Sinalubong kami ng pamilya ni Tatay Jun. Dito sila namamalagi bilang katiwala ng aming isla. Nakilala ko sila dahil na rin kay Chaeng. May tatlong anak si Tatay Jun. Dalawa lang ang kasama nila rito. Matagal na raw mula noong nakasama nila ang panganay nila. Noong maliit pa raw ito ay inihabilin nila ito sa kanyang lola para doon muna mag-aral dahil kailangan nilang magtrabaho. Nawalan sila ng komunikasyon kaya hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita kung nasaan na ang panganay nila. Siguro daw ay kasing tanda ko na ito. Sayang nga lang daw at hindi ko na ito nakilala pa.
May sariling tirahan sina Tatay Jun dito sa isla. Hiwalay sa bahay namin. Nandito lang sila ngayon para salubungin kami. Matagal na rin namin silang kilala kaya napalapit na rin ang loob ko sa kanila. Parang mga magulang ko na rin sila.
"Ate, na-miss ka po namin," salubong sa akin ng dalawang bata. Malayo ang agwat ng panganay nila sa dalawa nilang anak.
Niyakap ko silang pareho at hinagkan.
"Na-miss ko kayo," gumanti sila ng yakap at hinila ako papasok sa bahay habang nakasunod lang sa akin si Lisa.
"Anak," niyakap ako ni Nanay Fe, asawa ni Tatay Jun. Nakakatuwa lang na anak na rin ang tawag niya sa akin. Si Tatay Jun lang talaga ang hindi ko mapilit na tawagin akong anak. Palaging ma'am Jennie kahit hindi naman dapat.
"Kumusta po kayo?"
"Ayos lang kami rito, katulad ng dati tahimik pa rin," ngiti niyang turan.
"May kasama ka pala?"
Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan si Lisa.
Ipinakilala ko lang si Lisa at kumain na rin kami. Nag-kuwentuhan lamang at nagpaalam na rin sila. Kailangan na rin daw kasi naming magpahinga. Hindi na kami nagdala ng damit dahil marami naman ako no'n dito.
Malapit lang sa dagat ang bahay namin. Tanaw na tanaw ang dagat. Napakaganda rito kapag papalubog na ang araw at kapag bilog ang buwan. Puti at pinong-pino ang buhangin. Walang ingay at payapa kang makapag-i-isip. Pumupunta kami rito ni Chae kapag kailangan naming pansamantalang lumayo o huminga.
"Magbihis ka na. Pumili ka na ng kahit anong damit diyan, maglalakad-lakad tayo sa may dalampasigan. Maganda ang sunset ngayon," pinauna ko munang magbihis si Lisa habang naglilinis ako ng pinagkainan. Mabagal kasi 'tong kumilos.
Halos sabay lang kaming natapos ni Lisa. Sumunod na rin akong magpalit ng damit. Nagsuot na lang kami ng tsinelas, sigurado rin namang hindi namin ito maisusuot. Nauna nang lumabas si Lisa. May dala rin pala siyang camera. Sayang daw kasi kung hindi niya makukuhanan iyon. Iniisip ko lang kung paano siya makakapagpicture e isang kamay lang naman ang puwede niyang gamitin? Sabagay uso naman ang auto.
"Teka, Lisa!" sigaw ko habang hinahabol ang hakbang niya. Napakahaba talaga ng biyas nito. Ang hirap makipagsabayan.
"Bansot kasi," pang-aasar niya.
"Kung iwanan kaya kita rito?" ganti ko.
"Joke lang naman e. Smile, Jennie," basta na lamang niya ako tinawag. Kasabay ng pagtingin ko ay ang pagkuha niya ng retrato. Blurred siguro.
"Nice," bulong niya habang tinitingnan ito.
Hindi naman ganoon kabigat ang camera para hindi niya ito makaya sa isang kamay lang. Point and shoot cam.
"Wag mo na akong kinukuhanan," reklamo ko.
"Ikaw ang paborito kong subject," tugon niya bago naglakad papalayo sa akin.
Para na naman akong aso na nakabuntot sa kanya. Nakakairita. Puwede naman kasing sabay na lang kami.
Kinuhanan niya ang dagat, langit, ulap, araw, buhangin, ako, ako, ako, ako, ako, kami. Hindi maipagkakailang magaling talaga siyang kumuha ng larawan. Nakakabilib, partida, isang kamay lang gamit niya.
BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanficAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?