Kabanata 8 " Mga Kapahamakan"
(Binundol ng isang mamahaling sasakyan ang Holdaper na sumugod kay Anna..)
Anna : saklolo! Tulungan ninyo ako!
(Biglang bumaba ng Kotse si..)
Nicos : gabi na,bakit naglalakad ka pa? sa madilim na lugar pa?
Anna : Ikaw?
Nicos : (Hinawakan sa Batok ang holdaper) teka lang,wag ka munang umalis!
(Pinagsusuntok ni Nicos ang Holdaper..)
Nicos : Ang laki laki ng katawan mo,ayaw mong magtrabaho ng Maayos! (Dinukot ang wallet) Magkano ba ang kailangan mo? (Dinukot ang laman ng wallet niya at inihagis sa holdaper) Siguro naman ay kasya nay an,at wag na wag ka ng mananakit ng babae!
(Pinulot ng holdaper ang pera na inihagis ni Nicos,tinitigan niya ang huli,at saka umalis..)
Nicos : (Binuksan ang pinto ng Kotse) Sumakay ka na..
Anna : Ayoko nga!
Nicos : Get in!
Anna : Get in-in ko mukha mo gusto mo?!
Nicos : Stop Talking shit and get in when I said so!
(Nagulat si Anna sa mga sinabi ni Nicos,dahilan para pumasok siya sa sasakyan nito. Habang bumibiyahe sila..)
Nicos : Pasensya ka na kung nasigawan kita..
Anna : Ganyan ka ba talaga pinalaki ng mga magulang mo?
Nicos : Pardon?
Anna : Akala ko ba,iginagalang mo ang mga babae? Bakit nung 1st day of classes ay galit nag alit ka kay Elaine dahil nasagi ka? Tapos nung nakaraan lang,ako naman?
(Hindi umiimik si Nicos..)
Anna : Oh Ano? Sopla ka? Hindi ka makaimik?
(Nagdadrive lamang si Nicos,hindi niya iniintindi ang mga sinasabi ni Anna..)
Anna : Ganyan ka na ba talaga ka-bayolente? Bakit naman kailangan mo pang managasa at manggulpi ng tao?
Nicos : Please stop talking! Why cant you just be grateful that I saved your life from someone who will harm you?!
Anna : pag magliligtas ka ng tao kailangan nananagasa at nanggugulpi? Kung superhero ka,Sadistaman ang pangalan mo!
Nicos : At ano naman ang gusto mong gawin ko para iligtas ka?! Kantahan ko ang holdaper at hintaying makatulog siya?
Anna : Hindi ka lang bastos,pilosopo ka pa!
(Napansin ni Anna na Inihahatid na siya sa bahay niya ni Nicos,napansin niya ang daanan..)
Anna : Teka.. Bakit mo alam ang daan papunta sa bahay ko?
Nicos : Sinusundan kita pauwi..
Anna : Ha?! Walang hiya ka Stalker ka ibaba mo ako ditto!
Nicos : Hindi kita pabababain,malapit na tayo..
Anna : Ibaba mo sabi ako eh!
(Pinaharurot pa ni Nicos ang kanyang kotse,hanggang sa..)
Anna : Teka,lagpas na ito sa amin ah?
(Pinaharurot pa ni Nicos ang kanyang sasakyan..)
Anna : Hoy,Ano ba! Ibaba mo nga ako!
(Iniatras naman ng pagkabilis bilis,at saka inihinto sa tapat ng kanilang bahay..)
Anna : (hawak ang sentido) hayop ka,ipinaglihi ka yata sa Ipo-ipo..
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...