"Magbihis ka na muna." Pumasok ako sa kuwarto para ikuha si Lisa ng damit na pamalit.
"Okay na 'to," sagot niya.
Kumuha ako ng short at shirt. Mabuti na lamang at nakapagpa-laundry ako kung nagkataon wala akong maibibigay na damit sa kanya.
"Ito, malinis 'to. Maghapon mo nang suot 'yan. Baka hindi ka na makatulog niyan. Ang dungis mo," sabi ko sabay bato ng damit niya at eksaktong tumama sa mukha niya.
"Ops!"
"Hoy! Hindi ako marungis 'no. Ang bango ko kaya, kahit tumira ka pa sa kilikili ko," sigaw niya habang natatawa.
"Yak, nakakadiri ka. Bilisan mo nang magbihis para makapagpahinga ka na."
Tumayo na rin kaagad siya at nagtungo sa banyo para makapagbihis. Mayamaya pa'y lumabas na rin siya. Ako naman ang pumasok at nagpalit ng damit.
Nalabasan ko siyang nakaupo lang sa couch.
"Inaatok ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa. Tsaka bakit ka nandiyan? Doon ka sa kama kung gusto mo nang matulog." Lumapit ako sa kanya at naupo.
"Hindi na. Dito na lang ako. Komportable naman dito," sagot niya at bigla na lamang nahiga na hita ko.
The face! Ang kapal.
"Ano 'yang ginagawa mo? Bumangon ka nga!" reklamo ko.
Pumikit lang siya na parang walang naririnig.
"Excited na akong matulog at gumising araw-araw na ikaw ang una kong makikita," bulong niya.
"Ha?"
"Sabi ko, ipagtimpla mo naman ako ng chocolate milk tsaka 'yung ice cream ko," bumangon siya at naupo nang maayos.
Tama lang sigurong dito siya matulog para ma-discuss ko na rin sa kanya ang mga kondisyon ko.
Tumayo ako at nagtungo sa kitchen para sa lahat ng dine-demand ng bata kong kasama. Chocolate milk and ice cream. Seryoso ba siya? Gabi na a, tapos ang ginaw pa.
"Ito na po mahal na reyna," sabi ko sabay baba ng ice cream at chocolate milk sa mesa.
"Maraming salamat, Aliping Jennie."
Wow. Akala ko pa naman tahimik 'to, may kadaldalan din palang taglay.
Kinuha niya ang ice cream at nagsimula na siyang kumain.
"Tutal nandito ka na rin lang naman pag-usapan na natin ang magiging set-up natin," pagsisimula ko.
"Yie, excited ang misis ko," nakangiti niyang turan.
"Mahiya ka nga. Hindi ako excited. Pareho lang tayong naipit sa masaklap na sitwasyon kaya kailangan nating magkasundo. May mga kundisyon ako sakaling sa iisang bahay na tayo tumira," biglang napawi ang ngiti niya. Naging seryoso ang hitsura niya habang nakatitig sa akin. Bigla akong nailang.
"Hindi ba natin puwedeng subukan? Malay mo mag-work," suhestyon niya.
"Hindi. Hinding-hindi magwo-work. Hindi kita gusto," deretso kong sabi.
"Okay," ibinaba niya ang ice cream niya.
"Sleep na tayo," dagdag niya.
"Pagkatapos nito matutulog na tayo."
"Sige."
"Una, 'wag nating pakikialaman ang buhay at desisyon ng isa't isa. Pakikiusapan ko si Mommy na kung puwede wala munang kasal. Kunwari kikilalanin muna natin ang isa't isa. Kung pagsasamahin tayo sa isang bahay, wala na akong magagawa ro'n. Pero sana naman ay hindi. After a year, pareho nating sasabihin na hindi talaga nag-work at ayaw natin sa isa't isa. Kapag may family dinner doon lang tayo magpapanggap na okay tayo," pagpapatuloy ko.
BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?
![Uncover [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/221837319-64-k652044.jpg)