Hindi ko siya magawang titigan ng deretso sa kanyang mga mata. Hindi na ako ganoon kasigurado sa kanya. Alam kong wala pa akong sapat na ebidensya pero hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung anong koneksyon nila sa isa't isa. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung sinong gustong manakit kay Lisa. May una na akong suspect at sa ngayon minamanmanan ko ang bawat kilos niya.
"Ang layo a?"
"Ha?"
"How you like that."
"Baliw."
Lumapit si Chae sa akin at niyakap ako.
"Kung anumang gumugulo sa isip mo sana maglaho na iyan. Nandito lang kami ni Jisoo palagi," sabi ni Chae.
Pakiramdam ko ay napawi ang pagdududa ko sa kanya. Siguro nga mali ako. Baka may ibang anggulo ako na hindi natitingnan? Baka naghihinala lang ako sa wala?
Gumanti ako ng yakap, "Alam ko, Chae. Alam kong sa lahat ng tao ikaw ang hinding-hindi tatalikod sa akin. I love you."
"I love you more, Hub."
"Trabaho na tayo?"
Naglakad siya pabalik sa office niya at nagsimula nang magtrabaho. Ganoon na lang din ang ginawa ko kahit pa nga maraming gumugulo sa isipan ko.
"Tired already?" Nagulat ako sa nagsalita.
Lisa.
Napatayo ako sa upuan ko at basta na lamang yumakap sa kanya.
"I miss you," bulong niya.
"I miss you more. Nag-lunch ka na?"
Binuhat niya ako at iniupo sa table ko. Mabuti na lamang at walang mga gamit na nakalagay rito.
Hinalikan niya ako sa dulo ng ilong at sa may noo. Nakakatunaw. Para akong nasusuka sa kilig. Babaligtad na yata ang sikmura ko. Parang may mga paruparong nagliliparan sa loob nito.
Lihim akong napangiti.
"Puwede ka bang mag-undertime?"
Sumiksik siya sa leeg ko habang nakatayo.
Mabuti na lamang at nakaupo ako, kung nagkataon baka nanlambot na ang mga tuhod ko at bumigay na ito.
"Nakalimutan mo yatang ako ang may-ari ng lahat ng nakikita mo?"
Maliban sa 'yo.
"Syempre baka marami kang trabaho," iniangat niya ang ulo niya at nilaro ang mga daliri ko.
Paano ba ako hindi mahuhulog sa 'yo, ha, Lisa?
"Lisa above all," sabi ko sabay halik sa pisngi niya dahilan para mapatungo siya.
"Don't tell me kinikilig ka?" pang-aasar ko sa kanya.
"Hindi a," pagtanggi niya kahit halatang-halata naman.
I should be happy, right? Pero alam ko namang hindi ako ang dahilan ng mga pigil na ngiti niya. Bigla na lamang sumikip ang dibdib ko na parang may dalawang kamay na pumipiga rito.
Puwede bang ako na lang siya?
"Tara na," ibinaba niya ako at hinila palabas ng office. Nag-message na lang ako kay Chae para magpaalam.
"Ang daming trabaho sa site. Natapos na namin ang ibang classrooms. Puwede nang lipatan ng mga bata," kuwento niya habang nagmamaneho.
Nasasanay na rin ako sa mga kuwento niya. Natutuwa nga ako at nagkukuwento na siya. Gusto ko rin namang malaman kung anong nangyayari sa kanya habang wala ako. Habang nasa labas siya. Gusto kong maging outside lungs niya, kung maaari nga lang sana. Kaso kahit ako marami rin akong itinatago sa kanya.

BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanficAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?