"That's unfair. Hindi dahil anak namin kayo ay ipagsasawalang bahala niyo na lamang ang mga desisyon namin. Hindi niyo man lang kami nahintay. Ano ba naman 'yung sana man lang hinayaan ninyong makita namin kung paano nag-propose itong si Lisa. Wala man lang kayong video or kahit na ano?"
Nandito kami kina Lisa para ibalita na engaged na kami. Kababalik lang nila galing sa isang linggong bakasyon. Nagpunta na kami rito nang mas maaga para hindi na matuloy ang sorpresa nila. Medyo unfair din naman sa part namin kung basta na lamang kami darating nang walang kaalam-alam. Guess what? Sila ang na-sorpresa.
"Mom, hindi ba puwedeng maging masaya na lang kayo para sa amin ni Jennie. Look," ipinakita ni Lisa ang daliri niyang may singsing.
"Oo nga anak, pero-"
"Gusto ko po sana kasing ma-solo si Jennie. Ibigay niyo na sa 'kin 'to, Mom," nagtatalo pa rin ang mag-ina habang tahimik lang kaming apat.
"Hon, oo nga naman. Ibalato mo na iyan sa mga anak natin," sabi ng Daddy ni Lisa.
"So ano nang plano ninyo?" tanong ni Mommy.
"Ano pa ba Amiga? Eh 'di lilipat na sila sa bago nilang condo para mas makilala ang isa't isa," ngingiti-ngiting wika ni Mommy Linda.
What?!
"Mom!"
"Tumigil ka Lisa ha, marami ka nang kasalanan sa akin. Okay lang naman 'di ba, Anak?" Tumingin sa akin ang mommy ni Lisa at naghihintay ng sagot.
"Wala naman pong problema, Mommy," hinawakan ni Lisa ang kamay ko sa ilalim ng mesa dahilan para mapatingin ako sa kanya. Pinandilatan niya ako ng mata. Para bang sinasabi niyang bakit ako pumayag. As if naman may magagawa pa ako. Caught off guard na ako oh.
"Here's the key anak," iniabot ni Mommy ang susi ng bago naming condo. Halatang planadong-planado na nila ang lahat.
"Thank you, Mom," ngumiti ako at tinanggap ang susi.
"Oh siya, ipagpatuloy na natin ang almusal," wika ng Daddy ni Lisa.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang ang apat na matatanda ay nagkukuwentuhan ng tungkol sa business. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanila.
Bahagya kong sinipa sa paa si Lisa.
"What?"
Aba. Siya pa itong mukhang galit ha. Inaano ko ba siya?
"Bakit ka nagagalit?"
"Hindi ako galit. Bakit ka kasi pumayag?"
Bakit parang kasalanan ko?
Mahina lang ang pag-uusap namin pero sapat na iyon para magkarinigan kami nang malinaw. May diin ang pagsasalita niya. Halatang iritable at nagpipigil ng emosyon.
"Mamaya na tayo mag-usap," tipid kong tugon.
Pagkatapos kumain ay lumabas kami ni Lisa para makapag-usap. Nagpaalam kaming may importante lang kaming aayusin at kaagad din naman silang pumayag. Iniwan ko na lang sina Mommy at Daddy. May dala naman silang sasakyan kaya walang magiging problema sa pag-uwi.
"Anong ginagawa natin dito?"
Of all places dito pa talaga sa plaza. Talaga ba Lisa? Seryoso ka ba?
"Gusto ko lang dito," nag-park siya at basta na lamang ako iniwan sa sasakyan. Wala akong choice kundi ang lumabas at sundan siya.
Nakita ko siyang naupo sa isang bakanteng upuan malapit sa mga batang naglalaro. Tumabi ako sa kanya.
"Ano nang gagawin natin?"
BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?