Chapter 35

863 37 2
                                    

"Ang bilis mo yatang nakabalik anak? Akala ko ba may pupuntahan pa kayo ni Lisa?" sabi ni mommy pagpasok ko sa bahay.

Dumaan lang ako sa condo para iwan ang mga gamit ko. Matagal-tagal na rin pala. Apat na taon na rin at kahit ang mommy ko, hindi na rin ako nakikilala. Well, ano pa bang aasahan ko? Umalis ako nang walang paalam. Iniisip ko nga kung kahit minsan ba hinanap nila ako?

"I miss you, mom." Lumapit ako sa kanya at yumakap nang mahigpit.

"Jennie?!" Gumanti siya nang yakap at naramdaman ko na lamang ang pagkabasa ng balikat ko.

"I'm sorry, mom," bulong ko.

Alam kong nasaktan ako pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi sila kausapin. Paano ko nagawang tiisin ang mga magulang ko?

Bumitaw sa pagkakayakap si mommy at hinawakan ang magkabilang kong pisngi.

"Wag mo nang uulitin 'yon ha? Pinag-alala mo kami."

Tumango lang ako.

"Halika, dali. Kumain ka na muna. Wala ang daddy mo. Mula nang mawala ka siya na ang nag-asikaso sa lahat."

Hinila niya akong papasok sa dining.

Naupo ako habang abala si mommy sa paghahanda ng pagkain. Hindi naman ako nagugutom pero na-miss ko ang luto ni mommy.

"Umalis lang ang kapatid mo."

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Gusto kong manumbat. Bakit hindi nila sinabi sa akin? Bakit kailangang ako ang magbayad ng kasalanan nila? Pero para saan pa 'di ba? Nangyari na ang mga nangyari at hindi ko na 'yon maibabalik pang muli.

I lost her.

"Nasaan ang mga gamit mo? Ipadadala ko na sa guest room."

Guest room.

I bet si Rj na ang gumagamit ng kuwarto ko.

"No need, mom. Sa hotel po ako nag-i-stay. Dumaan lang ako para makita ka."

Naupo siya sa tabi ko habang inumpisahan ko na ang pagkain.

"Puwede ka namang---"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si mommy. Ayaw ko na ng diskusyon. Hindi ako dito uuwi.

"Okay lang, mom. Hindi rin naman po ako magtatagal. Aattend lang ako ng kasal ni Chae at aalis na rin po ako."

Pag-alis ko four years ago, kasabay niyon ay ang pilit kong paglimot sa lahat ng mga taong naging bahagi ng buhay ko. Akala ko kapag ginawa ko 'yon tuluyan na akong makakalaya sa sakit pero nagkamali ako. Sinubukan ko silang takasan hanggang sa naka-receive na lang ako ng e-mail galing kay Chae na ikakasal na raw siya at ang hiling niya lang ang umuwi ako. Alam kong marami kaming dapat pag-usapan at kailangan ko munang iisang tabi 'yon. Mas mahalaga siya kumpara sa lahat ng tampo at hinanakit ko sa kanya.

"Saan ka ba nagtago nang matagal?"

Nagtago. Sana'y katumbas na lamang ng pagtatago ang paglimot, ang paghilom.

"I'm happy, mom. Don't worry."

"Sana nga anak. Sana nga'y masaya ka."

Sandali lang din kaming nagkuwentuhan at nagpaalam na rin ako. Pinipigilan ako ni mommy pero wala rin naman siyang nagawa. Iniiwasan kong magkita kami ni Rj. Hindi pa ako handa. Hindi yata ako magiging handa.

Gusto kong tawagan si Chae para sabihing nandito na ako pero ayaw ko naman silang abalahin. Fo sure kasama rin siya mg kapatid ko. Well, sila naman talaga ang totong best friend. Ako lang yata talaga ang sabit sa kuwento na 'to.

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon