Kabanata 38 "May Kasagutan o Wala?"
Anna : tayo na..
Hazel : Madam President..
Anna : wala na tayong oras. Wag mo muna akong pasalamatan hangga't hindi pa natin naililigtas ang iyong ina sa kapahamakan..
Hazel : (Hinawakan si Rigo) Rigo tara,ililigtas natin si Nanay Etang..
(Sumakay na sila sa sasakyan ng pangulo. Kinabukasan,ay kalat na sa buong bansa ang nangyari kay Henrietta. ALam na ito,maging nina Eleuterio at Donata...)
Donata : eleuterio! Eleuterio!
Eleuterio : Donata,umagang umaga,hindi ka pa rin nagbabago,wala ka pa rin ni katiting na urbanidad!
Donata : Pwede ba,I don't even care in that so called urbanidad Chuva mo,you have to read this! (Iniabot ang Diyaryo)
Eleuterio : (Itatapon ang diyaryo) Anon a naman ang ipababasa mo sa akin? Ang patuloy na pagtira sa akin ni Anna?!
(Hindi na nagawang itapon ni Eleuterio ang diyaryo..)
Eleuterio : ISang OFW,nanganganib sa ibang bansa?
Donata : Oh,ano say mo?
Eleuterio : Ano naman ang pakialam ko sa issue na iyan? Ni hindi nga ako mailalabas sa kulungan ng kung sinomang Poncio Pilatong iyan na nanganganib ang buhay?!
Donata : Gamit-gamit din ng utak pag may time huh?
Eleuterio : Ano ang ibig mong sabihin?
Donata : Wala pang kahit na anong karanasan sa pulitika si Anna..
Eleuterio : wala nga,pero tingnan mo naman ang bansa,ang laki ng iniunlad sa pamumuno niya. KAhit na kalaban nya ako,hindi koi yon maitatanggi..
Donata : What ever,you're such a loser (Tumawa) Ngayon,tinatanggap mo nang mas matalino si Anna sa iyo? Oh Come on baby, Hindi mo talaga ako magets huh? I mean,hindi pa alam ni Anna kung paano mag-deal sa ganyang mga sitwasyon. And we can pressure her to do anything just to save that poor little thing outside our country. At isa pa,kung totoong umuunlad nga ang bansa,bakit may nagtatrabaho pa rin sa labas ng bansa?
(Iyon rin ang pinag-uusapan nina Anna sa loob ng opisina ng DFA..)
Anna : Hija,ano nga ba ang kwento ng buhay nyo,gusto kong mapakinggan ng buo,pati na ang dahilan ng iyong ina para lumayo at maghanap-buhay sa ibayong dagat?
Hazel : Nagsimula po ang lahat noong mamatay ang Itay. Napatay po si Tatay dahil napagkamalan siya. Nagkamali po ng pinatay ang mga walang hiyang mga lalakeng iyon. Napakabait ng tatay ko,hindi siya kailanman nagbenta ng bawal na gamot,o nagnakaw,o pumatay,makakain lamang kami. Kahit maliit lang ang kinikita nya sa pamamasada ng de padyak ay tinuruan nya kaming magtiis kung wala,makuntento kung ano ang meron at huwag gumawa ng masama para lamang magkalaman ang tiyan namin. Magmula noon,ay solong kumayod si Nanay Etang,dahilan para mahinto ako at hindi makapagtuloy ng kolehiyo,upang matulungan siya. Hanggang sa naisipan ni Nanay na magtungo sa ibang bansa para magtrabaho doon. Ako naman ditto sa pilipinas ay nagtitinda ng mga pagkain habang binbantayan ko ang kapatid kong si Rigo. Kawawa naman ang kapatid ko,kaya mas dapat ko siyang kalingain sa kanyang kalagayan,sa kanyang kakulangan bilang isang normal na tao. Ngunit sa halos limang taon nya sa Riyadh,pasakit pala ang inaabot nya. Sinasaktan siya ng Amo niyang arabo. At sa limang taon nyang pagtitiis na iyon,ipinagtanggol na nya ang kanyang sarili. Napatay nya ang kanyang among lalake na pinagtangkaan pa siyang gahasain. Nagtangkang tumakas ni Inay noong isang araw lang pero nakita siya ng amo nyang babae,at iyon naman ang nagpapahirap sa kanya ngayon. Ikinukulong siya,hindi pinakakain,itinatali... (Napaiyak) Kaya noong minsang nakalagan nya ang kanyang sarili ay agad siyang kumain at agad nya rin akong tinawagan... ganun ang ginawa nya sa pangalawang pagkakataon ngunit yung kahapong tawag nya, Iyon ang huli namin pag-uusap.
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...