Kabanata 20 "Karahasan"
PAUNAWA : Ang Babasahing ito ay RATED SPG,Striktong Patnubay at Gagay ng Magulang ang Kailangan,Maaaring may maseselang TEMA,LENGGWAHE,KARAHASAN,SEKSUWAL,HORROR O DROGA NA HINDI ANGKOP SA MGA BATA.
Ang SPG rating na iyan po ay dulot ng Napakasensitibong Tema ng kabanatang ito,maaaring ma-confuse ang mambabasa na baka akalain nila na ang Kuwentong ANNA ay hinango sa Kasaysayan ng Pilipinas.
Muli ay akin pong inuulit,Bagama't ang mga pinagbabasehan ko ng mga pangyayari at kaalaman ay galling sa 1987 Philippine Constitution,Law Books ng Pilipinas,Kasaysayan at Political Science,ang lahat ng pangyayari at mga mangyayari pa sa hinaharap,ay pawang KATHANG ISIP LAMANG ng may akda,anumang pagkakahawig nito sa mga Bagay,Pangyayari o maging sa tao,buhay man o Yumao ay HINDI SINASADYA ng manunulat.
(Sa kauna-unahang pagkakataon,bilang acting President of the Philippines,ay lumabas na sa Media si Eleuterio Torres..)
Eleuterio : Bilang ako po ay kapanalig ng ating yumaong Pangulong Arnaldo Braganza,nasasaktan po ako sa mga bali-balita na ako daw diumano ang utak sa pagpatay sa kanya,Bagama't hindi ko nagustuhan ang inasal sa akin ng dating Unang Ginang Tamara Braganza,pinili ko pa rin ang manahimik bilang isang propesyonal,isang huwaran sa taumbayan at sa bansang aking nasasakupan,at lalong bilang ako ay isang inosente sa nasabing pagpatay,kaya hindi nap o ako magpapaliguy-ligoy pa,para sa hustisya sa pagpatay sa ating minamahal na Pangulong Braganza,at sa kapakanan ng inang Bansa,ako,si Eleuterio Torres,ang Acting President of the Republic of the Philippines is declaring MARTIAL LAW.
(Ito ang gumimbal sa buong Pilipinas,natatakot ang sambayanan na maulit ang bangungot na minsang gumambala sa kanilang kapayapaan. Matapos ang Pagdeklara ng Batas Militar,sari saring mga Pambabatikos ang naglabasan...)
Tamara : (Pinatay ang TV) Paano na tayo ngayon? Wala na tayong kapangyarihan pa para labanan sila..
Sister Inocencia : Mauulit na naman ba ang Nangyari noon? (Nag Sign of Cross)
Anna : Mama..
Drew : Mama..
Carlota : Ngayong dineklara na ni Acting President Eleuterio Torres ang Martial Law..
Tamara : Hindi na ako makapaghintay sa hustisyang dapat na makamit ng aking asawa..
Sister Inocencia : Paano nyo naman po ba nasabing si Vice President Torres nga ang utak sa pagpatay kay Pangulong Braganza,ipagpalagay po ninyo na hindi lumapit sa inyo ang manghuhulang si Madam Sarah?
Tamara : (May pinipilit na inaalala) Parang.. Tama! Nasa Washroom ako,nang may biglang pumasok na lalake sa Ladies' Washroom,narinig ko na bilisan daw at paputukan nan g baril..
(Nagkatinginan ang lahat sa sinabi ni Tamara..)
Carlota : Ma'am Tamara,sigurado po ba kayo sa narinig ninyo?
Tamara : Hindi ako maaaring magkamali...
Anna : Mama,hindi ninyo naman nakita kung sino diba?
Tamara : Hindi k nakita,pero nabosesan ko siya..
Nicos : Sino naman po?
Drew : Kaninong boses ang narinig mo?
Tamara : Hindi ako maaaring magkamali,siya nga ang tinutukoy ko,si Eleuterio!
Carlota : Ma'am?
Tamara : Hindi pa ba sapat ang mga testimonya ko,pati na ang pahayag ni Sarah?
BINABASA MO ANG
Anna
FanficGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...