•••

795 19 2
                                    

Hi! Wala lang, sumilip lang ako. Chine-check ko lang kung okay pa ba kayo. Sana oo. At kung hindi man, sana'y papunta o malapit na rin kayo sa pagiging okay. Pisikal man o emosyonal. Ang bigat ng epekto ng pandemic na 'to. Palagi sana kayong mag-iingat, manatili sa bahay. Lumabas lang kung kinakailangan. Ugaliing magsuot ng mask at magdala ng sanitizer.

Skl din, may mga nababasa akong issue sa wattpad? Nagloloko raw, parang siya. Haha. Kidding. Pero kung sakaling wala na kayong marinig sa akin baka hindi ko na nabubuksan ang account na 'to. Pero 'wag naman sana. Sayang naman ang na-publish ko nang libro dito. Wala akong back-up, nandito lang talaga ang kopya no'n.

Alam niyo naman kung gaano ako ka-thankful sa inyo, ano? Pero uulit-ulitin ko pa rin. Haha. Thank you sa pagbabasa, sa pag-add sa reading list niyo, sa pagboto, sa pag-comment, sa pag-follow. Pero alam niyo ba hindi ako makapagpost ng message tapos announce this to my followers. Nahihiya kasi ako. Hahaha. Shy type author niyo. Lol. Basta palagi kayong mag-iingat at ako naman ay ganoon din kahit palaging masama ang pakiramdam ko. Haha. Pagod lang siguro 'to.

Good night, nagpahinga na tayong lahat. Susubukan kong mag-update bukas. Pero tanong ko lang may nagbabasa pa ba nito? Paramdam naman kayo. Haha. Ciao! ILY!

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon