Chapter 36

788 35 1
                                    

Hindi pala ganoon kadali ang makalimot. Hindi pala ito nakukuha sa ilang taong pagkakawalay. Akala ko kapag pinutol ko na ang lahat ng ugnayan ko sa kanila, maglalaho na rin ang nararamdaman ko, pero hindi pala. Sa sandaling nakita ko siya parang bumalik lahat ng pangungulila ko sa kanya. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, gusto kong ibulong sa mga tainga niya na mahal na mahal ko siya, na mahal na mahal ko pa rin siya. Ngunit para saan pa, hindi ba? Masaya na siya sa piling ng iba. Hindi ba't ganoon naman talaga ang mga nagmamahal, nagpaparaya, nagiging masaya para sa minamahal kahit hindi na tayo ang dahilan.

"Couz!"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Wendy. Akala mo naman napakalayo ng distansya namin sa isa't isa.

"Alam mo ang ingay mo ha, gusto mo ba akong mabingi?" sagot ko bago ko siya tinaasan ng kilay.

"Kanina pa kasi kitang tinatawag pero hindi ka sumasagot."

Wala naman akong ibang puwedeng puntahan, wala si Jisoo unnie. Busy si Chae. Ayaw kong umuwi sa bahay. Ayaw kong makita ang kapatid ko. Hindi pa ako handa. Hindi ako magiging handa.

"Sorry, medyo marami lang akong iniisip."

"Ilan si Lisa?"

"Ha?"

"Wala. Labas na lang tayo? May bagong bukas na coffee shop diyan sa kabilang street."

Sa totoo lang wala ako sa mood kumilos. Wala akong gana sa lahat. Halos ayaw ko na ngang magpatuloy.

"Sige na." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinila akong palabas sa condo.

Hindi ko rin alam paano kami naging close ni Wendy. Siguro dahil na rin sa mga nangyari? Pinatunayan na niya ang sarili niya sa akin. At 'yon lang naman ang mahalaga. Alam kong kakampi siya. Kahit naman pagbali-baligtarin, magkadugo pa rin naman kami.

Naglakad na lang kami papunta sa bagong café na sinasabi niya. Hindi naman nga ganoon kalayo. Pumasok kami sa loob at pinili ni Wendy ang upuang malapit sa pinto. Siguro para kapag biglang nagkatakbuhan ay makakalabas kami kaagad. Ang iniisip ko lang ay kung bakit ko naisip na biglang magkakatakbuhan?

Masyadong pamilyar ang interior ng café na ito. May mga nakasabit na pinta at mga larawan. Lahat sila'y black and white. May mga kuha ng nakatalikod na babae. Meron namang mga pinta na walang mukha o 'di kaya'y malabo ang mukha. Nabigo siguro ang may-ari ng café na ito.

"Order ka na, bilis!"

Utusera.

"Ayoko. Self-service ba rito?"

"Oo!" Inirapan niya ako bago tumayo at nagtungo sa counter.

Hindi ko na kailangang sabihin pa kung anong kape ang gusto ko.

Tumayo ako at nilibot ang buong café. Hindi naman ito ganoong kalaki pero sapat na para sa mga taong gusto ng sandaling katahimikan. Tanging tunog lamang ng bell na nagmumula sa pagpasok ng mga tao ang ingay na maririnig sa loob ng café. Walang masyadong nagsasalita. Masarap siguro dito kapag gabi. Hindi rin naman ganoon kalayo mula sa condo. Susubukan kong bumalik dito mamayang gabi tutal mag-isa lang naman ako sa condo.

Pagkapasok ko pa lang kanina napansin ko nang parang pamilyar ang mga larawang nakasabit sa dingding na café. Hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita. Pabalik na ako sa upuan nang mapansin ko ang pintang itim at puti. Isang babae naka-apron at nagluluto habang ang isa nama'y naka-halumbaba habang nanunuod. Parang may karayom na bigla na lamang tumusok sa dibdib ko.

"Ang ganda, 'di po ba?"

Nagulat ako sa nagsalita pero hindi ko na lamang ipinahalata.

"Maganda nga. Ipinagbebenta ba ito?"

Hind ko rin alam kung saan ko nakuha ang ideyang iyon.

Sana ayos ka lang, Jennie Kim.

"Nakuh! Hindi po. Ang may-ari po kasi mismo ang nagpinta at kumuha ng mga 'yan. Koleksyon niya po iyan."

"Nagkatuluyan kaya sila?"

Palihim kong minura ang sarili ko.

"Hindi ko rin po alam. Kasi kung titingnan siya sa sitwasyon niya ngayon, mukhang hindi siya masaya. Para siyang kaluluwang naliligaw at hindi matahimik." tugon niya.

"Hoy! Niki, puro ka na naman kalokohan," sigaw ng barista.

Napakamot na lamang sa ulo ang babae bago siya bumalik sa puwesto niya.

Infairness naman mukhang totoo ang kuwento niya kahit kalahati rito ay pinagdududahan ko.

Napahawak na lamang ako sa painting at napabulong.

Sana masaya ka.

"Napakatagal mo." Reklamo ni Wendy pagkabalik ko sa upuan.

"May tiningnan lang ako. Grabe ka naman."

"Ako pa talaga ang grabe ha."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Okay, sorry. Sorry."

Tumawa lang siya at sinimulan na naming inumin ang kape. Wala namang nagbago, mapait pa rin ito.

Matamis lang naman ang kape kapag si Lisa ang kasama.

Ghad, kumo-korni na naman ako.

"Uuwi ka rin ba ng New Zealand after ng kasal ni Chae?"

Oo. Siguro? Wala rin namang dahilan para manatili pa ako rito.

"Oo." tipid kong tugon.

"Hindi mo ba ilalaban si Lisa?"

Hindi ko inaasahan ang tanong niya.

Ilalaban? Paanong ilalaban?

Minsan na akong nagpaubaya at huli na para lumaban pa.

Napangiti ako nang mapakla.

"Paano ako lalaban kung sa umpisa pa lang naman talo na ako?"

"Alam mo hindi ko alam kung paano kita naging pinsan. Muntik na tayong mamatay sa Japan pero heto pa rin tayo, buhay at lumalaban tapos si Lisa basta mo na lang susukuan?"

"Hindi mo naiintindihan."

"Alin ang hindi ko naiintindihan?"

Salubong na ang kilay niya at mistulang anumang oras ay nakahanda na siyang sakalin ako.

Bakit nga ba kita naging pinsan?

"Si Rubyjane ang mahal niya hindi ako. Hindi naman naging ako."

"Pero ikaw ang nakasama niya hindi ang kapatid mo."

"Alam mo walang saysay kung pagtatalunan pa natin ito."

Ayaw ko na ring makipag-argumento. Nandito kami para huminga hindi para masakal.

"Duwag ka, Jennie. Duwag ka." wika niya bago lumabas ng café.

Oo, iniwan niya talaga ako.

Karuwagan bang magpaubaya kung sa una palang dinaya na ako ng tadhana?

•••

Hi. Medyo naliligaw ako lately. Hinahanap ko pa ang daang pabalik. Hahaha. Keep safe, ocakes? *Nagpadala ng mga yakap sa hangin*





Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon