Chapter 10

1.4K 51 1
                                        

"Wake up, Nini. Nandito na tayo," bumungad ang maaliwalas na mukha ni Lisa pagdilat ng mga mata ko. Ngumiti siya bago niya ako ninakawan ng halik sa noo.

"What the fudge, Lisa?!" reklamo ko.

Umayos ako ng puwesto at inayos ko na rin ang sarili ko. Baka may panis na laway pa ako katutulog. Nandito na pala kami sa parking ng condo ko. Dito na ako nagpaderetso. Tinatamad kasi akong umuwi sa bahay. At saka wala naman din akong uuwian. Sunday ngayon, umuwi kina Lola sina Mommy. Bibisitahin daw muna nila at matagal na nila itong hindi nakikita. Gusto ko sanang sumama, hindi ko pa kasi nakikita si Lola. Puro kuwentong galing lang kina Mommy kaya ko nakilala si Lola. Siguro kahit ako na lang ang magpunta kailangan ko lang humanap ng tamang timing. Sobrang busy kasi sa trabaho. Sumabay pa 'tong engagement namin ni Lisa. Mabuti na lamang at nagawan niya ng paraan. Sinabi na rin niya na may emergency kami ngayong sunday kaya napagdesisyunan na rin nina Mommy na 'wag na munang ituloy ang party, pagkabalik na lang daw nila.

"Tutulungan na kitang magtaas nito. Baka mangalas pa ang mga buto mo," panunukso niya bago hinila ang maleta ko.

"Thank you ha," sarkastiko kong tugon.

"You're welcome, Nini," lumingon pa siya sa akin para ngumiti.

"Si Chae pala?"

"Wala, nauna na siyang umalis. Hinihintay raw siya ng girlfriend niya sa parking e," sagot ni Lisa bago pumasok sa building.

"Sayang naman. Hindi pa tayo nahintay 'di sana'y naipakilala kita kay Jisoo," sumakay na kami sa elevator at hinintay makarating sa 27th floor.

Hindi ko rin naman maintindihan itong si Chae. Sabi ko hintayin kami para sabay-sabay na kaming uuwi tutal may dala namang sasakyan si Jisoopero iniwan pa rin kami. Nag-grab pa tuloy kami, ang selfish ha. Sakalin ko siya kapag nagkita kami.

"Lalabas ka ba o itutulak na kita?" tinabig ni Lisa ang balikat ko. Hindi ko namalayang napatulala na pala ako.

"Ito na ho, Kamahalan," sagot ko sabay irap at naglakad na ako papasok sa condo.

"I'll go ahead. Get rest, Nini," ipinasok niya lang ang maleta ko at nagpaalam na rin siya. Miss na miss na raw kasi siya ng mga pusa niya. Sana lahat may naghihintay na uwian.

Nasanay na rin akong mag-isa sa halos lahat ng bagay. Hindi naman ako umuuwi sa bahay. Kapag gusto lang akong makita nina Mommy. Nakakalungkot din palang mag-isa.

Na-miss ko ang kama ko. Kahit hindi pa nakakabihis ay nahiga na ako rito. Nag-vibrate ang phone ko at pangalan ni Lisa ang lumabas sa screen.

"Magbihis ka muna bago mahiga, ang layo ng pinanggalingan natin. Marami kang dalang germs. Haha."

Luminga-linga ako sa kabuoan ng kuwarto ko. Baka nagpalagay siya ng CCTV rito nang hindi ko namamalayan.

Isang text message pa ang dumating.

"Hindi ako nagpalagay ng CCTV ha. Alam ko lang kasi tamad ka. For sure mahihiga ka na kaagad."

Ang galing naman ng babaeng 'to.

"Nasa bahay ka na ba? Magpahinga ka na. At oho, magbibihis na ho." Reply ko sa kanya.

"Nalulungkot ako." Text ko ulit sa kanya.

Nagpaikot-ikot na ako sa kama pero hindi pa rin siya nagrereply. Nakatulog na siguro. 7:00 PM na rin kasi, napagod siguro siya sa byahe.

Bumangon ako para kumuha ng tubig, tamang may nag-door bell naman. Siguradong si Chae 'to. Baka hihingi ng sorry kasi basta na lamang ako iniwan kanina.

"Oh ano? Hindi ako nakukuha sa-"

Nag-init ang tainga ko.

"Anong hindi makukuha sa ano?" tatawa-tawang wika ni Lisa.

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon