Nandito na ako ngayon sa Japan, four hours lang naman mula Manila hanggang dito. Hindi naman problema ang tutuluyan ko dahil may bahay naman ako rito. Si Chae lang ang nakakaalam nito. Kapag pagod na pagod na kami sa trabaho at gusto naming tumakas, dito kami pumupunta. Syempre, iba pa ang rest house namin sa probinsya.
Coordinated na sa driver namin na darating ako ngayon siya na ang bahala sa pagsundo at hatid sa akin sa bahay. May sasakyan din naman ako ro'n kaya hindi magiging problema ang mode of transportation. May driver's license din naman ako rito. Ilang minuto pa'y natanaw ko na ang kotseng kulay pula. Nag-park si Kuya Ramon, driver namin, at bumaba siya para tulungan ako sa bagahe ko kahit hindi naman kailangan. Kaya ko na naman 'to, pero dahil mapilit siya, pinagbigyan ko na.
Tinawagan ko si Chae para sabihing ligtas akong nakarating dito. Baka ma-paranoid na naman 'yon. Pag-isipan na namang nakipagtanan ako o ano. Nai-kwento ko sa kanya na minsan na raw akong nakipagtanan noong bata pa ako sabi daw ng lola ko. Limang taon pa lang daw ako noon. Hanap daw sila nang hanap kung nasaan ako hanggang sa may isang bata raw na nag-uwi sa akin sa bahay. Ang ipinagtataka ko, wala naman akong naaalalang bata. Inisip ko na lang na baka kathang-isip lang nila 'yon. Isipin niyo 'yon, ang aga kong lumandi, 'di ba?
Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay nag-message si Chae.
"Meeting tomorrow morning 'til afternoon, 'kay? Take care, Jen. 'Wag nang magba-bar, please. Love you."
Napakatamis, tinalo pa ang asukal na pula.
Kaagad naman akong nag-reply.
"Noted, Mommy. Hahaha."
"Kuya, traffic ba?"
"Wala pong traffic dito, ma'am," sagot ni Kuya Ramon habang nakangiti.
Oo nga pala wala nga pala ako sa Manila.
Halos kalahating oras lang ang biyahe at nakarating na rin ako sa bahay. Ipinasok lang namin ang bagahe at pinauwi ko na rin si kuya. Tinatawag ko lang naman siya kapag susunduin ako at ihahatid sa airport. May taga linis naman ako rito every week kaya hindi pinamamahayan ng alikabok ang mga gamit. Mas gusto ko ang bahay imbes na condo, mas payapa. Isang maleta lang naman ang dala ko. Sapat na para sa ilang araw na pananatili rito. At may mga gamit din naman ako rito.
Nagbihis lang ako at nahiga na kaagad. Na-miss ko ang bahay na 'to. Memories bring back memories pala talaga. Nakakatulog na ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Napangiti ako pagkakita ko kung sinong tumatawag.
"Hi, nandito na ako. Magpapahinga lang ako, bukas pa naman ang meeting ko tapos uuwi rin ako ngayong linggo," sabik na pagkukuwento ko.
Ibinaba niya rin kaagad ang tawag at may dumating daw na bisita. Nag-message na lang siya na magkita kami after ng meeting ko tomorrow, may surprise raw siya sa akin.
Three months na rin kaming hindi nagkikita ni Kai at miss na miss ko na siya. Maraming beses ko nang sinabi sa kanya na bisitahin naman niya ako sa Manila pero wala raw siyang libreng oras. Nagbabawi raw kasi sila para sa isang deal na nasulot ng ibang company. Well, naiintindihan ko naman siya. Siya kasi ang successor ng company nila at hindi niya 'yon puwedeng pabayaan. At ako bilang girlfriend niya, kailangan ko siyang suportahan sa kahit anong paraan maging ibig sabihin man niyon ay ang matagal kaming hindi magkikita. Alam ko namang loyal siya sa akin at wala akong dapat ipag-alala. At oo, may boyfriend ako kaya kailangan kong ma-settle ang tungkol sa amin ni Lisa. Hindi ko pa lang maipakilala si Kai sa ngayon dahil bad shot siya kay Dad. Nakilala niya raw kasi ito sa isang business gathering sa Singapore at hindi niya matanggap kung gaano ito ka-hambog. Tandang-tanda ko pa ang sinabi ni Dad, "Wag na wag kang papatol sa ganoong klaseng lalaki. Magmahal ka na ng kahit na sino 'wag lang siya." Noong panahon na 'yon ay nanliligaw pa lang si Kai sa akin at nawalan na rin ako ng pagkakataon para ipakilala siya.

BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?