Chapter 17 "Ulat sa Bayan"

4.2K 24 1
                                    

Kabanata 17 "Ulat sa Bayan"

(Humarap na sa Press si Pangulong Arnaldo Braganza,kaugnay sa kanyang pamumuno sa nakalipas lamang na Siyam na buwan. Iniinterview siya patungkol sa gumagandang Kalagayan ng pilipinas...)

Arnaldo : Masaya ko pong ibinabalita sa inyo na sa kabila ng aking tumataas na Popularity Rate ay hindi lamang ang aking popularidad bilang isang pulitiko ang lumalago,kundi ang Ekonomiya din ng ating mahal na Bansa. Sa nakaraang siyam na buwan ng aking pamamahala sa Pilipinas,Tumataas na ang estado n gating ekonomiya,patuloy sa pagbaba ang Inflation Rate,hindi na masyadong magalaw ang presyo ng bilihin sa ating bansa,unti unting bumababa ang presyo n gating mga Basic Needs,Ang Tinapay,Bigas,Mantika,Karne at iba pa nating mga kinakailangan para sa pang-araw araw na pamumuhay ay naaabot na natin ng paunti unti. Maging ang Unemployment Rate sa ating bansa ay pababa na rin ng pababa. Biglang bigla din ang pagbaba n gating level sa pagkasama sa mga Most Corrupt Countries sa Asya,na mula sa Pang-25 bago ako maupo,ay bumaba sa Pang-43. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi rin sa pananalig ng taumbayan at sa kanilang pagtulong sa iba't ibang paraan. ALam ko na hindi pa ninyo ramdam ang lahat ng aking sinasabi,ngnit kaunting tiis na lamang po,aking minamahal na mga kababayan,mararamdaman na natin ang unti-unti nating pag-unlad..

(Habang nakatelevise ito,napapanood din ito nina Eleuterio at Donata,pinatay ni Eleuterio ang TV..)

Donata : Bastos ka naman,nanonood ako noh bakit mo pinatay?!

Eleuterio : Naiinis ako! (Binato ang Baso,nabasag)

Donata : ANo ba ang problema mo at nagkakaganyan ka?

Eleuterio : Ewan ko basta naiinis ako sa kanya! Lagi na lamang Arnaldo,Arnaldo,lagi na lamang siya ang magaling!

Donata : Ay,Insecure?

Eleuterio : Shut Up...! (Ibabato ang baso)

Donata ; Sige! Babatuhin mo ako ng baso?! Alam mo wala namang ibang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito kundi ang sarili mo,Ikaw mismo! Nakipagsanib pwersa ka sa kaaway mo tapos magngangangawa ka diyan!

(Ibinato na lamang ni eleuterio ang baso sa sahig..)

Eleuterio: Hayop ka,Arnaldo,Hayop Ka!

Donata : Kung ako sa iyo,mahal kong Vice president,maghanda ka na,dahil tatlong buwan na lamang ay State of the Nation Address na ni President Arnaldo Braganza. Baka Masapawan ka na naman niya doon..

(Umalis na lamang si Donata. Samantala,ang First Family naman..)

Arnaldo : Mayroon sana akong pinaplano..

Drew : Tungkol po saan Papa?

Arnaldo : Sa aking magiging Pinakaunang State of the Nation Address..

Tamara : Anong Klaseng plano naman ba iyan?

Arnaldo : Gusto koi tong paghandaang maigi..

Tamara : Anong klaseng paghahanda naman iyon?

Arnaldo : Gusto ko na mas Malaya itong mapanood ng mga tao.

Drew : ANo po ang ibig ninyong sabihin Papa?

Arnaldo : Gusto kong ideliver ang aking kauna-unahang SONA sa isang lugar na mas mapapanood ng Live ng Tao,gusto ko na Personal kong maipaaabot sa kanila ang aking magandang Mensahe .

Tamara : You mean..

Arnaldo : Yes,my dear,Hindi sa Batasang Pambansa magaganap ang aking SONA..

Drew : kung ganoon papa,Saan?

Arnaldo : I am Thinking of some place na malawak.. kagaya ng Quirino Grandstand..

Tamara : Pero hindi ba nakasaad din sa mga Provisions na sa Batasang Pambansa lamang ginaganap ang State of the Nation Addresses ng mga Pangulo?

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon