Chapter 50 (Finale) "Ang Huling Pagtutuos"

6.7K 88 32
                                    

Kabanata 50 " Ang Huling Pagtutuos"

(Agad na nilapitan ni Tamara ang kanyang Anak...)

Tamara : Anna,hindi ka na dapat pang makipag-usap sa dimonyong iyan,na walang ibang ginawa kundi ang sirain an gating buhay!

Anna : (Nagpumiglas kay Tamara) Hindi,Mama. Sa huling pagkakataon ay kakausapin ko si Eleuterio...

Sister Inocencia : Magsama ka na lamang ng Security upang masigurong hindi ka sasaktan ni Eleuterio..

Sherwin : Akon a po ang sasama sa kanya.

Tamara : Ipangako mo sa akin na hinding hindi mo hahayaang masaktan si Anna..

Ka Terong : Pumasok nap o kayo sa loob..

(Nagsipasok na sa loob ng isang maliit na kwarto sa presinto ang dalawa,habang naiwang nagbabantay sa labas sina Ka Terong at Sherwin...)

Anna : Tama na,Eleuterio... Tama na. Sa huling pagkakataon ay makikiusap... hindi,inuutusan kita,tigilan mo na ang kasamaan mo!

Eleuterio : Sino ka para pagsabihan ako?

Anna : Para sa ikatatahimik ng lahat...

Eleuterio : Wala kang nalalaman...

Anna : Eleuterio Torres...

Eleuterio : Hindi ako titigil hangga't hindi kita napapabagsak,hangga't hindi ako nakakaganti sa mga ginawa ninyo sa akin ng iyong ama at ina!

Anna : (Naluha) Naririnig mob a ang iyong sarili? Hihintayin mo pa bang buong mundo na ang sumuka sa iyo,at ilagay nila ang batas sa kanilang kamay at ikaw ay parusahan?!

Eleuterio : (Nandilat,tumulo ang luha) Yaman,Kapangyarihan,Katanyagan,iyon ang dahilan ng lahat kung bakit ako nagkakaganito,kung bakit ako nagpakasama! Hindi ka kailanman nagkaraoon ng kahit isa man lamang roon kaya hindi mo ako naiintindihan!

Anna : Wala sa tatlong nabanggit mo ang hawak mo,at kailanman ay hindi mo nahawakan. Ang tanging hawak ng iyong kamay ay dugo at luha ng mga taong nagbuwis ng buhay para lamang masunod mo ang iyong pansariling interes.

(Napayuko si Eleuterio sa sinabi ni Anna...)

Anna : At ang masakit,ay kailangan mo pang saktan ang iyong matalik na kaibigan,ang aking amang si Arnaldo Braganza,masunod mo lamang ang iyong mga gusto. Paulit-ulit mo siyang sinaktan. Naisip mob a iyon?

(Lalong umagos ang luha sa kanilang mga mata...)

Anna : (Lumuluha) Nagsimula ang lahat mula pa noong bata pa kayo ng aking ama,magkababata kayo,halos sabay na lumaki,naligo sa batis,umuuwing marungis ngunit masaya. At ng maging magkaklase kayo,lagi siya ang nangunguna sa klase,palagi kang pangalawa,kasunod nya. Labis mong kinaiinggitan ng palihim ang aking ama.  At lalong kang nagalit sa aking ama ng malaman mong ang iniibig mo,na aking Ina,ay nililigawan ng iyong matalik na kaibigan,itinuring mos iyang karibal. Nagkatuluyan ang aking mga magulang,kaya inipon mo ang lahat ng iyong hindi makadahilanang galit at inggit. Lumipas ang ilan pang mga taon ay nagkaroon ng eleksyon,doon mo sinimulan ang iyong paghihiganti,dinaya mo si Papa,at ng ibinulgar niya iyon,inilayo mo ako sa kanya. Makalipas ang ilang taon,Presidential Elections na,nakipagsanib pwersa ka kay Papa,ipinapatay mo siya matapos nyang manalo,nagdeklara ka pa ng Martial Law upang manatili sa pwesto,kung tutuusin ay sobra sobra ang paghihiganti mo sa aking ama,napakaraming nadamay. Kung naiinggit ka kay Papa,sana ay nagsumikap ka na lamang na higitan siya sa paraang hindi ka nananakit,pero hindi,sarili mo lamang ang iyong inisip. Ngayon alam mo na kung ano talaga ang hawak ng mga kamay mo. Luha at Dugo ng mga inosenteng taong nagbuwis ng buhay para lamang sa iyong pansariling kagustuhan. Sana,sa pag-alis ko sa iyong harapan,ay sumuko ka na,pagsisihan mo ang lahat ng iyong kasalanan. Hindi ko hihinging lumuhod ka sa aking harapan,tao lamang ako,kaya kitang patawarin,kung magsisisi ka.

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon