Anna
Genre : Politics,Historical Fiction,Drama,Romance
Kabanata 1 "Kasarinlan o Kasakiman?"
(Taong 2016,ito ang turn over ceremony ng pagbaba sa puwesto ni Anna bilang kauna-unahang babae ng pangulo ng Pilipinas sa edad na 31..)
Anna : Bagama't ako ay napakabata pa para pasanin ang katungkulan ng isang pinuno ng bansa,lumabag man ako sa batas upang makamit ang lahat ng ito,at pinalaya ang bansa sa marahas na paraan,masasabi kong ginawa ko ang lahat upang ibangon sa putikan ang ating inang bayang minsang inabuso ng mga mapagsamantala sa kapangyarihan,sa loob ng anim na taon ng aking panunungkulan. Pilit man nilang sinira ang aking imahe bilang isang huwaran,lumabas naman ang katotohanan,naparusahan ang mga dapat parusahan,at sa akng pagbibitiw sa aking sinumpaang tungkulin,iiwan ko ang isang pamanang uukit ng kasaysayan at isang panahong maipagmamalaki natin sa mga susunod pang salinlahi ng mga Pilipino,at magiging simula ng tuluyang pag-angat ng Pilipinas.
(Pinalakpakan siya at hiniyawan ng mga tao,at binigyan na rin ng standing ovation,habang siya ay bumababa sa tungkulin bilang pangulo ng Pilipinas,pagtungo niya sa Backstage ng Quirino Grandstand,isa isa siyang niyakap nina Tamara,Sister Inocencia at Carlota...)
Tamara : Anna,anak ko..
Anna : Mama.. (hinawakan ang kamay ni Tamara)
Sis. Inocencia : Binabati kita sa mga nagawa mo sa ating bansa sa loob ng anim na taon ng iyong pag-upo sa pwesto...
Carlota : Pinagpala ka ng Poong Maykapal sa iyong mga nagawa,tinulungan ka niya..
Sis. Inocencia : (kinindatan si Sherwin,na may dalang Rosas) Marahil,Anna,ito na ang tamang pagkakataon upang ang sarili mo naman ang iyong isipin..
Anna : Sister Inocencia,ano po ang ibig nyong sabihin?
Carlota : Panahon na upang ikaw naman ang lumigaya..
Tamara : Anna,anak..
(Tumalikod si Anna at nakita niya si Sherwin...Agad siyang nilapitan nito..)
Sherwin : Anna..
Anna : Sherwin? Anong ginagawa mo ditto?
Sherwin : Palalampasin ko ba naman ang sandali ng iyong pagbaba sa katungkulan? Ang pag-iwan mo ng isang pamana sa ating bansa?
(Kinuha ni Carlota ang Bulaklak na dala ni Sherwin at niyakap nito si Anna..)
Anna : Hindi ba sinabi ko naman sa iyo,na kung tayo talaga ay mangyayari ang mga sandaling ito?
Sherwin : Oo,Anna,at masasabi kong sulit ang paghihintay ko..
(Lumuhod si Sherwin sa harap nina Anna at inilabas ang isang Ring Box..)
Sherwin : Anna,will you marry me?
Anna : (Naluluha) Yes,Sherwin,I will marry you..
(NIyakap ni Sherwin si Anna...)
Anna : Mahal na mahal kita,Sherwin..
Sherwin : mahal na mahal rin kita,Anna...
(Napuno ng tuwa at saya ang tagpong iyon sa backstage ng Quirino Grandstand....)
(Ngunit tayo ay magbalik-tanaw sa simula ng kwento ng babaeng minsang umukit sa kasaysayan ng Bansa,taong 1979...)
Arnaldo : Kamusta,eleuterio?
Eleuterio : Eto,ayos lang ako..
Arnaldo : Nasaan ang iyong esposa? Si Donata?
(Dumating si Donata..)
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...