkakaligtas ni Henrietta"

Anna : Secretary Modesto,inuutusan kita ngayon din mismo na tawagan si Hazel at sabihin sa kanya na may nakuha na tayong sapat na pondo para sa blood money na hinihingi. Ipaayos mo na rin ang ating pakikipagusap sa mga kinatawan ng bansang Riyadh upang maisaayos na ang pagtubos natin kay Henrietta.

Amador : Masusunod po,Madam President.

(Ibinaba nan i Anna ang telepono..)

Tamara : O,Anna bakit wala yatang pagsidlan ang tuwa mo ngayong umaga.

Anna : napakagandang balita,matutubos na natin si Henrietta!

Sister Inocencia : Ha? Paanong matutubos?

Anna : may nagbigay nap o ng pam-blood money.

Carlota : teka,Napakalaking halaga ng pera ang hinihingi ng bansang Riyadh,at nakumpleto iyon sa loob lamang ng ilang linggo?

Anna : Hindi nap o mahalaga kung sino ang nagdonate ng pera,ang mahalaga ay matutubos na natin an gating kababayan.

Drew : Salamat sa Diyos ate kung ganoon nga.

Sister Inocencia : nalampasan mo na naman ang isang pagsubok,Anna....

Anna : (Niyakap si Sister Inocencia) Salamat sa inyo,nina Inay Carlota,Mama Tamara,Drew at lahat ng sumusuporta sa akin. Lalo akong tumitibay dahil sa inyo..

Tamara : Hindi kami ang nagpapatibay sa iyo,Anna,ang nasa itaas ang dahilan ng lahat...

Carlota : oh,siya tama na ang Drama,dahil marami pang aasikasuhin si Madam President,kailangan nyo po munang kumain..

Tamara : Tama,ipahanda ang pinakamasarap na pagkain para sa tagumpay n gating si President Anna Braganza..

Anna : wag nyo naman akong tawagin ng Madam President pag tayo tayo lamang ang magkakaharap.

Drew : Syempre ate,kailangan iyon,Pormalidad.

Anna : Pero hindi naman sa lahat ng oras.

Tamara : Anna..

Anna : Nawawala ang essence ng pagsasama-sama natin ditto sa Malacanang. Narito tayo bilang pamilya,at ayokong maging masyado tayong pormal.

Sister Inocencia : Sige na nga..

Carlota : Os iya,ipasok na ang mga makakain para sa umagang ito.

(at nagtawanan at nagkainan na sila. Matapos noon ay nag-ayos na si Anna..)

Tamara : Anna,anak,saan ka pupunta?

Anna : Aayusin na namin an gaming pag-alis patungong Riyadh upang makuha na natin si Henrietta..

Tamara : May aayos na noon,bakit kailangan pang ikaw ang mamagitan doon?

Anna : Wala naman akong inaasikaso sa ngayon,at isa pa,tungkulin koi yon bilang ina ng bansang ito..

Tamara : May magagawa pa ba ako? Alam mo,paulit-ulit ko na itong sinasabi sa iyo pero..

Anna : magkatulad na magkatulad kami ni papa?

(Niyakap ni Tamara si Anna..)

Tamara : Anak,matatapos rin ang paghihirap mo sa ating bansa,ilang taon na lamang ang ilalagi mo sa pamahalaan..

Anna : At ayokong masayang iyon sa mga walang kwentang bagay. Ginto ang oras ng mga katulad ko,isang public servant at role model. Sige na mama,Aalis nap o ako,hindi ako sure kung makakauwi ako mamaya,dahil pag nagkataon,baka mamaya na kami umalis kapag naayos na ang papeles namin sa pagpunta sa Riyadh.

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon