Chapter 13 "Ang Paghahanda para sa Halalan 1998"

4.3K 27 1
                                    

Kabanata 13 "Ang Paghahanda sa Halalan 1998"

Nicos : Anna..

Anna : O,bakit ka nandito?

Nicos : kasi..

Anna : bakit ka may dalang flowers?

Nicos : Anna.. Will you be my girlfriend?

Anna : Ha?

Sister Inocencia : Sagutin mo na..

Carlota : Payag na kami na magboyfriend ka,graduate ka na naman ng kolehiyo eh..

Elaine : Sumagot ka na,sinabi mo na kasi sa akin dati na..

Anna : (Tinapakan ang paa ni Elaine)  Shut up..

(Lumuhod si Nicos sa harapan ni Anna..)

Nicos : Once and for all,for the very last time,will you be my girlfriend?

(Naluha nan g tuluyan si Anna..)

Anna : Nicos..

Carlota : Sige na anak..

Anna : Yes,I can be your girlfriend..

(Napahiyaw si Nicos sa tuwa,ngunit walang nakapansin sa kanya dahil na nga rin sa ingay ng mga tao sa auditorium..)

Nicos : Pangako ko sa iyo,Anna,hinding hindi mo pagsisisihan ang sagutin ako.. (Hinawakan sa kamay si Anna)

Sister Inocencia : Anna,Nicos..

Anna : Nicos..

Nicos : bakit,Anna?

Anna : Hindi ako makapaniwala,hanggang sa ngayon na darating ang araw na ito...

Carlota : Anak,nakapagtapos ka na,kaya panahon na para ang sarili mo naman ang iyong paligayahin..

Elaine : Alam ko naman,at alam namin lahat ditto na magiging masaya ka kay Nicos..

(Niyakap ni Nicos si Anna..)

Nicos : Mahal kita Anna

Anna : Nicos,mahal na mahal din kita..

(At ang yakap na iyon ang naging simula ng gabing nagpasaya kina Anna at Nicos. Samantala,sina Eleuterio at Donata naman..)

Donata : March na,2 months to go na lang ay eleksyon na..

Eleuterio : Ano naman ang ibig mong sabihin,Donata?

Donata : Talagang go,go,go na ang pakikipagkampi mo sa ahas?

Eleuterio : May mga benefits din tayong makukuha sa pakikipagkampihan sa kanya..

Donata : Wow,Friends with benefits...

Eleuterio : Siyempre,pagkatapos pakinabangan ay itatapon..

Donata : Parang basahan?

Eleuterio : yes,My dear..

Donata : Masisikmura ko ang ginawa mo,because that is politics,kaaway mo ngayon,kakampi mo bukas,but I cant imagine myself talaga na makipagsocialize sa isang taong certified na nag-originate sa pusali kagaya ni Tamara.. Ewwness,next to yuckiness,next to bahoness!

Eleuterio : Pero alalahanin mo,may pera sa basura..

Donata : In fairness,may tama ka..

Eleuterio : Nga pala,bukas ay Miting de Avance na ng Partido Filipino,gusto ko na magbihis ka ng maganda..

Donata : No need,my dear husband.. Bakit pa ako magbibihis ng maganda kung pahahawakin mo lang naman ako ng basura?

Eleuterio : (Galit) Donata?

AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon