Chapter 18

1K 40 0
                                        

"Jen, may problema ba si Jisoo?"

Hindi ko inaasahan ang tanong ni Chae kasi kahit ako napapansin ko rin iyon.

"Honestly, gusto ko rin ngang itanong sa 'yo. Hindi siya masyadong nagme-message or tumawag katulad dati. Akala ko nga nag-away kayo e," sagot ko.

Naupo si Chae sa tabi ko.

"Lately sobrang busy niya. Halos hindi na rin kami nag-uusap. Dadaan lang siya sa condo para sunduin ako at ihatid dito," sabi niya.

"Alam mo? I-kape na lang natin 'yan. Or gusto mo Japan? Isla? Sabihin mo lang at ngayon din ay aalis tayo," hinawakan ko siya sa kamay. Gusto kong maramdaman niyang nandito lang ako na handang makinig sa kanya kahit ano pa iyon.

"No need, Wifey. May mga aayusin lang din ako," tipid niyang tugon.

Hindi lang si Jisoo ang napapansin kong lumalayo, maging si Chae ay ganoon din. Ngayon niya nga lang ulit ako kinausap nang hindi tungkol sa trabaho. Parang umiiwas siyang makipag-usap sa akin. Hinahayaan ko lang naman, iniisip kong baka marami lang talaga siyang ginagawa kaya ganoon siya sa akin. At dahil nga nabanggit niya si Jisoo, baka isa iyon sa mga dahilan.

"Puwede ba akong mag-leave bukas?" tanong niya. Hindi niya ako matingnan nang deretso sa mga mata ko. Sigurado ako, may itinatago siya.

"Sure, Hubby. Get rest," mabilis kong tugon.

Naninibago lang ako kay Chae dahil hindi naman siya ganito noon. Lahat ng iniisip niya or gagawin niya ay sinasabi niya sa akin. Unless may pino-protektahan siya.

"Undertime rin pala ako ngayon," sabi niya bago tumayo.

"No problem, Chae. Be safe, okay?"

"Thank you, Jen. I love you, okay? And i'll do anything for you," niyakap niya ako bago tuluyang umalis.

May mali. Alam kong may mali.

Sinundan ko lang siya ng tanaw bago siya mawala sa paningin ko.

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago ako lumabas ng office. Babalik ako sa building ng condo ni Lisa. Noong nakaarang linggo pa akong tumawag para humingi ng kopya ng CCTV footage noong araw na may nagtangka sa buhay niya. Hindi na rin sila nag-report sa pulis dahil sa pakiusap ko. Ako na lang mismo ang mag-aayos nito.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung sinong gumawa niyon kay Lisa. Kung hindi ko siguro siya nadatngan baka kung napaano na siya.

Nag-park lang ako saglit at pumasok na ako sa loob. Nginitian ako ng receptionist at ganoon din ang ginawa ko.

"This way, Ma'am," sinamahan ako ng isa sa mga receptionist papuntang Security Department para sa request kong footage. Bumalik din kaagad siya sa puwesto niya pagkatapos akong ihatid.

Sinalubong ako ng isang babae na nagpakilalang Head ng S.D. Nakipagkamay ako at kaagad din naman niya itong tinanggap.

"Good day, Miss Park," tinawag ko siya sa apelyido niya bilang pagrespeto na rin sa kanya.

"Not so good day, Miss Kim," sagot niya.

"Sadly, aksidenteng na-delete ang mga CCTV footages nang magkaroon ng error sa system namin. Until now inaayos pa rin ng I.T. namin kung paano mare-retrieve lahat ng mga na-delete na files," dagdag niya.

"Paanong na-delete, Miss? Samantalang ang sabi ng staff ninyo isang linggo lang ang hihintayin ko para ma-provide ang hinihingi ko," sabi ko.

Aksidenteng na-delete? How come? Hindi ako naniniwala. Pero wala rin naman akong dahilan para magduda.

"Kailangan lang po nating maghintay ng one week para sa retrieving," tipid niyang tugon na halos hindi makatingin sa mga mata ko.

"Okay, sige, i'll just wait for another one week," binigyan ko ng diin ang mga sinasabi ko para iparamdam na hindi ko nagustuhan ang ginawa nila. Napakahina naman pala ng security system nila rito. Mabuti na lamang at nakalipat na kami ng condo. Pero 'yung condo ni Lisa, nandito pa rin. Paano kung halimbawang umuwi siya rito tapos naulit na naman?

"Thank you for understanding, Miss Kim," sabi niya.

Lumabas na rin ako. Wala naman pala akong makukuhang kahit anong lead dito e. Bumalik na ako sa sasakyan pero bago pa ako makapag-start ng makina may bigla na lamang kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Ibinaba ko ito.

"Miss Kim," medyo katal ang boses niya na para bang takot na takot na hindi ko maunawaan.

Binuksan ko ang pinto at pinapasok ko siya.

"Ano 'yon?"

"Alam ko pong hindi tayo magkakilala at hindi ko rin po alam kung makatutulong ito sa kung anumang hinahanap ninyo," iniabot niya ang flashdrive at tipid na ngumiti.

"Ano ito?"

Hindi ko rin alam bakit ko kaagad siya pinapasok sa sasakyan ko. Paano na lamang kung may gawin siyang masama sa akin? Pero mukha naman siyang harmless kaya okay lang naman siguro.

"Nariyan po ang ilang CCTV footage na maaaring makapagbigay impormasyon sa inyo," sagot niya.

"Saan ito galing?" naguguluhan kong tanong.

May pagtatakip bang nangyari? Bakit parang kami pa ang may masamang motibo rito at kami ang nagtatago?

"Ako po ang nasa front desk noong may nangyari kay Miss Lisa. Natatandaan niyo po ba na sa akin kayo nagtanong? Kabadong-kabado po ako noon. May kasama po kasing babae si Miss Lisa. Alam po sa buong building na kayo ang Fiancée niya kaya natakot ako na baka niloloko na kayo ni Miss Lisa. Aaminin ko po, gusto ko kayong pigilan noon dahil ayaw kong mahuhuli niyo siya sa akto pero mabuti na rin at tumuloy pa rin kayo. Kung nagkataon baka wala nang buhay si Miss Lisa," kuwento niya.

Naramdaman ko rin nga na parang ayaw niya ako tumuloy noon. Natatandaan ko na ang babaeng ito. Pero paano nga kung may babae talaga si Lisa? Paano kung siya pala ang nagtangkang manakit kay Lisa? Maraming katanungan na tumatakbo sa isip ko.

"Isa lang ba ang kasama niya?" tanong ko.

Ayaw kong magmukhang desperada. Madali lang naman ang solusyon. Kung may babae nga siya hindi naman nila kailangang magkita nang palihim. Napag-usapan na naman namin 'to, kahit pa nga masasaktan ang pride ko kapag may babae talaga siya.

Yes, pride. Pride lang ang masasaktan sa akin. Hindi puso. Hindi. Puso.

Unang beses ko lang pong nakita ang babaeng iyon na kasama ni Miss Lisa. Hindi po pamilyar ang mukha niya. Balingkinitan ang pangangatawan niya, maputi, matangkad na parang ahas," paglalarawan niya.

"Anong parang ahas?"

"Ah, medyo lingkis po siya nang lingkis na parang ahas," sagot niya sabay kamot sa ulo. Gusto kong tumawa pero hindi ito ang tamang panahon.

Hindi ko pa kilala ang mga kaibigan ni Lisa maliban kay Seulgi. Halos hindi pa naman siya ganoon ka-open sa personal niyang buhay lalo na't may bahagi sa kanyang nakaraan na hindi pa rin niya makalimutan.

"Ah, Ma'am, aalis na po ako. Baka mapansin pa nilang nawawala na ako. Please lang po, mag-iingat kayo palagi at huwag kayong magtitiwala kahit na kanino," mabilis siyang bumaba ng sasakyan at hindi man lang ako nakapagpaalam.

Inilagay ko sa bulsa ng bag ko ang flashdrive na binigay niya. Panunuorin ko na lang siguro pagdating ko sa office. Wala namang masyadong meeting ngayon. Marami akong panahon para mag-imbestiga.

•••

Short update. Sorry, sobrang busy talaga. Literal na wala nang pahinga. Haha. Keep safe!

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon