"Good morning, Baby," bungad ni Lisa pagkamulat ng mga mata ko.
Araw-araw na akong nagigising sa mga halik niya.
Don't get me wrong, sa pisngi lang naman. Wala 'tong malisya. Pure friendship lang. Gusto kong tumawa sa pure friendship na iyon. Nagbibiro lang ako.
"Good morning too, Baby Ting," ganti ko.
Napakunot siya, "Ting?"
Tumawa muna ako bago tumugon.
"Tingting," sagot ko.
"Ah, tingting pala ha," hinawakan niya ako sa magkabilang pulso pagkatapos at hinalikan ako sa leeg.
"Lisa!"
Sobrang sensitive ng leeg ko. Halos hindi na ako makahinga katatawa.
"L-lisa t-thats e-en-" hindi ko matapos ang pagsasalita ko dahil hindi pa rin siya tumitigil kahahalik.
Tumigil lang siya nang maramdaman niyang naluluha na ako.
"Nini, i'm sorry," sabi niya.
"Ang kulit kasi, akala palaging nakikipagbiruan," tugon ko.
Hindi ko siya pinansin at lumabas na lang ako sa kuwarto.
"Jen, sorry na kasi. Hindi na mauulit," sabi niya habang nakasunod sa akin.
Hindi ko pa rin siya pinapansin. Nagpapasuyo lang. Alam niyo, minsan kailangan nating magpasuyo.
"Nini, sorry na kasi," ulit niya.
"Ipagluto mo ako," sabi ko.
Kaagad siyang napangiti.
"Yon lang ba? Easy," iniwan niya ako at nagsimula na siyang magluto.
Nagsuot pa siya ng apron akala mo naman napakahirap ng lulutuin. Pritong itlog at ham lang naman. Minsan talaga natatawa na lang ako rito sa asawa ko.
Asawa?
Practice lang, kayo naman.
"Baka ma-inlove ka na sa akin niyan, hindi kita masisisi," nakangising sabi ni Lisa.
Matagal na.
"In your dreams," inirapan ko siya.
"Sus, akala mo naman hindi ko pa alam," tuloy pa rin siya sa panunukso.
Masyado ba akong obvious? Halata ba talaga sa bawat kilos ko na gustong-gusto ko siya?
"Hindi 'no," tanggi ko.
Tumalikod siya at ipinagpatuloy ang pagluluto, o mas tamang sabihing pagpiprito.
Nagtampo na yata.
Lumapit ako sa kanya. At mula sa likuran ay niyakap ko siya.
"Hindi na ako galit," sabi ko.
Hindi pa rin siya nagsasalita.
"Alam ko namang malabo, hindi mo naman kailangang ipagdiinan pa. Puwede bang kahit minsan magpanggap ka naman na gusto mo rin ako, sakyan mo naman ang mga biro ko," wika niya bago itinigil ang pagluluto.
Sumobra yata talaga ako.
"Aalis lang ako saglit," hinubad niya ang apron at kinuha ang susi ng sasakyan niya pagkatapos ay walang lingon-likod siyang umalis.
Tinawag ko siya pero parang wala siyang naririnig.
Nagugulahan na rin ako sa sitwasyon namin. Ang labo, parang oo na hindi, parang hindi na oo.

BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?