Kabanata 18 "Ang Pagsiwalat ng Katotohanan"
Paunawa : Ang susunod na babasahin ay Rated SPG,Striktong Patnubay at Gabay ng Magulang ang kailangan,maaaring may maseselang TEMA,LENGGWAHE,KARAHASAN,SEKSUWAL,HORROR O DROGA na hindi angkop sa mga batang mambabasa..
Ang SPG rating na iyan ay hindi trip,kundi sa taglay na karahasan ng Kabanatang ito..
(Habang nagtatalumpati na si Pangulong Arnaldo Braganza sa kanyang SONA,ay nagkukuwentuhan si Anna at ang kanyang mga kaanak...)
Anna : Ang saya-saya kop o inay,Sister,na naririto ako ngayon sa unang SONA ni Pangulong Braganza...
Carlota : May mas malalim pang dahilan kung bakit kailangang nandito ka,Anna..
(Hinawakan ni Nicos ng mahigpit ang kamay ni Anna..)
Anna : (Nagtataka) Nicos? Ang sakit.. ang kamay ko.. Bakit ang higpit ng hawak mo?
Sister Inocencia : Anna,ang tunay mong mga magulang..
Anna : (nanlaki ang mata) Bakit po,Sister Inocencia? Ano'ng tungkol sa aking mga magulang?
Nicos : Alam namin kung sino..
Anna : (naluha) Nicos,anong biro ito?
Carlota : Napakatagal naming inilihim ang lahat ng ito sa iyo.. (hinawakan ang kamay ni Anna)
Anna : Ano po? Matagal po kayong naglihim sa akin?
Sister Inocencia : Naaalala mo noong itinakas kita sa Hospicio de Santa Isabel?
Anna : Sister,wag nyo nang paikut-ikutin pa...
Sister INocencia : may gustong pumatay sa iyo..
Anna : Ano po?!
Sister Inocencia : Naaalala mo noong nagkasunog sa Ampunan?
Anna : Wag po ninyong sabihing..
Carlota : Oo,Anna,Sinadya ang lahat ng iyon. Pinlano. Maging ang pagkakapunta mo sa Hospicio... (Naluha)
Anna : Paanong Pinlano? Diyos ko ano ba ang nangyayari?! Bakit ngayon nyo lang sinabi sa akin ang lahat ng ito?
Sister Inocencia ; (Naluha) Natatakot kaming magalit ka sa amin,itakwil mo kami,isumpa mo kami..
Anna : at ikaw Nicos,may alam ka na pala tungkol sa aking tunay na pagkatao,ni hindi ka mang lang nagsalita o kinausap ako?! Ang tagal na ninyo akong niloloko..
Carlota : Anak,patawarin mo kami kung nagawa naming maglihim sa iyo,ngunit gusto ka lamang naming protektahan laban sa mga gustong manakit sa iyo,kaya nanatili kaming tahimik...
(samantala,sa may tagong bahagi ng Batasang Pambansa..)
Lazaro : (Sinagot ang cellphone) hello,sir?
Eleuterio : (Kabilang Linya) Bilisan mo nagkunwari lamang akong nasa CR! Ano na?! ANo pang ginagawa ninyo?! Barilin nyo na si Arnaldo!
(Hindi niya alam na nasa loob ng saradong Cubicle ng CR si..)
Tamara : Diyos ko...
(Nanlaki ang mata ni eleuterio saka biglang tumakbo palabas ng CR,at siya namang labas ni Tamara..)
Tamara : Diyos ko,wag nyo lamang pong ipahintulot na may mangyaring masama sa aking asawa.. (Umiiyak)
(At kasabay ng sigaw na iyon ni Tamara ay..)
Carlota : Ang iyong mga magulang ay sina..
Anna : Sino po?!
(Biglang umalingawngaw ang sunod sunod na putok ng Baril..)
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...