Kabanata 2 "Ang Lagablab ng Halalan"
Paunawa : Ang susunod na babasahin ay Rated SPG,Striktong Patnubay at Gabay ng Magulang ang kailangan,maaaring may maseselang TEMA,LENGGWAHE,KARAHASAN,SEKSUWAL,HORROR O DROGA na hindi angkop sa mga batang mambabasa..
Ang SPG rating na iyan ay hindi trip,kundi sa taglay na karahasan ng Kabanatang ito..
(At natupad na nga ang nais ni Eleuterio,naipasunog niya ang Munisipyo ng Santa Catalina habang siya ay nasa di kalayuanâ¦)
Eleuterio : (Nasa sasakyan) Wala ng makakapagbulgar ng lihim na ito,dahil ang katotohanan ay maaabo na kasama ng mga Balotang iniwan ko sa kisame ng kapitolyo (Sa isip)
Temyo : Mayor,ang munisipyo,nasusunog!
Eleuterio : Ano?!
Temyo : Mayor,ano po ang gagawin natin?!
Eleuterio : Ihinto mo ang sasakyan,ngayon rin mismo!
Temyo : Opo,Mayor.. (inihinto ang sasakyan)
(Nakamasid lamang si Eleuterio sa nasusunog na munisipyo ng kanilang bayan..)
Temyo : Mayor,hindi po ba tayo tatawag ng mga pulis?
Eleuterio : Hindi Temyo,hayaan nating ang mga pulis ang mag-imbestiga tungkol sa pinasunog na kapitolyo ng Santa Catalina..
Temyo : Pero Mayor,banta poi yon sa inyong buhay..
Eleuterio : Magtiwala ka lang,Temyo..
(Ngunit mayroong hindi inaasahang mangyayari kinaumagahan..)
Donata : Honey,ano ang nangyari sa munisipyo ng Santa Catalina? Sino naman ang mangangahas na sunugin iyon?
Eleuterio : Hindi ko alam..
Donata : Magaling kang umarte ha? Akala mo hindi ko alam?
Eleuterio : Will you please shut up Donata? Paano na lang kung may makarinig sa iyo?
Donata : Sinasabi ko na nga ba,Honey,soulmates tayo,weâre meant to be together,pareho tayong mas tuso pa sa ahas at mas masama pa kay Satanas..
Oreng : Wag po,wag po kayong pumasok ditto!
Donata ; Hoy,oreng,ano bang ingay yan? Kaaga-aga ang saki sakit sa tenga ng bunganga mo!
Oreng : Mam Donata,mga pulis po..
Donata : Anong Pulis?! Sa pagkakaalam ko,ang bahay na ito ay hindi hang-out tambayan ng mga criminal!
(Lumabas si Donata sa sala ng bahay nila..)
Donata : Oh Sarhento,ang aga mo yata..
Spo1 Tan : Hndi na po kami magpapaligoy-ligoy pa,may dala po kaming warrant of arrest para kay Mayor Eleuterio Torres..
Donata : Ano? Pakiulit mo nga ang sinabi mo?
Spo1 Tan : Hinuhuli po namin si Mayor Eleuterio Torres sa kasong paglabag sa Chapter 8 Article 321 ng Republic Act no. 3815 at Presidential Decree No. 1613 o ang Law on Arson,..
Donata : Mga Walang hiya kayo! Ang kakapal ng mga mukha ninyong mga Pulis lang kayo,na hulihin ang esposo ko,hindi mob a kilala ang hinuhuli mo? Siya ang Punong Bayan ng Santa Catalina,SI Mayor Eleuterio Torres!
SPo1 Tan : Sumama na lang po kayo sa amin,Mayor..
Donata : (DUmating galling sa Kusina,hawak ang patola at inihampas sa mukha ng mga Pulis) Mga Walang hiya kayong mga Pulis patola kayo! Ayan ang mga katulad ninyo! (idinuro-duro ang patola sa mukha ng mga Pulis) Ang lalakas ng mga loob ninyo na dakpin ang asawa ko! Wala pang mumog-mumog ang mga tao rito sa bahay na ito,wala pang agahan,iyan ang ipaaalmusal ninyo sa amin mga Pulis Patola kayo! Mga wala kayong utang na loob! Kung hindi rin naman sa taong hinuhuli ninyo ay mukhang urinal pa rin ang mga presinto ninyo! Ingrato!
BINABASA MO ANG
Anna
FanfictionGenre : Historical Fiction,Politics,Drama,Romance Mahigpit na magkalaban sa Pulitika sina Arnaldo Braganza (Robert Sena) at Eleuterio Torres (Mark Gil),at ng ibulgar ng Arnaldo ang pandaraya ni Eleuterio ay natanggal siya sa Pagka-Alkalde ng kanilan...