Chapter 43 "Ang Pagsiwalat ng Pakay ni Eleuterio"

2.9K 22 2
                                    

Kabanata 43 "Ang Pagsiwalat ng Pakay ni Eleuterio"

Anna : Mama,gusto ni Eleuterio na makipag-ayos sa atin...

Tamara : (nagulat) Anong sinabi mo?

Anna : Oo,Mama,nanggaling kami sa Bahay ni Eleuterio..

Tamara : (Napatakip ng bibig) Anna...

Anna : Mama...

Tamara : Hindi ako makapaniwala.. hindi ka ba nila sinaktan?

Anna : Hindi po,Mama...

Sister Inocencia : Ano naman ang dahilan ni eleuterio para makipag-ayos sa atin?

Anna : Ayaw na raw niya ng gulo..

Tamara : Hindi ako kailanman maniniwala sa taong halang ang kaluluwa..

Anna : Mama...

Tamara : Alam mo na ang kasagutan ko,hindi ko na kailangan pang magsalita...

Anna : Kaya nga po pinag-iisipan kong maigi..

Carlota : Pero mahirap na magkamali ka sa pagpapasya sa bagay na iyan,Anak...

Anna : Inay Carlota. Kaya nga ako humingi ng palugit para pag-isipan ang kanyang alok..

Tamara : Alalahanin mo,binigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng iyong Ama,pero anong ginawa nya? Ipinapatay niya si Arnaldo!

Anna : Ngunit atin ring pakaisipin,sina Secretary Modesto at Senate President Alcantara ay dating tagasuporta ni Torres..

Tamara : Anak,nag-aalala lamang ako na pati ikaw ay traydurin ni Eleuterio..

Anna : Hayaan nyo po sana akong magdesisyon nang hindi nagbabase lamang sa emosyon kundi sa mas kritikal na pag-iisip.

(Napabuntong hininga lamang si Tamara...)

Tamara : Anak,hindi lamang ang emosyon an gating pinagagana,natural lamang na may utak rin.

Sister Inocencia : Hayaan po natin sanang makpag-isip si Madam President..

Carlota : Sana sa pagpapasya mo ay hindi mo iyon pagsisihan. Basta lagi lamang kaming narito sa tabi mo,Anak..

Anna : Salamat po..

Sister Inocencia : Lalabas na kami...

(Lumabas na sina Tamara...)

Sister Inocencia : Alam mo parang gusto ko ng maniwala sa hula ni Madam Sarah..

Tamara : Tama ka,Sister...

Sister Inocencia : Hindi ko gusto ang kabog ng dibdib ko noong sinabi ni Anna na si Eleuterio ang nagdonate ng halos kalahati ng blood money nung OFW...

Carlota : Oo nga eh,napakalaki ng dahilan natin para magtaka.

Sister Inocencia : Pero hindi mo rin maaalis sa akin na dapat lamang na bigyan ni Anna ng Pangalawang pagkakataon si Eleuterio,malay natin magbago na nga siya ng tuluyan?

Tamara : Mali ang diktahan ko siya base sa emosyon,dahil hindi lamang puso ang ginagamit sa pagpapatakbo ng bansa. Ngunit kung ako ang tatanungin,ayokong patawarin ni Anna si Eleuterio,kung maaalala natin,silang mga Torres ang sumira sa aming pamilya,ang naglayo kay Anna sa amin,at ang pagkamatay ni Arnaldo...

Carlota : Nauunawaan namin,Lady Tamara...

Sister Inocencia : Hintayin na lamang natin ang mga susunod na mangyayari,diyos lamang ang nakakaalam..

(Sa mansion naman nina Torres...)

Donata : Hinding hindi ko malilimutan ang panghihiya mo sa akin sa harapan ni Anna!

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon