Chapter 22 "Isang Pakiusap"

3.3K 23 3
                                    

Kabanata 22 "Isang Pakiusap"

PAUNAWA : Ang Babasahing ito ay RATED SPG,Striktong Patnubay at Gagay ng Magulang ang Kailangan,Maaaring may maseselang TEMA,LENGGWAHE,KARAHASAN,SEKSUWAL,HORROR O DROGA NA HINDI ANGKOP SA MGA BATA.

 

Ang SPG rating na iyan po ay dulot ng Napakasensitibong Tema ng kabanatang ito,maaaring ma-confuse ang mambabasa na baka akalain nila na ang Kuwentong ANNA ay hinango sa Kasaysayan ng Pilipinas.

 

Muli ay akin pong inuulit,Bagama't ang mga pinagbabasehan ko ng mga pangyayari at kaalaman ay galling sa 1987 Philippine Constitution,Law Books ng Pilipinas,Kasaysayan at Political Science,ang lahat ng pangyayari at mga mangyayari pa sa hinaharap,ay pawang KATHANG ISIP LAMANG ng may akda,anumang pagkakahawig nito sa mga Bagay,Pangyayari o maging sa tao,buhay man o Yumao ay HINDI SINASADYA ng manunulat.

Ka Terong : Hindi maaari..

Anna : Ka Terong..

Ka Terong : Hindi maaari ang iyong hinihiling..

Anna : Dahil ano? Dahil ba kayo ay mga Komunista?

Ka Terong : Lapastangan! Ang lakas ng loob mong tampalasanin ang aming prinsipyo!

Anna : (Lumuhod sa harap ni Ka Terong) Hindi ko po kailanman magagawang tampalasanin ang paniniwala ng sinuman,bagkus ay lumalapit ako sa katauhan ng isang taong nangangailangan..

Ka Terong : Matagal na akong tumiwalag sa pamahalaan,matagal na kaming namumundok,namumuhay ng mapayapa at simple..

Anna : Pero wala po iyong kinalaman sa aking hinihingi!

Ka Terong : Hindi mob a naiintindihan? Ikaw ay anak ng dating pangulo ng pilipinas!

Anna : Ano naman po?

Ka Terong : Kami ay mga pugante laban sa pamahalaan!

Anna : Paano kayo naging pugante samantalang ilan sa mga reporma at amnestiya sa pamahalaan ay patungkol sa usaping pangkapayapaan natin? Paano natin lalabanan  ang diktadurya kung....

(Bigla na lamang may pagsabog na yumanig sa di kalayuan..)

Pisyong : Magtago kayo! Nandiyan na naman ang militar!

Selyo : Pag may nangyaring masama ditto sa aming kuta,humanda kayo sa amin!

Ka Terong : Ihanda ang inyong mga armas! Lalaban tayo!

Sister Inocencia : Paanong kami ang humanda eh iisa lang naman ang kalaban natin!

Carlota : Inocencia naman...

Sister INocencia : BUwisit kasi eh!

Anna : Pahingi ng Baril..

Ka Terong : Ano?

Anna : Pahingi ng baril..

Ka Terong : alam mob a kung ano ang ginagawa at mga sinasabi mo? Pinanghihimasukan mo na ng husto an gaming mga Gawain,isa kang malaking abala!

Anna : patutunayan ko sa inyo sa kahit na anong paraan,na karapat dapat akong tulungan..

Selyo : Isa kang babae..

Anna : Isa akong babae,pero hayan! (itinuro ang kanilang kasamahan) may babae din kayong kasama,hindi ba ako maaaring sumali?

(Inagaw ni Anna ang baril..)

Tamara : Anak! Anna,wag.. pakiusap!

Pisyong : Isang kalapastanganan..

Anna : kailan naging kalapastangan ang pagtulong?

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon