Chapter 11 "Ang Nalalapit na Halalan"

3.5K 24 5
                                    

Kabanata 11 "Ang nalalapit na halalan"

Carlota : Ayun sa labas..

(Sumilip si Anna..)

Elaine : Si Nicos? Anyareh?

(dali-daling binuksan ni Sister Inocencia ang gate...)

Sister Inocencia : Good Morning Hijo..

Nicos : Ano ba,Anna,Elaine? Kanina pa ako naghihintay sa labas!

Anna : Nicos? Nandito ka na naman?

Nicos : O,e Anong problema doon?

Carlota : Ikaw namang bata ka,Anna,nagmamagandang loob lang naman si Nicos para sunduin ka.. Buti nga ay sinusundo ka ng de-kotse eh..

Anna : Inay naman eh..

Elaine : Tara na,Mainit na eh.. masarap sumakay sa de-aircon na sasakyan..

Anna : Elaine?!

Elaine : (hinila si Anna) Tara na,malelate na tayo sa school magdedefend pa tayo ng Term paper natin..

Nicos : Akin na ang gamit mo.. (kinuha ang mga bitbit ni Anna)

Anna : Nicos...

(nagmamadaling pumasok si Elaine sa kotse ni Nicos... pagkapasok niya sa likuran ng kotse ay inilock niya ito..)

Anna : Elaine... (kinakatok ang pinto ng kotse) Buksan mo ang pinto Elaine!

(Binuksan ni Nicos ang pinto ng Kotse sa unahan..)

Nicos : Pumasok ka na..

(Nakasimangot na pumasok si Anna sa kotse..)

Elaine : Uy... Tabi sila ni Nicos..

Anna : Naglock ka pa,para ditto talaga ako mapaupo ano?

Elaine : Lets just say... oo,sinadya ko.. (tumawa)

Nicos : Anna naman,dalawang taon na tayong ganito,hindi ka pa ba nakakahalata?

Anna : Na Ano?

Nicos : 1994 tayo nagkakilala sa school,1995,1996.. 1997 na..

Anna : Ano ba nangyayari sa iyo? Nagka-countdown k aba hanggang 2000?

Nicos : Hindi mo talaga napapansin?

Anna : Ewan ko sa iyo...

Elaine : Ay.. ang arte?

(Samantala,isang umaga sa bahay naman ng mga Braganza..)

Drew : Mama..

Tamara : Drew... (hinimas ang puntod sa harap ng kanilang bahay) ilang taon na rin matapos kong ipagawa ang lapidang ito..

Drew : Sino po ba talaga si Anna? Bakit po hindi man lang kami nagkakilala ni Ate?

Tamara : Hindi ko alam,kung bakit siya inagaw sa akin ng tadhana (Umiyak)

Drew : (Niyakap si Tamara) Mama..

Tamara : Hindi ko malaman kung ano ba ang naging kasalanan ko,o ng iyong papa kung bakit kailangan pang si Anna ang maging kabayaran..

Drew : Tama nap o,Mama..

Tamara : Drew.. May pag-asa pa kayang makita ko ang Ate Anna mo? May pagkakataon bang mabubuwag ko itong puntod na walang laman ngunit aking iniiyakan?

Drew : Wala namang laman ang puntod na iyan,wala pang bangkay na nahahanap,pero mama,may iniwan ka bang kahit ano sa kanya?

(Biglang may bumalik sa gunita ni Tamara...)

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon