"Gusto ko nang umuwi."
Walang araw na hindi ko hiniling na sana makauwi na ako. Hindi ko na matandaan kung gaano na kami katagal dito. Hindi ako makalabas, daig ko pa ang bilanggo.
"Jen, ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na hindi pwede?"
"Ano bang kailangan kong gawin para kausapin mo ako nang maayos? Ipaliwanag mo lahat, baka sakaling maintindihan ko."
"Wala akong dapat ipaliwanag."
"Hanggang kailan mo ba ako balak ikulong dito?"
"Hanggang sa maging ligtas ka na."
"Palagi mo na lang sinasabi 'yan."
Pagkatapos ng insidente sa bahay ni lola nagising na lamang ako sa ibang kuwarto, ibang bahay, ibang lugar? Ni minsan hindi pa ako nakalabas sa bahay na 'to. Sinubukan ko na ring tumakas at hindi naging maganda ang kinalabasan. Sa takot niya na tumakas ulit ako, nagdagdag siya ng security.
"Trust me, Jen. Kapag bumalik na sa ayos ang lahat uuwi rin tayo."
"Gusto ko lang makita sina mommy at daddy."
Hindi siya sumagot. Lumabas siya nang kuwarto at naiwan na naman akong mag-isa.
Bahagya kong hinawi ang kurtina ng kuwarto at sumilip ako sa bintana. Marami pa ring bantay. Wala talagang pag-asa na makatakas ako rito. Kung makaalis man ako, saan ako pupunta? Hindi ko alam kung anong lugar ito at baka ikapahamak ko pa.
Kumusta na kaya sina mommy at daddy? Si Lola? Si Lisa?
Kahit paulit-ulit niyang sinasabi na wala akong dapat ipag-alala dahil ligtas naman sila, hindi ako matahimik. At hangga't hindi ko sila nakikita hindi ako makakampante.
"Bumaba ka na, kakain na tayo."
Hindi ko namalayang bumalik na pala siya. Masyado sigurong lipad ang isip ko at hindi ko nakitang nakapasok na siya sa loob ng kwarto.
"Wala akong gana," tipid kong tugon.
"Kailan mong kumain."
"Mamayang gabi na lang siguro."
"Kumain ka. Lalabas tayo."
Para akong nabuhayan ng dugo dahil sa sinabi niya. Ngayon pa lang ako makakalabas sa tinagal-tagal ko na rito.
"Wag mong iisiping tumakas ulit. Hindi mo na magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo kapag nagtangka ka," pagbabanta niya bago niya kinabig ang pinto.
Nagpalit muna ako ng damit bago lumabas ng kuwarto.
Nadatngan ko siyang nakaupo na at kumakain.
"Hindi mo na ako nahintay."
"Ang bagal mong kumilos. Gutom na gutom na ako."
Napapansin kong madalas gabi na siyang umuuwi. Halos wala rin siya kahit weekends.
"Okay ka lang ba?" tanong ko bago ako nag-umpisang maglakagay ng pagkain sa pinggan.
"Okay lang. Marami lang inaasikaso."
"Magpahinga ka naman."
"Hangga't hindi namin nasisiguradong ligtas ka, hindi kami makakapahinga."
Hindi pa siya tapos kumain pero iniwan na niya ito at pumasok siya sa kwarto niya. Wala akong nagawa kundi ang kumaing mag-isa. Hinugasan ko na rin ang maruruming pinggan at saka hinintay ang paglabas niya.
"Tara na."
Nagsuot lang din siya ng hoody at sweat pants.
"Mag-mask ka," dagdag niya.

BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?