Kabanata 9 "Mga Plano para sa Hinaharap"
Arnaldo : Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa Father..
Father Lozada : Tungkol ba ito sa iyong pagtakbo sa 1998 Elections?
Arnaldo : opo..
Father Lozada : Kung sa pagtakbo bilang kinatawan n gating Lalawigan sa Kongreso,malaki ang tiwala sa iyo ng mga tao..
Arnaldo : hindi po iyon ang posisiyong aking inaasam para sa darating na halalan..
Father Lozada ; Ano naman ang ibig mong sabihin?
Arnaldo : Kaya ko ako nanghihingi ng inyong Payo at Basbas para sa 1998 Elections.. Ay tatakbo ako sa pinakamataas na posisyon sa Pamahalaan..
Father Lozada : (Nagulat) Sigurado po ba Kayo sa inyong ninanais,Congressman? Maghunos-dili muna kayo sa inyong pagpapasiya.. Isang napakabigat na responsibilidad ang maging Pangulo ng Pilipinas. Bukod pa doon ang hindi maiiwasang banat ng iyong magiging kritiko..
Arnaldo : Sigurado na po ako,Father. Hinihingi ko po ang inyong Basbas at Payo,sa aking magiging bagong pagsubok,kung sakaling ako ay papalarin na maging Pangulo ng Pilipinas..
Father Lozada : Congressman Arnaldo.. Anak.. alam mo naman na sa bawat hangarin mo at mithiin sa iyong buhay ay lagi akong nakasuporta,ngunit sa iyong pasiya na tumakbo para pangulo ng Pilipinas,isa lamang ang sasabihin ko,Pag-isipan mo pa ng higit sa isanlibong beses ang iyong balak,hindi biro ang mamahala ng isang buong bansa..
Arnaldo : Father,uulit-ulitin ko rin po sa inyo,sigurado na ako,basbas ninyo na lamang po ang kulang,at akin ng tatanggapin ang iniaalok sa akin ng Partido Filipino..
Father Lozada : (huminga ng malalim) Wala na akong magagawa sa iyong nais,hiling ko na lamang na patnubayan ka ng Poong maykapal sa iyong pagtakbo sa halalan,hiling ko na magliwanag ang iyong kaisipan tungo sa iyong mithiin na paglingkuran ang ating bayan.. Kaawaan ka ng Diyos ama,anak at espiritu Santo..
Arnaldo : Marami pong salamat,Father Lozada..
(Samantala,Sina Nicos at Anna naman..)
Nicos : Anna? Pwede bang makishare ako ng upuan?
Anna : Bahala ka..
(Naupo si Nicos..)
Anna : Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa akin kagabi?
Nicos ; Ha?
Anna : Ha? Ha? Itinatanggi mo pa?!
Nicos : Ano ba ang ginawa ko kagabi na masama? Ano ang ikinagagalit mo?
Anna : At sa akin ka pa nagtanong ano?
Nicos : Ano nga ba?
Anna : Bakit mo sinabi sa Nanay at Tiyahin ko na manliligaw kita?
Nicos : Ano naman ang masama sa sinabi ko?
Anna : Pwede mo namang sabihin ang totoo sa kanila? Na inihatid mo lang ako,dahil Naholdap ako..
Nicos : Kesa naman sa pag-aalalahin mo ang mga magulang mo?
Anna ; At kesa rin naman sa magsinungaling ka sa kanila? Ganon?
Nicos : Eh ano naman ba kung sabihin ko sa mga magulang mo na nanliligaw ako sa iyo? Maganda ka naman,Guwapo naman ako..
Anna : At higit sa lahat ay napakayabang mo..
(Natahimik si Nicos ng saglit..)
Nicos : Bakit masama ba?
Anna : Hindi,hindi masama.. Napakasama! Saksakan ka kasi ng yabang,pwede mo namang sabihin ang totoo sa mga magulang ko,kundangan ba naman kasi ay masyado kang mahangin,palalabasin mo pang manliligaw kita? Kahit hindi naman?!
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...