Maaga akong nakabalik sa bahay. Hinanap ko agad si Lisa pero hindi ko siya nakita. Nagpabalik-balik na ako sa bawat kuwarto pero wala talaga. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Si Chae na lang ang huling pag-asa ko. Tinawagan ko siya at tinanong ko kung nagsabi ba si Lisa sa kanya kung saan siya pupunta. Umalis na raw ito pabalik sa Manila. Hindi na raw niya ako nahintay. Napakamainipin talaga, ang hilig umalis nang walang paalam. Sinabi ko na lamang kay Chae na magkita kami after ng meeting niya. Kami na lang dalawa ang pupuntang Disneyland.
"Coffee date muna, Hubby. On the way na ako," message ko sa kanya.
Nag-grab na lang ulit ako papuntang Café.
"Nasaan ka na Jen? On the way na rin ako, nanuod ka ba ng news?" reply ni Chae.
"Malapit na ako. Hindi. Bakit naman ako manunuod ng balita? May comeback na raw ba ang BLACKPINK?"
"Hintayin mo na lang ako ha, mabilis lang 'to. Tinapos ko na ang meeting."
Mabilis lang naman din ang byahe kaya nauna akong makarating kaysa kay Chae. Nag-order na lang din ako ng kape at hinintay ko siya. Halos kalahating oras din akong naghintay. Tatawagan ko na sana siya nang matanaw kong humahangos siyang palapit sa akin. Parang may mali. Hindi maipinta ang mukha niya at may bakas ng pag-aalala.
"Don't worry, Hubby. Hindi ako galit, okay lang na late ka," naupo siya sa may harapan ko at huminga nang malalim.
"J-jen," halos nautal pa siya sa pagbanggit ng pangalan ko.
"Hindi nga ako galit. Pag-uwi ko na itatanong kung anong nangyari sa meeting ha. Samahan mo na muna ako sa Disneyland. Pleaseu," umakto pa akong parang pusang nakikiusap para lang mapapayag siya pero mukhang malabo.
"Si L-lisa," nauutal na naman siya.
"Wag ka nang mag-alala sa kanya. 'Di ba nga sabi mo umuwi na siya. At saka matanda na 'yon, kaya na niya ang sarili niya kakausapin ko na lang siya pagbalik natin sa Manila. Tara na kasi," kinukulit at pinipilit ko pa rin siyang sumama sa akin. Bakit ba binanggit pa niya ang payatot na 'yon, as if naman namimiss ko na siya.
"Nag-crash-" pinutol ko ang pagsasalita ni Chae.
"Alam ko na 'yan, Hubby," ngumiti ako nang malawak na tila ba proud na proud ako sa sarili ko.
"Alam mo na?" mas naging malungkot at lukot ang mukha niya.
"Syempre naman, Hubby. Sino ba namang hindi magkaka-crush sa isang Jennie Kim," tumayo pa ako, pumikit at hinawakan ang napakaganda kong mukha. Manhid lamang ang hindi mabibighani sa tinataglay kong karikitan.
"Nag-crash ang eroplanong sinasakyan ni Lisa."
Nabibingi na yata ako. Napadilat ako.
"Anong crash?"
"Human error daw."
Napaupo na lamang ako at nakaramdam ng panghihina. Hindi puwede 'to.
"Na-check mo na ba lahat? Baka naman ibang flight? Baka naman hindi kasama si Lisa? Chae naman," hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako.
"Na-check ko na lahat. Confirmed, walang nakaligtas sa plane crash. Sinubukan ko ring tawagan ang number ni Lisa pero walang sumasagot. Tumawag na rin ako sa airline. Wala na tayong magagawa, Jennie," hinawakan niya ang kamay ko pero wala akong maramdaman, namanhid na yata ito.
"Chae, gusto ko pa siyang mas makilala. Gusto ko sanang subukan gaya ng nais niya," lumapit sa akin si Chae ay niyakap niya ako.
Hindi pa rin ako tumatahan, iyak lang ako nang iyak habang tinatawag ang pangalan ni Lisa.
"Miss," naramdaman ko na lamang na parang may tumatapik sa balikat ko.
"Are you okay?" tanong ng babae habang titig na titig sa akin.
"Here, wipe your tears," iniabot niya sa akin ang panyo niya at kaagad ko rin naman itong tinanggap.
"Thank you," sabi ko at umalis na rin siya para bumalik sa puwesto niya.
Hindi ko namalayang dalawang oras na pala akong naghihintay kay Kai. Pero kahit isang mensahe man lang wala akong natanggap. Nakatulog na ako kahihintay sa kanya pero ni anino niya hindi man lang nagpakita.
Dali-dali akong tumayo at kinuha ang bag ko. Nag-iwan ako ng cash sa mesa at lumabas ng café.
"Lisa," bulong ko.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid pabalik sa bahay. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na tila ba sasabog na ito sa sobrang kaba. Tinawagan ko si Lisa pero hindi siya sumasagot.
"Lintek! Bakit pa bumili ng cellphone hindi naman sumasagot sa tawag," napasigaw na ako, napatingin sa akin si manong driver at napakunot. Kaagad naman akong humingi ng pasensya.
Hindi ko maitago ang frustrations at pag-aalala ko. Paano kung magkatotoo ang panaginip ko? Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Lisa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang aking ikinikilos. Kahit ako nawiwirduhan na sa ginagawa ko.
"Chae, tawagan mo naman si Lisa. Sabihin mo 'wag na 'wag siyang aalis sa bahay nang wala ako," text ko kay Chae.
Hindi man siya nag-reply alam kong ginawa na niya ang sinabi ko. Ganiyan kalaki ang tiwala ko sa kanya.
Pagkababa sa taxi halos liparin ko nang papasok sa bahay. Nag-door bell ako kahit ako naman ang may ari ng bahay. Malay ko ba kung anong ginagawa niya sa loob. Mabuti na ang sigurado. Tatlong beses akong nag-door bell pero walang nagbubukas ng pinto. Pinindot ko na ang code at dali-daling pumasok sa loob.
"Lisa," tawag ko.
Walang sumasagot.
"Lisa!" sumisigaw na ako.
Wala talaga siya. Binuksan ko ang T.V. para makapanuod ng balita at nanlumo ako sa flash report. May eroplano raw mula Japan na nag-crash. Ganitong-ganito ang panaginip ko.
Tinawagan ko ulit si Chae para hanapin si Lisa. Bumalik na nga raw ito sa Manila kanina. Nagbilin pa raw ito na magkita kami sa condo pagbalik ko. Sabay na raw kaming pupunta kina mommy para sabihing engaged na kami at hindi na kailangan pa ng panibagong engagement party.
Hindi ako nakapagsalita. Nanginginig ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang cellphone ko. Nagsasalita pa si Chae sa kabilang linya pero wala na akong naiintindihan. Umiyak na lang ako nang umiyak hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Minsan gigisingin tayo ng pagkawala at doon pa lamang natin maiintindihan ang halaga ng tao. Lisa, handa na ako e, handa na sana akong sumubok at sumugal.

BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?