Chapter 1

3.7K 63 7
                                    

"What?! Are you kidding me, Mom?"

Basta na lamang pumasok ang nanay ko sa kuwarto ko para bigyan ako ng problema.

"Sadly, I am not. Tumatanda ka na at mukhang wala kang plano para sa future mo," sagot ng nanay ko.

I can't believe this. 21st century na pero nag-e-exists pa rin pala talaga ang mga ganitong fixed marriage? What the?!

"She's pretty, kind, smart and thoughtful. Walang dahilan para hindi mo siya magustuhan. And besides wala ka namang ibang pinakikilala sa amin ng daddy mo so walang dahilan para tumanggi. Tumatanda na kami. Ayaw naman naming mawawala kami rito na hindi ka man lang namin nakikita na maging masaya," and there she goes again. Nagpapaawa na naman.

"And what do you want me to do?" Biglang sumilay ang kakaibang ngiti ni Mommy. Wow, the duality.

"Marry her, simple as that, baby. Na-meet ko na siya at pasadong-pasado na siya sa amin ng daddy mo. Ikaw na lang ang kulang," ngingiti-ngiting turan ni Mommy.

"Marry her? Wala bang getting to know each other na muna?" Reklamo ko.

"Okay, i'll tell her na ligawan ka."

"What?! Mom, are you nuts?"

"Don't worry, Baby, everything's under control. Her parents and us are best friends at napag-usapan na rin namin 'to, ang kailangan niyo na lang ay umattend sa dinner para ma-meet ang isa't isa," hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil ito.

"Please, anak?"

I guess wala na akong magagawa. How can I say no?

"Okay, okay, but please just leave me for a while, Mom."

"Okay, Honey. Thank you. Best daughter ever," tumayo na siya at naglakad palabas.

As if naman may iba pa siyang anak. Funny, Mom. Funny.

I locked the door and called Chae.

Tinanong ko siya kung puwede niya akong samahang lumabas. Just need to breathe and clear my mind, and she said yes. Sino ba namang makakatanggi kay Jennie Kim? Wala. Wala pang nakatanggi sa akin. At kailangan kong ma-meet ang soon-to-be-wife ko bago kami mag-dinner. 'Yun nga lang nakalimutan kong kuhanin kay Mom ang name and number niya. So how? Nagpalit lang ako ng damit at umalis na rin kaagad.

"Good evening, Ma'am. Table for?" tanong ng crew.

Favourite place namin 'to ni Chae, Coffee-Kitty Café. Mahilig siguro sa kape at pusa ang may-ari nito? Hula ko lang naman. Maganda ang interior ng café. May nga nakasabit na mga pictures, hindi ko na sasabihing pusa ang mga iyon ha. Dim ang ilaw, masyadong romantic. Parang kapag dinala ka ng ka-date mo rito tapos tinanong ka kung oo na ba, mapapa-oo ka na lamang. May mga pictures din ng mukha ng tao. Photographer din siguro ang may-ari nito? Napaka-talented naman niya. Wala pa si Chae kaya inikot ko muna ang buong café para tingnan ang mga retrato.

"Pusa, pusa, tao, tao, pusa at-"

Napukaw ang atensyon ko ng retrato ng dalawang kamay na magkahawak. Mukhang kamay 'to ng mga bata. Masyadong maliliit ang mga daliri. Pamilyar ang dalawang kamay. Hindi ko lang alam kung saan ko 'to nakita.

Lumapit ako para mas makita ang larawan.

9.23.00

'Yan ang nakasulat. Nakuhanan siguro ito noong panahong 'yan. Napakatagal na.

Nagulat ako na bigla na lamang may yumakap sa akin mula sa likuran.

"I miss you, Wifey," clingy Chae.

Humarap ako, "Napakatagal mo." Kumunot ako at nagpanggap na naiinis.

"Wag ka nang magalit, traffic kasi," sagot nito bago naglakad papunta sa table namin.

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon