Chapter 29 "Ang Pagbabago ng Kasaysayan"

3.6K 19 3
                                    

Kabanata 29 "Ang Pagbabago ng Kasaysayan"


(Dumating na sa Headquarters ng Bagong Pilipinas si Anna...)

Anna: nasaan na ang aking Newly-appointed secretary?

Amador: Ako na mismo po iyon, Ma'am Anna.

Anna: very Good. If that's so, kahit paano ay mas may karanasan sa pulitika ang aking magiging gabay. I-set mo ang ating Miting de Avance sa araw matapos ang sa makalawa.

Amador: Masusunod po, Ma'am Anna.

Anna: Senator Fernando Alcantara, ilan na ang nakalap mong ating magiging Senatorial Line-up candidates?

Fernando: Kulang pa po tayo ng apat.

Anna: Madaliin na natin iyan.

(Biglang dumating si Sherwin...)

Sherwin: Magandang Balita po, Lolo, Ma'am Anna. Pumayag na ang ating mga nililigawang kandidato na tumakbo para sa ating Senatorial Line-up.

Anna: (Humigpit ang Kapit sa Rosaryo) Diyos ko, Maraming salamat po.

Ka Terong: Ma'am Anna,  may bisita po kayo.

(At iniluwa ng pinto si...)

Anna: Jomar?

Jomar: It's a little bit awkward, pero naparito ako upang ibigay ang aking suporta sa inyong pangangampanya.

(Nakatingin sina SHerwin, Fernando, Amador at Ka Terong kay Jomar...)

Sherwin: Patawad po, Ms. Anna pero...

Amador: Hijo, umalis ka na dito, Alam naming mata ka ng mga magulang mo dito.

Fernando: Hijo, please leave before something happens.

Jomar: Handa akong sumama sa anumang Propaganda ninyo laban sa Pamahalaan. Hindi ko masikmurang makita ang bansang nalulugmok maski na magulang ko pa ang dahilan noon. Mas maigi pang putulin ko na ang pagiging mag-pamilya namin kaysa kunsintihin ang mga bagay na hindi makatarungan at makadahilanan.

Anna: (Iniabot ang kamay kay Jomar) Para sa Bagong Pilipinas.

Fernando: Pero Ma'am Anna?

Anna: Kilala ko si Jomar. Hindi halang ang kaluluwa niya tulad ng magulang niya.

Jomar: Salamat sa pagtanggap ninyo sa akin, Ma'am Anna, bilang bago ninyong kaalyado. Pero may hihingiin sana akong pabor sa inyo.

Anna: Ano iyon?

Jomar: Ianunsyo ninyo ngayon sa Press na kapanilig ninyo ako, na anak ng inyong makakalaban na si Presiedent Eleuterio Torres.

Fernando: Ano? Bakit?

Jomar: (Napayuko, Naiyak) Gusto kong malaman nila ang ginawa ko dahil gusto kong ipamukha sa kanila na napakasama nila. Na hindi na nila ako inisip, ako na anak nila. Ilang beses ko na silang sinabihan na itigil na ang lahat ng ito dahil hindi na makatarungan ang kanilang paghihiganti, na hindi lang kayong mga kagalit ninya ang mas nasisira kundi ang bayan.

(Tahimik lang ang lahat sa loob ng kuwarto habang inilalabas ni Jomar ang kanyang sama ng loob...)

Jomar: Of course nagiguilty ako dahil magulang ko ang kinakalaban ko, but what I am doing is only for their own good.

Anna: Natural lamang iyan, pamilya natin sila kaya natural lamang na kung mayroon silang mali ay itama natin sila. Patunay lamang na hindi lahat ng magulang ay perpekto pero maitatama natin sila sa kanilang mga mali.

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon