It's been what? Three months? At wala man lang paramdam si Chae. Basta na lamang siya nawala na parang bula. Kasabay niyon ay ang pagkawala rin ni Jisoo. Sinubukan ko silang hanapin pero hindi ko sila makita. Maging sa New Zealand wala rin sila. Ayaw kong isiping may masamang nangyari sa kanila pero hindi ko maiwasan. Walang dahilan ang pag-alis nila o mas tamang sabihing hindi ko alam ang dahilan. Hindi nila sinabi sa akin o hindi talaga nila ginustong sabihin.
"Nasa maayos sila. Magtiwala lang tayo kay Chae ha? Alam niya ang ginagawa niya."
Niyakap ako ni Lisa. Doon pa lamang ako kumalma.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang singsing na para sa kanya kaya hindi pa rin ako makapag-propose. Sa dinami-rami ba naman ng mami-misplaced ko 'yung singsing pa ni Lisa.
"May tiwala naman ako sa kanya. Nag-aalala lang talaga ako." Sumiksik ako sa leeg niya.
"Kapag nagkita na kayo ni Chae, ibigay mo 'to ha?"
Marahang kinapa ni Lisa ang bulsa niya at may kinuha siya rito.
"Ano 'yan?" Umagwat ako para makita ito.
Wth.
Ang singsing na hinahanap ko. Paanong napunta ito kay Lisa?
"Nahulog niya 'yan noong inihatid niya tayo pauwi. Hindi ko na naibalik sa kanya kasi umalis na sila kinabukasan."
Mabilis kong kinuha ang singsing na hawak-hawak ni Lisa.
Hindi ako maaaring magkamali.
Knot ring 'to. Ako mismo ang gumawa nito. Ang sabi sa jewelry store it symbolizes committment, connection, love and eternity. Paano naging kay Chae 'to?
"Baka engagement ring nila? 'Yan siguro ang announcement nila?"
"Bago ba tayo nagpunta kina Chae dumaan ba dito si Jisoo?"
"Oo," tipid niyang tugon.
Bumangon ako at naupo sa kama.
"Bakit?"
"Wala naman."
Lumabas ako ng kuwarto. Ayaw kong makahalata si Lisa.
"Baby, 'wag mong kakalimutan pupunta tayo sa Japan next week," sigaw niya mula sa kuwarto.
Naipangako kong babalik kami sa Japan ni Lisa. Gusto ko lang ng break sa lahat. Gusto kong huminga at isa pa gusto ko rin siyang makasama nang mas matagal.
Muli kong tinitigan ang singsing na hawak ko.
Chae, nasaang lupalop ka ba? Marami akong tanong at nakasisiguro akong ikaw lang ang makakasagot nito.
Dalawang mainit na braso ang yumakap sa akin mula sa likuran.
"Ang lalim naman, ang layo a."
Hinalikan niya ako sa ulo.
"Nasaan kaya sila?"
"Mahirap hanapin ang ayaw magpakita. Hayaan na muna natin sila. Babalik din sila kapag handa na sila."
"Kailan?" Humarap ako sa kanya habang nakapatong ang magkabila niyang braso sa balikat ko.
"Hindi natin masasabi. 'Wag mo nang i-stress ang sarili mo. Nagpapaapekto ka sa mga bagay na hindi mo kontrolado. Matatanda na sila. Alam na nila ang ginagawa nila. Mag-relax ka, okay?"
Ngumiti siya nang tipid.
"I love you."
"I love you more."
Bumitaw siya at bumalik sa kuwarto.
Kung hindi lang sana nawala sina Chae baka inaasikaso na namin ang kasal namin ni Lisa. Hindi ko naman kayang maging masaya habang wala sila.
Inilagay ko sa bulsa ko ang singsing na hawak-hawak ko. Hindi ko alam kung anong unang dapat gawin. Hindi ko alam kung sinong dapat hanapin. Kung sinong makakasagot sa mga tanong ko.
Tumawag ako kay Wendy para sabihing isang linggo kaming mawawala ni Lisa at siya na muna ang bahala sa company. Tiwala naman ako sa kanya kahit hindi ganoon katiwala si Lisa sa kanya. Binabanggit ko pa lang ang pangalang Wendy napapakunot na kaagad siya.
Bakit ba naman ako magdududa sa kanya? Pinsan ko siya. Walang dahilan para pagdudahan ko siya. Naniniwala akong safe ang kumpanya sa pangangalaga niya.
Nakakapanibago lang na wala si Chae. Siya ang mata, tainga at kamay ko sa office.
Lumabas si Lisa sa kuwarto. Tamang-tama naman na katatapos lang ng tawag ko kay Wendy.
"Breakfast, Baby?"
Tumango lang ako bilang tugon.
Kahit mabigat ang bawat araw, gumagaan dahil nandito siya sa tabi ko. Lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya.
Humila ako ng upuan at pinanuod ko siya habang nagluluto.
"Paano kung isang araw bigla na lang magbago ang nararamdaman mo? Paano kung biglang mahulog ka sa iba?"
Hindi ko namalayang nabigkas ko na pala ang iniisip ko.
Lumingon siya sa akin.
"Hinding-hindi mangyayari 'yon. Alam mo kung bakit?"
Panandalian siyang huminto. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi bago ako tinitigan nang deretso sa mga mata ko.
Para akong nalulunod. Nanlalambot. Nauupos.
"Kasi mahal na mahal na mahal kita, Kim Jennie."
Marahan niya akong hinalikan sa noo dahilan upang mapapikit ako.
Home.
"At mahal na mahal din kita. Mahal na mahal, Lisa," tugon ko bago yumakap sa kanya.
"Pakasal na tayo."
Ha?!
Nabibingi na yata ako. Nag-iiba ang pandinig ko.
"Anong sinabi mo?"
Sinubukan kong kumalas sa pagkakayakap pero mas humigpit ang yakap niya.
"Pakasal na tayo, Jennie."
Ako dapat ang nagyayaya 'di ba?
"Seryoso ka ba, Lisa?"
Baka nabibigla lang siya o ano.
"Walang dahilan para hindi ako maging seryoso, Jennie. Mahal na mahal kita."
"Nagiging iyakin ata ang baby ko a," biro ko.
"Ikaw e, pinaiiyak mo ako."
Bumitaw ako sa pagkakayakap at marahang pinahiran ang luha sa pagkabila niyang pisngi.
"Lisa..."
"Hmm?"
"Hindi ito ang huling beses na iiyak ka dahil sa akin. Pero isa lang ang maipangangako ko. Iiyak ka lang dahil sa sobrang saya. Hinding-hindi kita sasaktan."
Marahan ko siyang hinalikan sa labi.
"Mahal kita palagi."
Ano ba 'yan, palpak ang plano.
"Kain na tayo."
May mga araw na gusto ko na lamang manatili sa bahay kasama si Lisa. Gusto kong magpaalaga, mag-alaga. Kung may isa man akong kinatatakutan sa ngayon, 'yon ay ang baka isang araw bigla na lamang magbago ang nararamdaman ni Lisa. Hindi naman sa hindi ako sigurado. Masyadong too good to be true ang mga nangyayaring ito. Baka bigla na lamang siyang bawiin sa akin nang hindi ko namamalayan.
"Mahal kita. Walang makapagpapabago ro'n."
Alam ko 'yon, Lisa. Ang tanong lang hanggang kailan? Hanggang kailan mo ako mahal?
•••
Update dahil malungkot ako. Hahaha. Salamat sa nagpadala ng sukulit. Appreciated! <3 Sinagip ako sa posibleng pagkalunod. Haha. Kidding.
BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?
![Uncover [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/221837319-64-k652044.jpg)