Kabanata 44 "Kapatawarang Igagawad"
Anna : Mayroong nagbigay sa atin ng petisyong bigyan ng Presidential pardon ang dating Diktador at Pangulong si Eleuterio Torres,at iyon ay ipinasuri ko munang maigi sa legislative department n gating pamahalaan. Bago ko gawin ang pasyang ito ay siniguro ko munang walang masasagasaang mga tao,institusyon o kung ano o sinuman sa pagbaba ng aking pasya.
Fernando : Nabanggit mo ang mga katagang "Walang Masasagasaan",Madam President,paano naman kayo na nasira ng dahil sa kanya? Hindi po ba kayo nasagasaan sa ginawa ninyong pasya?
Tamara : Senator Alcantara,kung ako ang tatanungin,nasagasaan kami ng husto sa desisyon ng aking anak. Ngunit wala akong karapatang pakialaman ang kanyang mga desisyon bilang pangulo ng pilipinas.
Anna : Sa mga susunod na araw ay asahan nyo na ang araw-araw na balita tungkol sa pagproseso ng paglaya ni Eleuterio Torres..
Amador : Ilang araw nyo pong pinag-isipan ang desisyon nyo patungkol ditto?
Anna : Matagal-tagal rin. Alam naman nating lahat na sa bayan at sa diyos,higit sa akin,siya ay nagkasala. Mapapatawad ko ang pagsira nya sa aking pamilya at ang pagpatay sa aking ama,ngunit hinding hindi ko kailanman mapapatawad ang ginawa nyang katampalasanan sa bansa. Ngunit sa mga nakaraang taon na siya ay nakapiit under House Arrest,nakita ko ang kanyang mga effort upang makuhang muli an gating tiwala. Kayo na rin mismo ang nagsabi sa akin,siya ang nagdonate ng halos kalahati ng funds para sa blood money na ipantutubos natin kay Henrietta Leviste. Bukod doon ay marami rin akong ikinonsidera bago ko gawin ang pasyang ito na babago sa ating bansa.
Sherwin ; Sa tingin po ba ninyo,Madam President,ay hindi ninyo pagsisisihan ang inyong utos na ayusin na ang ipapataw na Presidential Pardon kay Dating Pangulong Eleuterio Torres?
Anna : Hindi naman siguro..
Fernando : Wag tayong pakasisiguro....
Anna : Ano ang ibig mong sabihin,Senator Alcantara?
Fernando : We all know kung gaano katuso si Eleuterio Torres.
Anna : Tingin ko naman ay hindi na siya gagawa ng kalokohan sa pagkakataong ito..
Sister Inocencia : Mahirap magsabi ng tapos,Madam President..
Anna : Ipagpapasadiyos ko na lamang siya,kung ganoon nga ang mangyayari...
Amador : So paano ang mangyayari ngayon?
Anna : Secretary Modesto,bilang aking kalihim,ikaw ang aatasan kong maging pinuno ng pag-ayos sa pagbibigay ng Executive Clemency kay Eleuterio Torres...
Amador : Masusunod po,Madam President..
Anna : At kayo na rin ang bahalang magparating nito sa Media. Bilang bahagi ng aking pamahalaan,hinihingi ko ang inyong suporta sa aking desisyon. Alam kong napakalaking pagbabago ng kayang gawin ng aking pasyang patawarin si Eleuterio Torres. Anuman ang mangyayari,hanggang sa matapos ang aking termino bilang pangulo ng bansa,tulungan nyo pa rin akong magpasya sa mga bagay na napakahirap timbangin.
(Tahimik lamang ang kapulungan sa meeting na iyon...)
Fernando : Opo,Madam President...
(Mabilis ngang naipahayag ang balitang iyon... at nakarating na rin iyon maging sa mga Torres..)
Donata : narinig mo na ba ang balita?
Eleuterio : Tungkol ba sa Executive Clemency na ibibigay sa atin ng Pangulo?
Donata : Of course! May iba pa bang Trending na balita aside form that?
Eleuterio : Kaya ngayon alam mo na ang dahilan kung bakit ako makikipagtulungan kay Anna..
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...